Chapter 40

1.7K 50 5
                                    

CHESKA'S POV

umalis na sina mommy at naiwan ako mag isa dito sa napakalaking kwartong to para daw makapagpahinga na ako.

Pero dahil nahihiya ako ipakita sa kanila ang excitement ko kanina ay inulit ko ang pag eexplore dito sa napakalaking kwarto ko at pagkatapos ko mag explore ay nagpunta naman ako sa walk in closet ko, grabe kung may nakakakita lang siguro sa hitsura ko ngayon ay hindi niya maipipinta ang mukha ko sa sobrang saya at excite sa bagong buhay na tatahakin ko kasama ang bago kung pamilya. Arghhh excited na ako makasama si miss irene, bat ba ganito nararamdaman ko sa pamilya niya at lalo na sa kanya, parang my connection kami na hindi ko masabi.

Andito ako sa walk in closet at nakita ko ang napaka raming damit, sapatos, bag at alahas. Grabe para akong nasa panaginip yung fairytaile ba. Yung ikaw ang bida sa pelikula, yung ikaw ang prinsesa sa pelikula. Dati talaga napapanood ko lang ang mga ito sa tv, ngayon ay hindi ako makapaniwala, natatamasa ko na ang karanyaan na pinapangarap ko lamang noon.

Nagligo na ako, at first time ko maligo sa napakalaking bathroom na to, ang iba pa ngang kagamitan ay hindi ko alam kung paano gamitin sa sobrang hightech

(ay wow pati sa bathroom my hightech) ewan ko kung ilang beses nahulog ang panga ko sa sobrang pagkamangha sa kwarto ko, ang luxurios sobra!

Pagkataos ko maligo ay nagsipilyo at nag ayos na ako, saka dumeretso sa kama ko. Pinagmasdan ko ang napakalaking kama ko at hinawak hawak iyon, grabe sobrang lambot, kaya sa sobrang lambot na iyon ay nakaisip ako ng kalokohan.

Tumalon talon ako sa kama hanggang sa mapagod ako, at napahiga na lamang, pero pansin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok, ewan ko ba, baka namamhay siguto itong katawan ko.

***

Kalahating oras na ang nakalipas pero hindi parin ako maka tulog, kaya naisipan kung kumuha ng dalawang unan at i t-try kung kumatok sa kwarto nina mommy at doon makitulog.

"hayyyzzz cheska, ano ba tong pumasok sa isip mo, mahiya ka nga!" Paninermon ko sa sarili ko ng kakatok na ako sa kwarto nina mommy. "Ito na talaga 1, 2, 3" sabi ko sa sarili ko at kumatok

"Come in" rinig kung sabi ni daddy kaya kahit na medyo kabado ay pumasok na ako, eh bat ba gusto ko nga silang makatabi.

"Oh, cheska, darling what are you doing here?" Tanong ni dad, hindi naman ako napansin ni mommy agad kanina dahil nakaharap siya sa vanity mirror niya at nagsusuklay, pero nang marinig niyang kausapin ako ni dad ay agad siyang humarap sa direksyon ko

"Ah, eh, u-uhm ano p-po kasi, uhm~" mautal utal kung sabi hanggang sa nagsaluta na si mommy

"Cant sleep?" She ask with a sweet voice at tinawag niya ako gamit ang kamay niya kaya lumapit ako sa kanya ng hilahin niya ako pa upo sa tabi niya

"Opo eh" sagot ko ng patalikurin ako ni mommy at ihinarap sa vanity mirror, saka niya sinimulang suklayin ang napaka haba kung buhok, ewan ko ba bat ako nagpahaba ng buhok ng ganito, mala rapunzel.

Grabe ang gaan ng kamay ni mommy habang sinusuklayan ako, at habang ainusuklayan naman niya ako ay kumakanta siya, her voice is so soft and sweet, para siyang diyosang kumakanta na kahit paulit ulit mong pakinggan ay hindi ka magsasawa.

"Mom" i said at saka humarap ako sa kanya "hmmm?" She ask "first time ko po kayo marinig kumanta, ang ganda po pala ng boses niyo" sabi ko ng biglang sumabat si daddy

"Maganda talaga ang boses ng ex wife ko, and future wife ko" he said and wink at mommy (ay sheyt, bat ba naisipan kung makitulog dito, baka naka istorbo pa ako sa gagawin nila) i said in my mind

"Nako tumigil ka gregorio, binobola mo nanaman ako" galit galitang sabi ni mommy pero hindi niya maitatago sa akin na kinikilig ang buong sistema niya

"Uyy si mommy nagblu blushhh" pang aasar ko sa kanya na sinuklian niya ng sama ng tingin

Family is where the home isWhere stories live. Discover now