-Chapter 3-

270 28 0
                                    

Gabb's POV :

Papasok na sana ako sa klase nung makita ko si Coleen sa isang bench, nakaupo mag-isa at umiiyak.

Kinuha ko ang panyo kong grey at lumapit sa kanya at binigay ito.

Tiningnan naman nya ako at tinanggap nya yung panyo ko.

"Salamat." Sabi nya habang pinupunasan ang luha nya.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Break na kami ni Gelo." Sabi nya sakin.

"Bakit naman kayo nagbreak ni Gelo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang, di ko rin alam. Ikaw ba, may alam ka ba?" Tanong nya.

Agad akong nagsalita, "Wala. Magkapatid nga kami pero di naman kami nakatira sa isang bahay." Sabi ko sa kanya.

Tapos bigla akong niyakap ni Coleen at sabi nya, "Please wag ka munang umalis." Sabi nya sakin.

Kaya niyakap ko rin sya at sabi, "Sige. Di ako aalis." Sabi ko sa kanya.

Coleen's POV :

So sinabi ko talaga ang lahat ng yun, pero di nya alam na ginagawa ko lang yun para sa bet.

Pero mabango si Gabb ha.

Pero kami parin ni Gelo sa huli... 50 days lang naman eh.

Tumingin ako kay Gabb at sabi ko, "Gabrielle, sorry ha. Ikaw pa tuloy tong naiiyakan ko." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, okay lang.. Ang totoo nyan ay gusto ko nga magsorry sayo kasi nagbreak kayo ni Gelo." Sabi nya sakin.

Nagsmile ako sa kanya at sabi ko, "Thank you... Baka mahuli pa tayo sa klase natin." Sabi ko para maputol na yung drama namin.

Pagkalipas ng mga oras ay lunchtime na namin, pumunta ako sa canteen at nakita si Gabb kumakain mag-isa sa isang table.

Nilapitan ko sya at sabi ko, "Do you mind if I sit here and join you?" Tanong ko habang nakasmile.

Pero parang normal lang sa kanya na makita ako eh.

"Oh, sige. Maupo ka." Sabi nya.

Nilagay ko yung pagkain ko sa table at umupo sa harap nya.

"Ba't mag-isa ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, no. Actually nandito kaibigan ko, bumili lang sya ng pagkain nya." Sabi nya sakin.

"Ah... So kamusta ka na?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Parang hindi naman tayo nagkikita araw araw." Sabi nya sakin sabay alis ng tingin.

"Iba parin yung nagtatanong sa isang tao." Sabi ko.

Tumango sya at sabi, "Okay lang naman."

Tapos hinawakan ko ang kamay nya at sabi, "Gabrielle, how about maging tayo nalang?"

Tapos bigla nyang hinila ang kamay nya at halatang na gulat sya sa sinabi ko.

"Ha? Di yun pwede, Coleen." Sabi nya pero namumula ang pisngi.

"Bakit hindi? Mabait ka naman, and isa pa.. Mas gentleman ka pa ata kaysa sa lalaki." Sabi ko para tuluyan ko na syang makuha.

Tapos patuloy akong ngumiti sa harap nya.

Gabb's POV :

Napaisip ako bigla kung bakit biglaan ang pagtanong nya sakin na maging girlfriend nya.

Syempre, ikaw ba naman tanungin na maging girlfriend ng crush mo pero di kayo gaano ka-close. Malamang na magugulat ka.

"Sige." Sabi ko para tumahimik na sya.

At nung sinabi ko yun ay kita ko ang saya sa mukha nya.

"Hoy! Girlfriend na ako ni Gabrielle!" Bigla nalang nya pinagsigawan sa buong tao sa canteen.

Tinakpan ko bibig nya at sabi ko, "Anong ginagawa mo?"

Hinawakan nya ang kamay ko at sabi, "Pagmamalaki na kita kasi girlfriend na kita."

Napa lunok ako at nagsinghal, "Pero sa isang kondisyon." Sabi ko sa seryosong mukha.

"Ano yun?" Tanong nya.

"Hayaan mong ligawan kita?" Sabi ko.

Ngumiti na naman sya at sabi, "Sige. Pero girlfriend mo na ako ha?" Sabi nya habang nakangiti.

Tumango lang ako sa kanya.

Third person POV:

Di nila alam na tinitingnan lang sila ni Ella sa malayo.

Hindi nalang sya lumapit sa kanila kasi nakita na nyang masaya silang nag-uusap, kaya umalis nalang si Ella sa canteen.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now