Proposal

23 4 0
                                        

Noong mga oras na iyon alam ko na sa sarili kong siya na, at hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya. On our exact 10th anniversary, I planned a romantic dinner date. Nagpahanda ako ng mga favorite foods niya, I hired a violinist, at ang setting ay nasa tabing dagat nakapwesto ang aming mesa at upuan, I rented out the entire space para walang ibang makaabala saamin at nagtagumpay naman ako.

For the entire day ay nagplano ako at nag-asikaso sa magaganap na sorpresa ko para sa kaniya, gumising ako ng napakaaga, pinagluto ko muna siya bago ako umalis, at nag-iwan ng letter saying na antayin niya na lang ako mamayang gabi dahil may emergency akong aasikasuhin.

Mukhang nagtagumpay naman ang plano ko, and the time came sinundo ko siya sa hotel room namin. Noong una pa ay tawang tawa siya sa suot ko, bakit daw ako naka tuxedo eh nasa beach kami. Nagdahilan na lang ako, at di ko alam kung talagang wala siyang alam o sinasakyan niya na lang ang mga nangyayari.

Inantay ko siya sa labas ng hotel namin habang nag-aayos, at noong bumaba siya ay di ko maikalma ang mga labi kong halos mapunit na sa kakangiti. She looks so beautiful in a white dress, napakasimple ng design niyon pero nagawa niyang pagandahin.

She was wearing a white long sleeve dress hanggang tuhod na may pattern ng small flowers, matched with red lipsticks, and a beige small pouch.

She looks so elegant, sinusundan ko siya ng tingin habang pababa sa hagdan, hanggang ngayon ay di ko akalaing araw-araw pa rin akong nahuhulog sa kaniya. Iyon bang araw-araw ko naman siya halos makita pero sa tuwing tititig ako sa kaniya ay para akong na lolove at first sight.

I held her hand, at inalalayan siya papuntang tabing dagat. It was so romantic dahil sinabayan pa ng sunset at natural na ingay gawa ng hampas ng mga alon at kantahan ng mga ibon.

The show goes on, the waiter served us our food, and we drank wine. We took pictures at syempre hindi mawawala ang kwentuhan naming walang katapusan.

Ngunit bago matapos ang araw na iyon ay ginawa ko na ang bagay na noon pa man ay pangarap na naming dalawa, lumuhod ako sa harap niya habang buong ngiting inilahad ang singsing sa kaniya. Ang mukha niya noon ay puno ng saya, she was so touch na napaiyak pa siya. Tinanggap niya ang proposal ko, and we were both hugging each other habang ang tunog ng violin ay nagsisilbing musika saamin.

Pagkatapos ng bakasyon na iyon ay bumalik kami sa province, agad naman iyong ibinalita sa pamilya't kaibigan namin, and they were all so happy for us. And that's the start of planning our wedding, nagkakasundo kami sa lahat ng choices and details kaya agan namin iyong nasettle.

Ang inaantay na lang namin ay ang eksaktong araw kung kailan kami mag-iisang dibdib, I settled everything on my side, nagresign ako sa work ko sa Manila at lumipat ng trabaho sa Bicol dahil ayokong iwan niya ang pagtuturo sa eskwelahang napili niya. 

Bumili na rin ako ng lupa sinimulang ipatayo ang dream house namin, syempre sa pagpaplano ay pareho kaming naguna roon. Kung hindi nga lang siguro siya teacher at kung hindi lang ako Doctor ay baka pareho na kaming mga Architect. 

Matipid akong tao at wais sa pag gastos kaya naman walang kahirap hirap para saakin na magpatayo ng bahay dahil noon pa man ay may naipundar na akong pera para rito, everything was well. Unti-unti naming natutupad ang mga pangarap naming dalawa, at kaunting panahon na lamang ay kami'y magiging isa. Naalala ko pa ang usapan namin noon, kung ilan ang gusto naming maging anak, at ang mga pangalan nila.

Planadong planado na tila tiyak na talaga kaming darating ang araw na pinakaaasam namin, pero biglang nagbago ang lahat. Ilang buwan pa lamang ako sa Hospital na pinagtatrabahuhan ko sa Bicol ay kinailangan ko nang bumalik sa Manila, Our Chief executive officer offered me a work in abroad.

Heaven's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon