Venice
Masaya namang kasama si Christoph. Nung una nagulat ako na bakla pala siya, ako lang ang nakakaalam na bakla siya. Ayaw nya daw mahabol ng itak ng tatay niya. Sabi niya wag ko daw ipagsasabi at hindi ko naman talaga ipagsasabi. Inamin ko rin yung tunay na identity ko, nagulat din siya at naguluhan, sayang daw kasi ganda ko. Pero sinabi ko naman ang dahilan kung bakit ako nagpapanggap. Naiintindihan daw niya ako.
Natawa pa nga ako sa pinanggagawa namin. Nag-pictorial kami. Pose dito, pose doon. Minsan nagpo-photo bommer kami. Kapag tinitingnan na nila yung picture saka kami tumatakbo.
"Hoy! Napapansin ko lang ah! Madalas kang lutang" Nanghihinalang niyang sabi. Inikot ko lang mata ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Uuwi daw dito sina tito and daddy bukas. So anong balak mo?" Napaisip ako, may condo unit naman ako. Baka doon na lang ako tutuloy muna.
"Sa condo na lang ako tutuloy muna" Ayokong malaman nila Mommy ang kalokohan ko dahil for sure, paaaralin nila ako sa U.S
"Sama ako ah!" Tiningnan ko siya nang anong-makukuha-kong-benifits? "Ako ang sasagot sa pagkain natin ng 1 month!" Tiningnan ko siya ng 1-month-lang? " Psh! Edi 2 months!" Napangiti ako. Naisahan din!
"Deal!" Umakyat na kami sa kanya-kanya naming kwarto para mag-empake.
Dinala rin namin lahat ng kailangan. Kotse ni Lianne ang ginamit namin paglipat. Nagkasya naman kahit papaano. Sinabi ko rin kila Dad na lumipat kami ng condo kasi mas malapit ito sa school, which is true.
"Tumawag pala sila Mommy na magkakaroon daw ng charity ball sa sunday" Nakakatamad. Ayokong sumama.
"Hindi ako pupunta. Ikaw?" Ngumiti si Lianne na para bang kailangan kong sumama dahil mag-eenjoy ako
" Nandoon yung mga anak ng kaibigan nila Daddy and tito. And yung ibang anak ng mga Batchelor. So it means.. nadoon si Asthon the great!" Nabuhayan ako. Wow! Timing eh?
"Okay. It's settled! Sasama ako" Alam ni Lianne ang gagawin ko. Alam niya ang laro ko. Nung una, tumutol siya dahil baka mauwi lang sa wala ang lahat pero nakumbinsi ko rin siya na suportahan na lang ako.
Well, simula na ang laro. Mr. Asthon Lim.
"May charity ball daw sa Sunday! Aattend ka?" Tiningnan niya si Isaac ng I-dont-care-look
"Sayang! Balita ko a-attend daw yung Mysterious daughter nila Mr. Alcantara at Mr. Samonte." Awtomatikong napatingin siya dito. He wants to meet the daughter of the billionaire Mr. Alcantara. Wala pang nakakakita dito. Well, Mr. Alcantara is a private person.
"Okay. I'm going to attend. Basta sigaraduhin mo lang pupunta ang anak ni Mr. Alcantara." Panigurado niya dito. Wala pang babae ang nakakuha ng atensyon niya maliban dito sa Misteryosong anak ni Mr. Alcantara.
Tumawa lang ang pinsan niya.
"ANO nakapili ka na?" Inip na tanong ni Lianne. Actually, wala talaga siyang mahanap. Hindi niya alam kung dapat revealing ba ang isusuot.
Dapat yung mapapanganga si Asthon. Pero ang hirap mag-decide! Umalis si Lianne sa tabi niya. At saan nanaman yun pupunta? Hinayaan na lang niya.
Napabalikwas siya nang tumunog ang cellphone niya
Lianne calling..
"Asan ka n—"
"Pumunta kang 2nd floor" Pinutol na niya ang tawag. Bastusan?!
Sumunod na lamang siya dito. Pasakay na sana siya ng elevator ng may mahagilap siyang pamilyar na lalaki Asthon Lim napatingin naman siya sa katabing babae nito. Aba! May taste din pala itong playboy na ito! Good thing at naka-shade siya at hood. Sabay silang sumakay sa elevator. Nasa may likod niya ang mga ito.
Sumulyap-sulyap naman siya sa mga ito. Narinig niyang humagikgik ang babae na para bang kinikilig Aba! Ang landi! Nakatalikod siya dito pero naiilang siya. Shet! Bakit ang bagal ng elevator?
Nang bumukas ito dali-dali siyang lumabas
"Miss!" What the! Tumingin siya dito. With matching ngiti.
"Nahulog mo" Napatingin siya sa hawak nitong crooked false teeth.
WTF?!
![](https://img.wattpad.com/cover/37725263-288-k453165.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined to Play
General FictionAfter catching her boyfriend cheating. Venice Alcantara decided to transform from being beauty into an ugly duckling to teach a Jerks a lesson. She disguise her face and figure with a padded suit, ugly wig, dowdy makeup and crooked false teeth. When...