Coleen's POV :
"Gabb, magkita tayo." Sabi ko habang tinatawagan si Gabb sa telepono.
"Sige, saan?" Tanong nya.
"Pumunta ka dito sa rooftop ng school natin." Sabi ko sa kanya.
Gabb's POV :
"Sige." Sabi ko at binaba ang tawag.
Parang may mali kay Coleen, pero pinuntahan ko parin sya sa rooftop.
Nakita ko syang mag-isa at mukhang malalim ang iniisip nya.
"Coleen?" Napangiti ako nung tinawag ko ang pangalan nya.
Tumingin si Coleen sakin at sabi, "Gabb." Sabay nagpakita ng isang malungkot na ngiti.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya at lumapit.
"Gabb. May gusto akong sabihin sayo." Di ko alam kung sasabihin nya ba na niloloko nya lang ako o ibang bagay.
Kinakabahan ako pero ayokong makita nya yun.
"Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya.
Tapos bigla umiyak si Coleen sa harap ko.
"Oh, ba't ka umiiyak?" Tanong ko sabay yakap.
"Gabb, kung may nagawa akong kasalanan. Patatawarin mo pa rin ba ako?" Tanong nya sakin.
Pilit kong sinasabi na hindi ako niloloko ni Coleen kaya ngumiti ako at sabi, "Oo naman.. Ba't naman hindi?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan ako ni Coleen at sabi, "Talaga?" Sabi nya.
Pinunasan ko ang luha nya at sabi, "Basta piliin mo lang ako.. Patatawarin kita." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti rin si Coleen, niyakap ako ni Coleen pero alam ko sa sarili ko na masakit.
Masakit na magbulag-bulagan para sa kanya, pero kakayanin ko kasi sya ang bagay na di ko kayang mawala.
"Tara na." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
Papalakad na sana ako pero naramdaman ko na di gumalaw si Coleen.
"Bakit?" Tanong ko.
Hinalikan nya bigla ang pisngi ko at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Parang di ako makagalaw nung ginawa nya yun.
"Tara na?" Mukha syang masaya.
Tumango ako at parang tulala parin.
Pero nakaramdam ako ng saya sa ginawa nya.
"Gabb, ipapakilala kita kay mama sa birthday nya." Sabi ni Coleen.
"Sinabi mo na yan eh.. Pero sure ka ba talaga dyan?" Tanong ko para klaro lang.
Tumango sya at sabi, "Sigurado na ako." Sabi nya sabay ngiti.
"Hindi na ikaw ang kasama nya sa huli." Naalala ko ang sinabi ng matanda sakin.
Pinilit kong ngumiti sa harap nya para di sya magtanong kung ano ba ang iniisip ko.
Gelo's POV :
Di ko alam kung saan ako hahanap ng 35,000 na pang bayad kay Charlie.
Kinuha kasi ni papa yung credit card ko at di ko ma-access yung deposito ko sa bangko.
Buti nalang nandito sila JL, Nate, Akira at Mikki pero ang perang binigay nila ay kulang parin.
Kinakabahan na ako kasi baka mapatay ako ni Charlie kapag di ako nagbayad.
"Pre, ano na gagawin mo ngayon?" Tanong ni Akira sakin.
"Pre, pupunta tayo dun tapos mag-live ka." Sabi ko kasi naisip ko talaga ang idea na yun.
"Pre para saan?" Tanong ni Nate.
"I-expose natin si Charlie para makulong sya." Sabi ko kasi wala na akong ibang paraan, 15,000 palang ang na sa akin.
"Pre, gagana ba yun?" Tanong ni Nate.
"Di ko alam, but you guys have to help me out of this mess." Sabi ko at parang di ako mapakali.
"Sige pre.. Tutulong kami." Sabi ni JL sakin.
Di ko alam gagawin ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko.
In Coleen's mom birthday
Gabb's POV :
Nasa sasakyan palang ako, pero kinakabahan na ako.
"Aunty, Papa, Mama, wag na kaya tayo tumuloy?" Sabi ko kasi ayoko talaga, nakakahiya.
"Gabb, I think this will be the perfect time to make the people acknowledge that you're not the person they think." Sabi ni Papa.
Pero mas kinabahan pa ako.
Tapos kumatok si ate Aly sa bintana ng sasakyan kaya binuksan ko ito at ngumiti sa harap nya.
"Gabb, ano ba? Hinihintay ka na ng mama at papa ni Coleen, please lang naman, wag mo sya ipahiya!" Sabi nya at halatang naiirita na sya.
"Oo nga. Hayaan mo muna kasi ako! Di ka nakakatulong!" Sabi ko at sobra na akong nagpa-panic.
Dumating si Coleen at binuksan ang pinto ng sasakyan at hinawakan ang mga kamay ko.
"Gabb, promise. Nandito lang ako." Sabi nya sakin.
Kumalma ako at tumango sa harap nya.
"Sige." Sabi ko.
"Hay sus! Gusto pala nya Jowa nya ang kukuha sa kanya." Pang-aasar ni ate Aly sakin.
Hindi nalang ako nagsalita, at tumuloy habang hawak ang kamay ni Coleen.
"Coleen, ang ganda mo ngayon." Ang mga salitang tumatakbo sa isip ko habang pinagmamasdan sya sa maganda nyang white gown.
Pero hindi ko alam kung huli ko na syang makikita na nakasuot ng damit na yan.
~•Flashback•~
"Iha, isang bala... Ang sisira ng lahat." Ang bagay na sinabi ng manghuhula nung mga oras na nagpahula ako sa kanya.
"Anong ibig nyong sabihin?" Tinanong ko sya dahil hindi ko naiintindihan.
"Nung mga oras na makukuha mo na ang lahat, dun sisirain ng isang bala ang buhay na pinapangarap mo." Sabi nya.
"Imposible ho yun, dahil wala naman po akong kaaway." Sabi ko.
"Maaring hindi ikaw.. Baka ang iba... Maari mong iligtas ang sarili mo, kung hindi mo ililigtas ang taong iyon?"
~•End of Flashback•~
Guys, ilang chapter nalang matatapos na ang story na to!!
Love you all, stay safe!
YOU ARE READING
There's no destiny on us | Unicoco Fan Fiction
Fiksi PenggemarColeen Trinidad is a famous and rich girl. One day, she got a dare from her group and that dare is to be Gabrielle Skribikin's girlfriend for 50 days. Coleen Agree to it because she knew that Gabb likes her. 2nd story Publish on : Apr 8 2022 Complet...