Coleen's POV :
Hindi ko kakayanin kung mawawala ka Gabb.
"Gabb! Please! Lumaban ka!" Sabi ko habang hawak ang madugong kamay ni Gabb at patuloy parin sa pag-iyak.
"Basta piliin mo lang ako.. Patatawarin kita." Naalala ko ang sabi ni Gabb sakin nung nasa rooftop kami.
"Gabb! Please! Nandito lang ako!" Sabi ko at patuloy na umiiyak.
Pero hindi gumigising si Gabb.
Nakarating kami sa Jill hospital at pinigilan ako ng nurse na pumasok sa E.R.
"Ma'am, kami na po ang bahala." Sabi nya.
Wala akong magawa kundi maghintay sa labas.
Nakarating sila Aunt Chris, Ate Sheki, Ate Brie, Ate aly at ate Sela.
Niyakap ako ni Aunt Chris at tinanong, "Kamusta?"
"Aunty, hindi ko po alam kasi kapapasok palang ni Gabb."
Dumating sila Gelo at ang mga kaibigan nya, sumunod naman sila papa at Mr Skribikin.
Nilapitan ko si Gelo at sinampal ng malakas.
"Gelo, ano ba?!" Galit kong tanong sa kanya.
"Coleen, let me explain?" Sabi nya.
"Bakit? Bakit si Gabrielle pa?!" Galit kong tanong sa kanya.
"Coleen, di ko sinasadya. I swear, i didn't mean it."
Sinampal ko ulit sya.
"Palagi nalang ba tayong ganito, huh Gelo?! Nung tayo pa, puro ka excuses! Tinanggap ko yun kasi mahal kita! Ngayon kapatid mo na ang minahal ko, ba't pinagkakait mo yun?!" Di ko mapigilan na di magalit.
"Coco, kumalma ka." Sabi ni ate Sheki na niyakap ako sa likod at nilayo kay Gelo.
"Gelo ano ba pumasok sa isip mo? Kung sinabi mo sakin, eh hindi sana tayo aabot sa ganito?" Sabi ni Mr Skribikin kay Gelo.
"Papa, natakot kasi ako. Alam kong magagalit ka."
"Alam mo naman pala, pero tinuloy mo parin!! Akala ko kapatid mo ang may problema! All this time ikaw lang pala!.. Gelo, saan ba kami nagkulang ng mama mo? Binigay namin lahat, pagmamahal, atensyon, pag-alaga at disiplina na ipinagkait namin kay Gabb... Pero ba't ganyan ka?" Sabi nya at hindi mapigilan na di maluha sa sitwasyon.
Tahimik lang ang mga kaibigan ni Gelo, pero iyak ng iyak si Gelo.
"Gelo, kapag may nangyari masaya kay Gabb. Patawarin ako ng dyos kung hindi kita kayang patawarin." Sabi ni aunt Chris.
Umupo ako at patuloy na umiiyak.
Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si Gabb sa harap ko.
"Gabb?" Sabi ko.
Pinunasan nya ang luha ko at ngumiti.
"Coleen, walang kasalanan si Gelo.. Since una palang alam ko na mangyayari to." Sabi sakin ni Gabb.
"Gabb, please! Wag kang umalis!" Sabi ko na patuloy na nagmamakaawa.
Niyakap ako ni Gabb at sabi, "Coleen, sorry. Di ko kayang gawin yung pangako ko na babalik ako." Sabi nya.
Di ko sya magets, ba't hindi na lang sya magstay.
Hinalikan nya ako at tumulo ang mga luha ko.
Pero panaginip lang pala ang lahat nung idilat ko ang mga mata ko.
Ilang oras na pala kami naghihintay sa ER.
Ako ang nakatulog habang sila, abang na abang.
Tapos biglang dumating si Ella at sabi, "Kamusta?" Tanong nya.
"Wala parin." Sabi ko.
Tapos lumabas ang doktor.
"Sino po ang mga magulang ni Ms Gabrielle?" Tanong ng doktor.
"Ako po. Kamusta po sya!" Sabay na sabi ng mga magulang ni Gabb.
Nagbuntong-hininga ang doktor at sabi, "I'm sorry Mr Skribikin pero hindi nya kinaya."
Lahat kami ay nagulat, hindi nakapagsalita sa sinabi ng doktor.
Biglang nawalan ng malay si Aunt Chris sa balitang iyon.
Sa sobrang gulat ko, parang nawalan ako ng lakas.
Lahat kami ay umiyak sa balita na yun, nakakalungkot at hindi ko matanggap.
"Nangako ka Gabb!" Umiiyak ako nung sinabi ko yun.
Makalipas ang isang buwan
Nagbago ang lahat after mawala ni Gabb.
Si Aunt Chris ay pumunta ng USA, si Ella ay nasa Italy na.
Si Mr Skribikin ay abalang abala sa pag-aasikaso ng kompanya nila.
Si Gelo ay nasa mental dahil hindi nakayanan ang depression.
Habang ako, naiwan dito.
Lahat ng lugar na pinuntahan namin ni Gabb ay binabalik balikan ko parin, especially itong garden nila.
Naalala ko sya kapag nakikita ko yung piso namin sa fountain.
"Tingnan mo oh! Magkatabi ang piso natin." Naalala ko yung sabi nya nung nilagay namin yung piso na yan.
Hindi ko maiwasan maiyak sa tuwing naaalala ko sya.
Sana ang hiniling ko nalang nun ay makasama ko sya hanggang sa pagtanda.
"Gabb, mahal parin kita." Sabi ko habang umiiyak.
Tama nga ang iba, dapat mahalin mo ang bagay na nasa sayo, kasi hindi na natin magagawa yun. Kapag huli na ang lahat.
The End.
YOU ARE READING
There's no destiny on us | Unicoco Fan Fiction
FanfictionColeen Trinidad is a famous and rich girl. One day, she got a dare from her group and that dare is to be Gabrielle Skribikin's girlfriend for 50 days. Coleen Agree to it because she knew that Gabb likes her. 2nd story Publish on : Apr 8 2022 Complet...