The Nerd

6 1 0
                                        

May naramdaman siyang yumakap sa kanya

"Best! Wag ka nang umiyak! Hindi ka naman pangit! Ang ganda mo kaya! Kung alam lang nila!" Lalo siyang napaiyak sa sinabi ni Lianne

"Salamat Lianne" lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Lianne

"Hoy! P-papatayin mo ba a-ako! H-hindi ako m-makahinga! Sa akin mo ata binuhos lahat ng galit mo!" Natawa siya bigla. Gumaan na din ng konti ang loob niya dahil kay Lianne buti na lang nandito si Lianne.

"Wag mo na lang pansinin! Tara na baka malate pa tayo" aya nya sa kanya. Tumango na lang siya at hinila nya na siya palabas ng Canteen. Siguro nga kailangan kong magpakatatag para sa plano ko.

"Anong oras next subject mo?" Tanong ni Lianne nandito sila sa garden, nagpapalipas ng sama ng loob

"Ahm.. 1:00 pa, Ikaw?" Tanong niya dito

"Ngayon na. Kaso ayaw naman kitang iwan dito baka magbigti ka" napangiti siya. May saltik ata to!
Sabi nga nila 'Okay lang kung may kaibigan kang may Saltik kaysa sa kaibigang Plastik!' True.

"Baliw! Mahal ko pa buhay ko! Okay lang ako. Pumunta ka na sa next subject mo" tumayo sya agad

"Sure?" Nag-aalinlangan pa syang lumakad

Nag-okay sign lang si Venice. Naglakad na sya, ay! tumakbo pala. Late na siguro iyon.

Hay! Paano kaya kung hindi siya nagpanggap? Masasaktan ba siya? Pero lahat naman ng bagay may rason.

Napabalikwas siya ng may tumabi sa kanya

"Ah Hi?" Nag-aalinlangan nyang turan. He's a guy. Cute guy. Kahit na nakasalamin sya or let's say nerd sya. Mababakas pa rin yung kagwapuhan niya.

"Ah Hello?" Alinlangan ring sagot ni Venice

"I'm Christoph Simson. You are?" Itinaas niya yung kamay nya

"I'm Alyanna. Nice to meet you" inabot naman niya yung kamay nito

"By the way. Malungkot ka ata? Something bothering on you?" Tanong ni Christoph sa kanya

"Wala naman. Nakakabored kasi wala akong magawa" pagsisinungaling niya. Hindi sila close para ishare yung problema nya

"Gusto mong sumama?" Yaya niya.

Tinaasan niya ito ng kilay "Excuse me? Hindi kita lubos kilala bakit naman ako sasama sayo?" Duh? Mamaya rapist to! Mapahamak pa siya ng wala sa oras!

"Hindi ako Rapist. Wala akong gagawing masama okay? So tara na"

"Okay lang sayong sumama ako? Hindi ka ba mahihiya? Pangit kaya kasama mo" Alam naman niyang pangit siya. NGAYON.

"Anong pangit? Kaysa naman sa itsura ko" bulag ba ito o pa-humble lang?

"Bulag ka ba? Mas malala face ko sa iyo!"

"Sa akin ang mas malala!"

"Hoy! Mata mo lang may damage kaya ka may makapal na salamin at ngipin na may brace. Eh ako?! Buong mukha may damage! Hindi lang mukha pati katawan may damage! Oh sinong mas pangit?" Nakangiti siya na parang nagwagi

"Mas pangit pa rin ak-" the woman cut his words

"Hoy! Wag na kayong mag-away! Parehas lang kayong pangit!" Napatingin sika sa babaeng nagsalita. Isa lang masasabi niya, mas may lalala pa pala sa kanila. Punggok na, kamukha ko pa siya pero mas lamang ako ng  konti.  May makapal na salamin. At may brace din. Aba! All in one. Nakuha yung looks namin ah!

Umalis agad yung babae. Nagkatinginan sila ni Christoph.

"Mas malala pa sya!" Sabay nilang nasabi kaya sabay rin silang napahalaklak

"So ano sasama ka pa?" He said while smiling. Napatingin siya sa relo niya. Late na rin pala siya sa next subject niya. So She decided to go with him.

Napangiti na rin siya. "Well, I don't have a choice. I'm going with you"

Biglang niyang hinila si Venice kung saan.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang layo naman!" Nakakainis na! Ang init tapos ang layo pa ng nilakad nila

"Don't worry, malapit na tayo. Worth it naman lahat ng pagod pag narating natin yun." Nakangiti pa rin sya hanggang ngayon.

"Sigaraduhin mo lang. Saan ba tayo kasi pupunta?" Kanina pa nya yan tinatanong hindi naman niya sinasagot yung tanong niya

" Basta! Lowbat ba phone mo?" Napakunot yung noo niya. Anong gagawin niya sa phone ko?

"Bakit?" Takang tanong niya

"Psh. Malamang kailangan natin ng Selfie! Kailangan nating mag-pictorial! Sayang naman yung effort natin! Ang init kaya girl!" Napanganga siya sa kanya

Why-oh-why?

"BAKLA KA?!" Pakingtape!

"Hihihi! Wag ka maingay girl!" What the!

Bakla si Christoph?! Oh-ow!

Destined to PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon