KTK 96

95 1 2
                                    

M E S S E N G E R

03-19

8:41 AM

Juliana Salonga
Active Now

Julya

Okay, first of all, gusto ko lang sabihing,

BUTI GUMISING KA PA, BABAE

ANG TAGAL NAMING HININTAY NA MAGISING KA

Tapos

Makwentuhan lang kita nang kaunti

Alam ko namang hindi ka pa pwedeng mag-phone pero hindi ko na mapigilan

Okay lang naman kung hindi mo pa babasahin

Pero kasi

'Eto na 'yung kwento

Kasi

'Di ba, nung naaksidente tayo dahil sa tatanga-tangang driver na 'yon

'Nga pala, don't chu worry kasi nakakulong na 'yung bugok na 'yon

So, 'eto na nga

After mangyari no'ng aksidente

Unconscious ka na agad no'n, pero ako shocked pa rin

Tapos, si Azi, alam ko namang nabigla rin siya sa nangyari

Pero ikaw agad 'yung pinuntahan niya

Well, after ko sabihing okay ako, pumunta agad siya sa 'yo

Tapos, siyempre ako bilang supporting actress

Ay chariz

'Yun nga, kahit sh00kt ako sa nangyari, tumawag agad ako ng ambulansya, siyempre

Tapos alam mo ba, habang papunta tayo sa hospital

Wala siyang ibang ginawa kundi hawakan 'yung kamay mo

Tapos binubulungan ka niya ng mga words na hindi ko maintindihan

May kaunti lang akong naririnig

Parang sabi niya, palakas ka raw

'Wag ka raw susuko

Kasi sooooobrang lala talaga ng itsura mo no'n

Alam ko namang malala talaga 'yung itsura mo everyday pero mas grabe no'ng time na 'yon

Chariz

Ayun nga, grabe talaga

Na parang nagpapasalamat akong hindi ka naabutan nina Tita na gano'n

Kasi baka hindi nila kayanin

Tapos, habang hawak niya 'yung kamay mo (na kini-kiss niya pa minsan)

Bulong lang siya nang bulong

Tapos may isa pa 'kong narinig

Parang, gumising ka na raw kasi may sasabihin pa siya sa 'yo

Narinig ko 'yon nang malinaw

Pero mas mabuting siya na lang 'yung tanungin mo

Wala na ako sa lugar para sabihin 'yon

Tapos kanina

Keia

Saglit lang, Julya

Hindi pa 'ko maka-move on sa sinabi mo

Kalmahan mo lang

Julya

Hoy!

Bakit nagpho-phone ka na?!

Hindi ba sasakit 'yang matigas mong ulo?

Keia

Naiinip na 'ko, eh

Julya

Hay, kulit mo talaga

Anw, tuloy ko na lang 'yung kwento ko

Kahapon, nung magising ka

Muntanga pa nga 'yon

Madaling-madali

Hingal na hingal pa pagpasok

Tapos after ka makitang gising, wala na

Finish na

Napakanta ako ng "at tumigil ang mundo~~"

Tapos siyempre, since busy pa sina Tita ayusin 'yung gamit nila

So bale kami pa lang nina Kaz 'yung nando'n sa kwarto mo

Na hindi ko na dapat kinukwento kasi siyempre duh, alam mo naman na 'yon

Nando'n ka, eh

Tapos ayon, dumeretso agad siya sa 'yo

Hinawakan 'yung kamay mo tapos OMG LANG TALAGA🤧🤧

HINAWAKAN NIYA 'YUNG MUKHA MO TAPOS ANG LAMBING NG BOSES NIYA NUNG TINATANONG KA NIYA KUNG WALA NA BANG MASAKIT SA 'YO

"Kailea? Okay ka na ba? May masakit ba sa 'yo, hmm?"

FUDGE LANG, WALA AKONG GUSTO KAY AZRIEL SLADE PERO KINILIG AKO MGA BENTE 👉🥺👈

TAPOS NUNG UMIILING KA, ANG DAMI NIYA PANG TINATANONG

KUNG OKAY KA LANG TALAGA

Keia

Alam ko, hindi mo kailangang sabihin

SA 'KIN SINABI, 'DI BA?!

MALAMANG, ALAM KO NA 'YON

Julya

HAHAHAHAHAHA gusto ko i-kwento, eh, bakit ba

Pero sa totoo lang?

Sobrang na-touch ako sa gestures ni Azi

Kasi kahit ogag 'yon minsan

I mean madalas

Super maalaga niya pa rin

Sa 'kin din naman mabait siya minsan

Pero iba na talaga kapag sa 'yo siya mabait

Super boyfriend material🤧

Keia

🥺
Seen 9:00 AM

Knead to KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon