C2 - Move on

44 3 2
                                    

Lexine's POV

"Lexiiiii! Anaak! Gisiing naa! Dadating na si Nate mamaya!" Sabi ni Mommy. Haluh? Si Kuya susundo sakin? Psh. Pwede namang ihatid nalang... Ni Kuya Blue. Haist!

"Mommy! Ayoko pa! Atsaka ba't si Kuya ang susundo sakin!? Pwede naman ihatid nalang ako ni Kuya Blue sa school!"Sinabi ko 'yun nang pasigaw at nakakunot ang noo. Pssshh! Ayan nanaman si Mommy.

"Umalis na si Kuya Blue mo! Alam mo namang anlayo ng school nun e." Aiish! Oo nga pala! Ano ba 'yan! "Atsaka si Nate nagtext sakin kanina na susunduin ka niya dito kasama sila Jaimie and Natalie." Nasa door na si Mommy ng room ko.

"Mommy! Ayoko pa kasing bumangon!" Nakakainis!

"Hindi pwede, anak! Bakit namumugto nanaman ang mata mo!? Napuyat ka nanaman sa kakaiyak noh!? You are crying for non-sense things!?" Aiiiiish! Hindi nalang ako sumagot. Nagtalukbong nalang din ako nang kumot. "Bumangon ka na nga at mag-ayos ka na!" Tinanggal niya 'yung kumot. "Bumaba ka na pagkatapos. Kakain na ng breakfast. Mamaya-maya lang dadating na sila Nate." I fixed my bed. At naligo nako. Nag ayos na rin ako ng hair ko. Hindi ako nagme-make up pagpuma-pasok sa school. Tssk. Magmumukha ka lang tanga. Atsaka highschool palang ako. To be specific 3rd year highschool. Si Kuya Nate 4th year highschool, Grade 2 si Jaimie, and 3rd year highschool na rin si Natalie. At same school kaming lahat. Sa Clifton High.

*Knock* *Knock* *Knock*

"Pasok!" ~Ako

"Hi, Baby! Namumugto daw mata mo kanina! Sabi ni Tita!" 'Yung pumasok. Si Kuya Nate pala.

"Hi, Kuyaaa! Agang sermon huh?" Si Mommy talaga.

"Tapos ayaw mo pa daw bumangon!" ~Kuya Nate

"Ah. Eh. Chill ka lang Kuya." Ughh.

"Tell me the truth. Nagpuyat ka nanaman sa kakaiyak noh!?" Pataay.

"K-kuya! Relax lang! Lilipas din naman 'to. Lilipas rin 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Masakit lang kasi 'to e." Tinuro ko 'yung side na nandun 'yung puso ko.

Hinug niya ako tapos kiniss niya forehead ko. "Basta wag ka nalang magpupuyat dahil jan sa kakaiyak huh."

Tumango nalang ako sabay. "Yes sir!"

"Good Morning!" Pagkatapos e. Gaganyan siya.

"Good Morning rin Kuya! 'Wag ka nang magalit." Nagsuklay ako ng tapos naglakad na ko palabas ng room ko. Sumunod naman si Kuya. And then we went downstairs. 'Nung nakababa na kami nakita ko sila Mommy kumakain na.

"Lexi kumain ka na dito bago kayo umalis." ~Mommy

"Okey. Kuya kakain lang ako sandali huh." Sinabi ko nang naka-poker face. Tumango naman siya. "Mommy umalis na si Dad?" ~Ako

"Yup. Kain ka na diyan, anak." ~Mommy

Pagkatapos kong kumain. "Ma! Alis na kami!" Pagpapaalam ko kay Mommy.

"Sige! Magiingat kayo huh! Ingat sa pagdra-drive Nate huh." Lumapit na ako kay Mommy at kiniss ko siya sa cheeks. Tapos kinuha ko na 'yung bag ko.

"Opo, Tita." Tapos umalis na kami. Tahimik lang ako buong byahe.

••••••••••

~Sa school~

Nasa canteen ako. Free time kasi namin. "Hey! Lex!" Sabay snap niya ng finger sa harap ko tapos umupo siya sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya nang masama. "Aish! Bakit? Nakatulala ka nanaman kasi! Kwentuhan mo naman ako. Hindi ako makapunta sainyo e. Ayaw kasi ako isama ni Kuya. Ayaw rin akong payagang magisa pumunta dun nandun naman si Tita. So tell me? Anong ganap?" ~Natalie

"Wala namang masyadong nangyari e. Ano bang dapat i-kwento?" ~Ako

"Hay nako, Lexi! Gurl, alam kong may nangyari. Sabihin mo na." Tiningnan ko siya tapos itinaas ko 'yung kaliwang kilay ko. "Bakit? Masama ba 'yung nangyari? Malungkot? Ano? Nakipag—-" Bago pa niya maituloy pinutol ko na sya.

"Oo! Oo! Nakipagbreak!" Sabi ko. Ayan nanaman 'yung mata ko. Nangingilid na 'yung luha.

"Ano!? Nakipagbreak!? Si... Si..." ~Natalie

"Oo si Six." Malungkot kong sabi. Nanggingilid na 'yung luha ko. Maya-maya bigla niya akong hinigit sa kung saan. "A-ano bang ginagawa mo Natalie!? Bitawan mo nga ako!" Sabi ko. Tumigil nalang siya bigla.

"Yan dito na tayo! Ngayon mo na i-kwento sakin. Ngayon mo na sabihin kung anong nangyari. Lahat huh!" Nasa likod kami ng school. Walang masyadong tao. Maraming puno parang garden na rin siguro. Naglakad lang ako at nilampasan ko si Natalie. Naaalala ko nanaman kasi 'yung break-up scene namin ni Six. Aiiiish. Nanggigilid na naman luha ko e. Umupo ako sa tabi ng isang puno. Sumunod naman sakin si Natalie. Sinandal ko 'yung ulo ko sa puno.

"Lexine! Sabihi——" Pinutol ko na siya.

"Pinagpustahan. P-pinagpustahan lang nila ako. *Sniff* It was just a b-bet. All along wala akong k-kaalam-alam! *Sniff* Niloko lang niya ako. Niloko lang n-niya ako e-e. *Sniff* *Sniff*" Hindi ko na napigilan. Napa-iyak na ako.

"S-sorry Lex." Niyakap nya ako. "S-sige. Iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo 'yung g-galit mo." Umiyak nga ako.

"Lie, ansakit e." ~Ako

"Oo. Oo. A-alam ko Lex. Siguro kailangan mo na magmove-on." Kailangan na kailangan ko 'yun. Magmove-on. Pero anghirap kasi.

"Sino kailangan magmove-on? Huh?" Biglang may nagsalita. Tiningnan ko siya. Si Kuya Nate pala. Kuya ni Natalie.

"Ah. K-kuya! E-eto si L-lexine." ~Lie

"Baby. Ba't ka na naman umiiyak?" Nagpapanic na sabi ni Kuya Nate. "Bakit mo naman pinaiyak si Lex, Natalie?" Tiningnan ni Kuya Nate si Lie ng masama.

"Hindi ko pinaiyak si Lexine. Nagpapakwento lang ako sakanya kung anong nangyari e. Di ko naman alam na nakipag-asgbeixneywudb" 'Di ko na maintindihan 'yung sinabi ni Lie. Kasi tinakpan ni Kuya 'yung bibig niya.

"Wag mo na ngang sabihin Lie! Ah. Baby. Tahan na. Siguro tama nga si Lie. Kailangan mo na magmove-on." Ako naman hinarap ni Kuya Nate. "Tara na nga. Ihahatid ka na namin ni Lie sa bahay niyo. Tahan na huh. Tahan na ang Baby ko." Tinulungan ako ni Kuya Nate at ni Natalie tumayo.

"Uwian na ba, Kuya? May last subject pa kami e." Sabi ni Natalie. Ay! Oo nga! May last subject pa. Pero di ko na kayang pumasok sa last subject na 'yun e.

"Opo. Uwian na! Kala niyo! Kaninang-kanina pa tapos free time niyo." Buti naman. Pero patay ako kay Mommy. Namumugto na naman mata ko. Nag-ditch pa ko ng isang subject, last subject pa. Pero... Pero siguro nga kailangan ko na rin magmove-on. Kahit mahirap. Pipilitin ko. Wala namang mawawala kung i-tra-try ko diba? Kailangan ko na magmove-on. Kailangan na kailangan ko na. As soon as possible. Kasi nakakabagot na rin umiyak lagi. Kailangan ko na talaga magmove on.

RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon