-Chapter 1-

472 38 0
                                    

Coleen's POV :

Ako nga pala si Coleen Trinidad, mayaman, maganda, at sikat. Kabilang ako sa grupo ng mga mayayaman sa university namin.

Pero nasira ang araw ko nung nakabangga ko ang weirdo na to, sabi nila sya daw si Gabrielle Skribikin short for Gabb or Gabo. Anak ng mayaman pero sabi din nila na kinakahiya nila ang taong to.

Ang terrible nya ha! Paghawak man lang ng libro parang nakayakap sa teddy bear, at ang sapatos nya ay sobrang luma pa at maruming tingnan.

"Sorry." Apologize ni Gabb sa'kin.

"Talaga? Sige, patatawarin kita sa ngayon. Pero kapag nakabangga mo ako ulit, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Sabi ko para hindi na umulit.

Umalis ako sa harap nya at dumeretso sa Chemistry subject ko.

Akala ko fresh na naman ang start kasi unang araw ng pasukan sa paaralan pero laking gulat ko nang makita ko nandoon yung weirdo na Gabb sa gilid habang nagbabasa ng libro.

"Anong ginagawa nya dito?" Bulong ko sa sarili ko.

Tapos tumingin sya sakin, siguro alam nya na nakatingin ako sa kanya. Tapos bigla syang nagsmile at nagwink sakin.

Linayo ko ang tingin ko at galit na ako.

"Buwesit talaga yang Gabb na yan." Galit na bumulong ako sa sarili ko.

Tapos makalipas ang ilang oras, natapos ang klase namin. Pagtingin ko ay biglang nawala si Gabb sa room.

Salamat! Kasi nawala rin sya sa paningin ko. Pero laking gulat ko ng tumayo sya, all this time naglilinis lang pala sya ng mga libro.

"Huh?"

Niligpit na ni Gabb ang gamit nya at bigla kong sinabi, "Ah! Gabb? Gabb, right?" I smile at her.

She nod and just normally look at me.

"Can you just take care of this?" Tinuro ko yung mga librong ginamit ko nung klase.

Tapos tumango lang sya at sinabi, "Sige." Sabi nya.

Nagwave ako ng kamay sa kanya at sabi, "Sige, thanks.. Bye!" Sabi ko papaalis ng room.

Pagkaalis ko ay agad ko naman pinalitan ang expression ko, sa totoo lang naiinis ako.

Gabb's POV :

Napangiti nalang ako nung kausapin ako ni Coleen.

I mean, sino nga ba ang hindi matutuwa dahil isang sikat na taong kagaya nya hihingi ng favor sa isang taong kagaya ko.

Maybe kahit ganun nalang masaya na ako.

Pagtingin ko ay late na pala ako sa trabaho kong part time.

Kaya binilisan ko ang paglilinis at umalis na sa room, agad akong umalis sa university at tumawag ng taxi.

Marami ang nagtataka kung bakit palagi akong sumasakay ng Taxi, ang totoo ayaw kong magpahatid sa personal driver ko.

Alam ng lahat na isa akong kahihiyan sa pamilya ko at sa ibang tao kaya palagi akong mag-isa. Pero hindi na ata yun importante.

Nakarating ako sa coffee shop kung saan ako nagpa-part time.

Pumasok ako at sabi, "Sir, sorry nahuli ako." Sabi ko sa manager.

"Gabb, sorry pero you're fired." Sabi nya sakin at nagulat ako.

"Sir naman, anong rason?" Tanong ko.

"Gabb, palagi ka nalang late. Ang mga tao dito ay palaging naabala, at alam naman naming lahat na anak ni Mr Skribikin. Kaya di mo ko masisi kung kailangan ko tong gawin." Sabi nya sakin.

Nagsinghal ako at naintindihan nalang ang sitwasyon.

"Sige po. Salamat nalang po." Sabi ko sa manager ng coffee shop.

Umalis ako na malungkot at sumakay nalang ako ulit ng taxi at umuwi sa bahay.

Pagkauwi ko ay nakita ko sila papa, mama at Auntie sa sala.

Ayoko sanang tingnan si dad pero tinawag nya ako, "Gabb?" Sabi nya sa seryosong boses.

"Po?" Tumingin ako sa kanya.

"Sa'n ka nanggaling?" Tanong niya.

"Sa school po."

"Sinungaling!" Sigaw nya at nagulat ako.

Tumayo sya at galit na papalapit sana, pero pinigilan sya ni Aunt Chris.

"Kuya, tama na." Sabi ng Auntie ko.

"Ano ba Chris? Kaya hindi nagtatanda yang pamangkin mo dahil mahilig mong kampihan." Galit na sinabi ni papa kay Aunt Chris.

"Kuya, Ano ba? Bakit hindi mo muna pakinggan explanation ni Gabb?" Pagtatanggol ni Aunt Chris sakin.

"Sige, mag explain ka." Galit na sinabi ni Papa.

"Pinaalis na po nila ako sa coffee shop." Sabi ko.

Kumalma si Papa at umalis na lang kasama ni mama.

"Gabb, okay ka lang?" Tanong ni Auntie sakin.

Tumango ako at niyakap nya ako.

Si Aunt Chris lang naman kasi ang may paki sakin sa bahay namin, sya ang naging magulang ko simula pa ng bata pa ako.

Sya ang uma-attend sa mga occasions sa school ko, at sya lang nakakaalala ng kaarawan ko.

Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Auntie ko kasi sya lang ang meron ako.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now