CHAPTER 15

168 2 0
                                    

Death.

Araw ng lunes at dapat bakasyon na namin ngunit may kailangan kaming ipasang report. Since Mia is in province ako pa ang nagpasa ng kaniyang report.

" Bakit ikaw ang nagpapasa neto ms. Miranda? Where is ms. Gallardo?" Nakataas na agad ang kilay ng aming masungit na prof namin na paboritong studyante si Mia. Paborito niyang pagbuntungan ng galit!

Napakamot ako sa batok at ngumiti ng kaunti sa kaniya. " Ma'am bigla pong dinalaw ng LBM." Palusot ko.

Masungit na hinablot sa akin ng proffesor namin ang report ko at report ni Mia. Susungitan pa sana niya ako ngunit hindi na ako nakinig at basta nalang lumabas sa opisina niya.

Dapat sana ngayon ay nakasunod na ako kay Inked man! Kundi lang dahil sa report na yan!

Bumili muna ako ng aking milktea bago ako nagtungo sa waiting shed dahil hindi ako nagdala ng sasakyan. Hindi naman rush hour ngayon pero walang sasakyan. Maaga pa bago maglunch pero wala ni isang taxi o jeep o tricycle na dumaraan.

" Babe, nagalit si ms. Guzman wala ka raw!" Dahil nababagot ako sa pag aantay ay tinawagan ko si Mia.

I heard Mia yawn, bagong ging pa ata. " Haha, hayaan mo siyang ma high blood. Siya ang pahirap sa semester na to! Sana nga ay hindi na natin siya prof sa susunod na semester!"

" Sana nga!" Pagsang ayon ko. Ayaw ko narin namang maging prof si ms. Guzman dahil bias siya, kahit magaling siyang magturo.

" Babe, u–"

Binaba ko ang tawag at hindi na pinakingan si Mia ng matanaw ko ang itim na wrangler. Sigurado akong si Inked man iyon dahil sa tagal ko nang nakasunod sa kaniya ay kabisado ko na ang kaniyang plate number.

Naparaas ang aking kilay ng tumigil siya sa may tapat ng waiting shed. He rolled down the passengers seat window at kinawayan ako. Nangiinis na ngumiti.

Inirapan ko siya at umiwas ng tingin. Siguro'y may sasabihin nanaman siya. Mang iinis o di naman kaya sasabihing sundan ko siya ulit.

" Hop in!" Nagulat ako nang nasa malapit ko na siya.

Tumingin ako sa kaniya at nakababa na pala siya ng kaniyang sasakyan at binuksan ang passenger seat at sinasabing pumasok ako roon.

Bakit?

Nginiwian ko siya, " Saan?" Tanong ko imbis na bakit.

Maagas siyang nagkibit balikat, " May gagawin ako."

" Ano namang pakealam ko sa gagawin mo!" Sabi ko.

Tumawa siya, " Gusto kong makita moto ng harapan hindi iyon magtatago ka nanaman sa kung saan habang nanonood."

Napalunok ako. Pakiramdam ko ang tinutukoy niya ay ang pagsaksi ko sa krimen na ginawa niya. Kinabahan ako sa sinabi niya. Simula palang alam na niya na sinusu dan ko siya ganoon ba?

I gulp. " Bakit?"

He click his tounge, " Tsk, What now? Don't make this hard for me woman! Hop in!" Naputol na ang pasensya niyang sinabi.

Agad akong sumakay sa kaniyang sasakyan. Nanlalamig ang aking mga kamay at kinakabahan rin pero inayos ko ang aking pagkakaupo I put on the seatbelt.

Kung saan man kami pupunta paniguradong malala ito.

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon