"Bakit ngayon ka lang?"
"Mano po." inabot ko ang kaniyang kamay.
"Matagal ka na niyang inaantay." bakas sa kaniyang boses ang pagkalumbay.
Tanging ngiti lamang ang naisagot ko sa kaniya, inaya niya naman akong pumasok kaya sumunod na lamang ako.
Ganoon pa rin, walang bago. Parang kahapon lang nangyari ang lahat kahit halos tatlong taon na mula noong huli akong nakaapak sa bahay na 'to.
Malagkit na tingin at kani-kaniyang bulungan na hindi nakaligtas sa tainga ko ang agad na sumalubong sa'kin.
"Hijo, narito ka na pala!" napaigtad ako dahil sa pagsunggab ng yakap ng taong iyon.
"Opo kakarating ko lang po." sabi ko rito ng maghiwalay ang aming mga yakap.
Umupo muna kami, at pinaghandaan naman nila ako ng makakain.
Panay kwentuhan lang ang aming ginagawa habang narito kami sa harap ng babaeng huli kong nakasama tatlong taon na ang nakalilipas.
May lungkot ang bawat mukha ng mga taong naroon, ngunit ang kwentuhan namin ng kaniyang Ama at Ina ay puno ng pananabik at saya.
Ikenwento ko sa kanila ang naging buhay ko sa abroad habang ako ay nagtatrabaho, tuwang tuwa naman sila habang nakikinig.
Natapos lang ang usapang iyon nang magsidatingan na ang marami pang bisita.
Naging abala ang halos lahat upang mapagsilbihan ang mga nagsipagdatingan, ako naman ay nakaupo pa rin sa kanina ko pang pwesto.
Nagmumuni-muni, at hindi alam ang gagawin.
Nang makaipon ako ng sapat na lakas ng loob ay tumayo ako at dahan-dahang humakbang papalapit sa kaniya.
"Nandito na ako," wala sa sarili kong sabi.
Nagbago ang kaniyang wangis, ang dating bilugang mukha ay naging mapayat. Pero kahit na ganon ay maganda pa rin siya sa paningin ko.
"Inaantay mo pala ako?" tanong ko pa habang hinihimas ang glass ng kaniyang hinihigaan.
Para lang siyang natutulog....napakapayapa, at napakakomportableng tignan.
Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan siya, napakaganda niyang tignan sa puting bistida niyang suot. Mukha siyang anghel.
Napadapo naman ang mga mata ko sa isang picture frame na nasa gilid ng divider, kinuha ko iyon at hinaplos ng pauli-ulit habang ang ngiti ay di ko pa rin maalis sa aking mga labi.
Ito ang una naming picture, narito pa rin ang pirma naming dalawa. Napakasaya namin pareho sa larawang ito habang magkayakap at puno ng icing ang parehong mga mukha.
I remember it was her 18th birthday, saktong araw kung kailan niya rin ako sinagot at ipinakilala sa mga magulang niya.
My mind suddenly goes back to the year 2008, it was a special day birthday ng babaeng nililigawan ko.
I am 20 that time and she just turned 18, sa tulong ng mga barkada namin pareho ay sinuprise ko siya. It was just a secret celebration lamang sana, but ako yata ang mas nasurprise. That same day, she invited me in her parents house. Natatakot pa ako non, kahit kasi magkakakilala kami ay lihim lang ang pagliligawan naming dalawa.
I can't hide my nervousness nang makaharap ko ang mga magulang niya, but she holds my hand and then introduced me as her boyfriend.
Ang kaba kong iyon ay biglang napalitan ng mumunting butil ng tuwa at saya, kahit ang mga magulang niya ay hindi naman tumutul bagkus ay botong boto pa sila saakin.
Paano ba naman kasi ay magkaibigan na kami ng kanilang anak noon pa man, at ang pamilya naming pareho ay magkalapit kaya malaki ang tiwala nila saakin at saamin pareho.
Heaven Marie is my Childhood friend, sabay kaming lumaki sa lugar kung saan din umusbong ang aming pag-iibigan.
She is the most beautiful and adorable girl I have ever known. Masipag sa acads, at extracurricular activities. Mabuting anak, kaibigan at kaklase, maganda, talented, and she's always there for me when I am at my lowest to cheer me up and to help me, at higit sa lahat ay sobrang supportive at maunawain.
Lahat ata ng tao ay gusto siya, wala kang mapipintas sa kaniya mapaloob man o labas ay para na siyang full package. Kaya marami rin akong naging karibal noong nililigawan ko pa siya, pero sa dami ng nakapila ako ang bukod tangi niyang pinili sa mga iyon.
Walang mapagsidlan ng saya ang bawat sandali na kasama ko siya, may maliliit na away at tampuhan din kami pero pareho rin kaming willing ayusin ang lahat at magpatawad.
Almost perfect ang lahat, wala na kaming mahihiling pa kasi lahat na ata ibinigay saamin ng Diyos. Suppoprtive family both sides, friends who never left us and especially we have 'us'.
Our relationship went on, from college until nagkatrabaho kami pareho. Nagtatrabaho ako sa Manila while she stayed in province habang nagtuturo, I can still vividly remember her passion for teaching, and her love for children nakakataba siya ng pusong pagmasdan, alam niya talaga kung ano ang gusto niya at kapag gusto niya ang isang bagay ay pursigido siya roon. She is so hardworking, hindi uso ang pahinga sa kaniya.
Still kahit na naging LDR kami ay walang nagbago, mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa at inaassure namin pareho na walang iba, wala kaming naging issue about jelousy kasi una sa lahat ay hindi naman siya selosa, pangalawa ay ako mismo ang kusang lumalayo sa ibang mga babae dahil ayokong mabastos ang girlfriend ko. Ganon din siya saakin, we both kept our promises to each other, napakaperfect ng daloy ng relasyon namin.
Years go by, ilang anniversaries ang nagdaan LDR pa rin kami pero we still find time to go out occasionally and to have our personal time. Naalala ko pa, umuuwi ako noon from Manila to Bicol twice a month para macheck siya, minsan naman ay siya mismo ang dumadalaw saakin sa Manila para ipagluto ako at asikasuhin ganoon siya ka supportive at maalaga. Material wife kumabaga.
And on our 10th year aniversary, napagdesisyunan naming magbakasyon sa Siargao, it was year 2018. Nagbook kami ng flight at nagleave na rin kami sa mga work namin para mag-stay for two weeks sa Siargao province.
Para pa rin kaming bago, iyon bang antagal ko na siyang girlfriend at matagal na kaming nagkakasama pero ganoon pa rin talaga ang pakiramdam walang nagbago. Excited pa rin kami parehong makita ang bawat isa tuwing gigising, sabay magtitimpla ng kape, magluluto at kakain, manonood ng horro movies na paborito niya at tatawa sa mga corny jokes namin pareho.
Kaya nga siguro kami nag click dahil talagang match-made in heaven kami, same hobbies, and interest kaya walang salitang boring sa relasyon namin. Maglalaro ako ng online games sasali siya, magdadrawing ako marunong din siya, mag bibike ako kasama ko pa rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/307552637-288-k842454.jpg)
BINABASA MO ANG
Heaven's Tears
Romance"Love is patient." They say, "Love is kind." How long will you be able to maintain your patience if the girl you once adored has transformed into someone you can't handle? How long will you be patient if she consistently prefers to quit rather than...