A/N: Sorry HAHAHA. Di-sadyang ma i-publish kanina lol. Nagpapatulong kasi si Mother sa pagtatranslate tapos bigla kong na click iyung publish, napa auto unpublish ako eh HAHAHA.
And btw, naguguluhan kase ako kapag taglish itong kay Molly kaya tagalog ko nalang muna and less english para mas mafeel iyong pagiging lukaret niya, lol. Syempre except nalang natin sa mga spg scenes HAHAHA.
____________________________________________________________________________________________
"Meron pa bang susunod? O baka may gusto pang umisa? Nakakahiya naman, masakit na iyong katawan ko, halatang piniga nang husto eh." sarkastiko kong saad.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at prenteng nakahiga habang chinechek ng isang babaeng nurse. Kaninang madaling araw nang magising ako ay inaapoy ako sa lagnat, dala na siguro ng pagod at gutom, hindi ko na alam.
Ang mga walang hiya naman ay nakatayo lang habang nakasandig sa dingding at mariing nakikisuri din sa akin. Naalala ko pa kung paanong magkagulo sina Owen at Walter kanina nang malamang may sakit ako.
Agad itong umalis ng kwarto ko habang hindi mapakali. Lalo lang sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang sigawan nila sa baba na para bang nag-aaway. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Nelsea ay hindi pa aayos ang lahat.
Oa na sa oa kung magreact ang dalawa kanina. Akala ko naman ikamamatay ko ang lagnat. Tss. Hindi pa ako pwedeng mamatay, hindi ko pa nga nababawi itong mansyon.
"You can rest now, Molly." Si Adriel na sumisimsim sa kaniyang inumin.
Pagak akong natawa. Sinamaan pa ako ng tingin ng nurse dahil sa nagulat ito sa bahagya kong kilos.
"Thank you huh? Thank you naman, nakakahiya kase talaga grabe! Keri pa naman ng katawan ko." mas sarkastiko kong saad sa kanila.
Nakita ko namang inismiran lang ako nito at inilayo ang tingin sa akin. Napangisi ako sa isip ko, masyadong maiksi talaga ang pasensya mo Daddy Adriel ano?
"Ayos na po ma'am. Bumaba na po ang temperature mo, sa ngayon po ay wala kayong ibang gagawin kundi ang magpahinga." malambing ang boses ni Nurse nang magsalita.
Ang ganda mo naman miss. Ano number mo?
Agad dumalo sa akin ang nag-aalalang si Owen at marahas pa ngang itinulak patabi ang nurse na ikinagulat nito.
"Hoy gago!" sigaw ko sa kaniya habang nakaturo kay nurse beautiful.
"Don't fucking shout!" gigil na pagalit sa akin ni Demetrio.
Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Maayos naman na si nurse beautiful habang kinakausap ni Dimitri. Panay tango ang babae sa kaniya na para bang sinasang-ayunan nalang ang mga sinasabi ng lalaki.
Napangisi ako dahil mukang walang epekto kay nurse ang pang-aakit ng gagong ito. Trayduran ba Dimitri? Akala ko ba ako lang? Char!
"Are you okay now? What do you feel? Do you need some water? Food? Or-"
"Oh kalma, puso mo." pagpipigil ko kay Owen.
Nangunot naman sa init ang noo nito at siniringan pa ako bago muling magsalita.
"Hindi ako nakikipag-biruan Elizabeth. Do you need something?" muling pagtatanong nito.
Tinaasan ko naman siya ng kilay bago muna nag-isip.
"Sabi... magpahinga daw ako," mahina kong saad.
Nakikinig lang ang iba sa amin habang nanonood. Talagang si Owen lang ang lumapit sa akin habang si Walter ay prenteng nakaupo sa bandang paahan ko habang kinakalikot ang ilong nito.
BINABASA MO ANG
Molly: In The Hands Of My Dominant's
RomansI'm Molly, and I have ten daddies. I hate them, But they want me. I push them, But they need me. I despised them, but they are obsessed with me Now, I'm trapped, To their arms again. I want to escape, But I'm sure they will kill me. I'm stupid in th...