Third person's POV :
"Gabb, anong gagawin natin?" Tanong ni Gelo kay Gabb.
"Wag kang mag-panic, paparating na sila." Sabi ni Gabb kay Gelo.
Di nila alam na may drone na secretly kumukuha ng live na video sa kanila.
Ang nagkokontrol sa drone ay si Mikki at Nate.
"Pare, ayusin mo naman. Dapat yung makikita ng lahat." Sabi ni JL.
"Oo nga, pwede bang wag kang magulo." Sabi ni Nate na parang naiinis sa karereklamo ni JL.
~Back to scene~
"Wala kang sinabi na gagawin mo to." Sabi ni Gabb.
"Bobo ka ba? Kapag ba sinabi ko pupunta ka? Malamang hindi!" Parang galit na si Charlie.
"Talaga lang ha?" Sabi ni Gabb at kita naman sa mukha nya na galit na rin sya.
Patagong dumating ang mga pulis.
"Sir, wag po muna. Magbibigay ng signal si Gabb satin." Paliwanag ni Nate sa mga pulis.
"Sige." Sabi ng mga pulis.
Sa bahay nila Coleen
Natapos na yung party, sila Albert, Melisah, Chris ay parang gusto na umuwi.
"Mr Trinidad. Baka mauna na kami?" Sabi ni Albert.
"Sige, future father-in-law ng anak ko." Sabi ni Mr Trinidad.
"Papa naman." Parang nahihiya si Coleen.
Nagtawanan lang sila.
"Guys!" Tumatakbo si Sheki nung sumigaw sya.
"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Coleen.
"Coleen, nasa peligro sila Gabb at Gelo." Hingal na sabi ni Sheki.
"At saan mo naman nakuha ang balita na yan?" Tanong ni Coleen.
"Naglive si Nate sa social media, at balita ito ngayon." Sabi ni Sheki.
Agad na binuksan ni Coleen ang TV at saktong paparating palang ang balita.
"Ang balita ngayon ay ang nakakagambalang live ng isang sikat na vlogger sa social media. Makikita ang mga taong ito sa video at narecognize sila bilang anak ng mayamang Skribikin family.. Hanggang ngayon ay gumagawa ang mga pulis ng paraan para maligtas sila." Sabi ng nagbabalita sa TV.
Pinakita ni Sheki ang buong live sa cellphone nya.
Kinuha ni Albert ang Cellphone nya at pumunta sa social media na sinasabi nila.
~Back to scene~
"Tama na ang laro! Nasa sayo na ang pera!" Sigaw ni Gabb kay Charlie.
"Pasensya na pero hindi pwede lumabas sa publiko na isa akong ganito." Sabi ni Charlie sa kanila.
Naglabas ng mga patalim ang ibang kasama ni Charlie, hindi alam ni Gabb at Gelo ang gagawin.
"Akala mo ba nanalo ka na?" Sabi ni Gabb.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Charlie.
Natawa si Gabb at tinuro ang nakatagong drone.
"Huli ka na, Charlie." Sabi ni Gabb.
"Chief, puntahan nyo na! Yun na yung signal!" Sabi ni Nate sa mga pulis.
"Move!!!"
Agad na romesponde ang mga pulis.
Tinutukan ng baril sila Gabb at Gelo ni Charlie.
"Makukulong ako, pero papatayin ko muna kayo!" Sabi ni Charlie na galit na galit.
"Charlie, 30,000 lang naman utang ko ah?!"
"Bobo ka Gelo!! Hindi ka nag-iisip na ayaw ko na pinaghihintay ako!" Sambit ni Charlie.
"Charlie, pagpinatay mo kami. Hindi kana makakalabas sa kulungan." Paliwanag ni Gabb sa kanila.
"Wala akong paki!"
At nakalabit ni Charlie ang gatilyo.
Lahat ay nagulat, pati sila Coleen at Albert, sila Chris, Sheki, Brie, Aly at Sela.
Pati rin si Ella na nanonood ng live sa cellphone.
Binuksan ni Gelo ang mata nya at laking gulat nya na niyayakap sya ni Gabb.
Pumikit si Gabb at naalala ang sabi ng manghuhula, "Maari mong iligtas ang sarili mo, kung hindi mo ililigtas ang taong iyon?"
"Gelo, I'm sorry." Bulong ni Gabb kay Gelo.
Tiningnan ni Gelo ang kamay nya at laking gulat nya na may dugo ito.
"Gabb?"
Natumba si Gabb at sumuka ng dugo.
"Gabb! Gabb! Please!" Nagmamakaawa si Gelo kay Gabb.
Nagulat rin si Coleen sa nakikita nya.
"Kailangan ko syang puntahan!" Sabi ni Coleen.
Hinawakan ni Mr Trinidad ang kamay nya at sabi, "Delikado! Hayaan na muna natin na maligtas sila!" Sabi ni Mr Trinidad kay Coleen.
"Hindi papa.. Pupuntahan ko sya!" Sabi ni Coleen at nagpatuloy na lumabas.
Sumunod sila Sheki, Brie, Aly, Sela at Chris.
~Back to Scene~
Nilagay ni Gelo ang ulo ni Gabb sa braso nya at patuloy na umiiyak.
"Gabb, please!"
"Gelo, ipangako mo na kahit anong mangyari di mo na uulitin to." Sabi ni Gabb.
"Gabb, please!"
Pinunasan ni Gabb ang luha nya at sabi, "Mahal kita.. Alagaan mo si Coleen para sakin." Sabi ni Gabb sa nanghihina na boses.
"Gabb, please! Ayokong mawala ka!"
"Gelo, I'm sorry." Umiyak si Gabb nung sinabi nya yun.
"Hindi, ako nga dapat magsorry. Sorry sa lahat ng nasabi ko. Please!" Sabi ni Gelo at patuloy na umiiyak.
Ngumiti si Gabb at pinilit ang sarili na mahalikan si Gelo sa noo.
Pagkatapos nun ay ngumiti sya at sinara ang mga mata, huling patak ng luha ang lumabas sa mata ni Gabb.
Dumating ang mga pulis at agad na hinuli si Charlie at ang iba pa nyang kasama.
*Nahuli yung pulis.. Hahahha.*
Dumating ang ambulansya at nilagay agad si Gabb sa stretcher.
Saktong dumating si Coleen.
Nakita nya si Gabb kaya tumakbo sya at agad na hinawakan ang kamay nya.
"Gabb! Gabb! Gising!" Sigaw ni Coleen.
"Ma'am, isa lang po pwedeng sumama." Sabi ng lalaki sa kanila.
"Ako ang sasama!" Sabi ni Coleen.
Tumango ang lalaki at agad silang sumakay ng ambulansya.
YOU ARE READING
There's no destiny on us | Unicoco Fan Fiction
FanfictionColeen Trinidad is a famous and rich girl. One day, she got a dare from her group and that dare is to be Gabrielle Skribikin's girlfriend for 50 days. Coleen Agree to it because she knew that Gabb likes her. 2nd story Publish on : Apr 8 2022 Complet...