Chapter 2: First day, Another daddy.

19.7K 316 118
                                    

Tulala akong nakaupo ngayon sa hapag habang hindi magkanda ugaga ang mga maids sa pag-aasikaso ng hinahain sa harapan. Nasa isang mahaba akong lamesa at nakaupo pa sa pinaka sentro na parang reyna.

Wala ako sa sarili habang pilit ibinabalik sa isipan kung paano nga ulit ako napunta dito. Dimitri and Demetrio with Owen are sitting on the left side. Habang sa kabila naman ay ang tahimik na sina Adriel, Keanu at Colton.

Walang ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin maliban lang kay Owen na mukang tangang nakangiti habang pabalik balik sa akin sa at mga ulam na nasa harapan ang tingin.

I'm nervous. Hindi mawari ang tibok ng puso ko dahil sa bilis nito. Halos hindi rin ako makagalaw at naka steady lang na parang isang mannequin habang naka-upo.

Kagabi pa ako nagugutom at nakatulugan ko iyon sa kakaisip sa halik na pinagsaluhan namin ni Owen kagabi. Ngayong nasa hapag na ako ay parang gusto kong agawin lahat ng pagkain sa kanila para lang maibsan ang gutom ko.

I sighed. Finally, nagawa ko ring gumalaw kahit ang paghinga lang. But fuck! They look at me, as in silang lahat!

Hindi ko alam kung kanino ko ibabaling ang mga mata ko dahil pabalik balik iyon sa kanilang anim kaya ibinaba ko nalang ang tingin sa pinggan habang nilalaro ang mga daliri na nakapatong sa hita ko.

"Hungry?" Keanu's voice was hoarse.

Hindi ako sumagot o nagtaas ng tingin. I don't know what to do! Iiling ba o tatango?

"Maybe she is. Kahapon pa siya walang kain–"

Adriel stopped at what was being said when Colton spoke.

"One whole day, actually." malamig na saad nito.

Nakakahiya namang sumabat. Dapat ba malamig din ang boses? Seryoso ba or no emotion? Hmm, subukan ko kayang magpaka mysterious girl? Baka sakaling magulat sila at mawindang!

Natigil lang sila sa pag-uusap nang makitang nahanda na lahat ng pagkain sa lamesa. Nagsi tabi narin ang mga maids bago lisanin ang mahiwagang kusina.

Hala paano ako? Iiwan niyo ko sa mga lalaking ito? Oh shet!

I tried myself to be serous. Kahit napipilitan at kinakabahan ay taas noo kong hinawakan ang kumikinang na kutsara at tinidor–alis buntis— gaga mali!

Okay. Taas-noo kong hinawakan ang kutsara at tinidor bago ito ilapag ng marahan sa babasaging pinggan. Kumuha ako ng kanin sa expensive mangkok—Yes! Expensive.

I can feel their stares but I choose to ignore it. Hah! Lumuhod kayo, mga Ijo de pota! Char, kay heneral luna iyon.

"What are you doing?" Dimitri suppressed a laugh when he saw how I acted.

Napanguso ako dahil alam kong nagmumuka akong tanga sa harapan nila. Kaasar naman kasi! Bakit ba ako kinakabahan? Hindi ba't galit ako sa kanila? Diba? Diba?

I sighed again. Inangat ko na ang ulo ko at binigyan sila ng isang seryosong tingin. Muka naman naramdaman nila iyon kaya mas lalong sumeryoso ang mga tingin ng mga ito kaysa sa akin.

"Ano ba talaga ang kailangan niyo sa akin? Why am I here and how did I get here?" sunod sunod kong tanong sa kanila.

Kahit kabado ay isa-isa ko silang tinignan bukod kay Colton dahil hindi ko talaga kaya.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago marinig ang sagot kay Demetrio.

"Simple. To be a slave to us."

"Gago!" hirit ko dahil tila nagpantig ang tenga ko sa sagot niya.

Ang ganda ganda ko para maging alipin! No! A big and extra no!

Molly: In The Hands Of My Dominant'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon