CHAPTER 27

75 2 0
                                    

Pain.

We did cuddle with Inked man. We spend the whole day celebrating my birthday. He cook for me and then he tells a story.

" So you mean kulong ka sa training simula bata ka hanggang mag graduate?" Tanong ko.

Tumango siya sa akin. " Yap!"

Ikinuwento ni Inked man na marami siyang alam na tugtuging instrument. Marami siyang alam na self defense at higit sa lahat ay matalino siya. Dahil ayaw ng dad niya na maging lampa siya. He want to give his mom a fair justice just like his dad wants. Pero mukhang sa ibang paraan niya gustong makakuha ng hustiya.

I was being so careful not asking about his mom. And what happen to his mom at bakit siya nagpapagaling ngayon. Because it seems like it was painful for him to tell a story.

He plays a piano for me and I play a piano for him too. Hindi naman sa lahat ng oras ay siya lang magaling!

" Thanks for today!" Sabi ko at hinalikan siya sa labi bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan.

Hindi ko na siya hinayaang bumba pa at pagbuksan ako ng pinto dahil kanina pa may tumatawag sa kaniyang cellphone. Hinatid lang niya ako sa bahay at umalis na siya agad.

Ngiting ngiti akong pumasok sa bahay. Tuwang tuwa ako sa lahat ng nangyari sa amin ni Inked man ngayong araw ng aking kaarawan.

" Ngayon pala ang kaarawan ng malas sa aming pamilya, " Wika ni Tita habang tinitignan ang kaniyang kuko sa kamay.

Nasa may sala siya at nakadekwatro tila inaantay niya talaga akong dumating para lang maka bati sa akin ng happy birthday.

Napalitan ng kawalang emosyon ang masayang expression ko. Talagang si Tita pa ang bumungad sa akin ng napaka pangit na pagbati. Parang wala akong karapatang sumaya sa kaniya.

" Tita, " iyon lang ang naiusal ko.

Umangat ang tingin niya sa akin at tinaasan niya ako ng kaniyang kilay. " Bente uno kana, anong plano mo? Plano mo na bang umalis ng bahay na to? Bahay namin!" She emphasize.

Napalunok ako. Naalala kong na kay Tyron ang titulo ng bahay at wala sa akin. Kailangan ko na iyong mabawi bago ako palayasin sa amin.

" Ano? Kung tingin mo'y kaawaan kita hindi!" Malutong niyang sabi.

" Mom?" Nagtatakang tanong ni Kuya na kakarating lang ng bahay. " Bakit kayo nandito?" Kuya asked.

" Dito muna ako pansamantala sabi ni Alfredo." Imporma ni Tita. " Isa pa gusto kitang makasama anak! Bahay ko rin to kaya hindi ako bawal rito."

Concern na tumingin sa akin si Kuya, " Pero, mom? Anong meron sa bahay? "

" Wala ang Dad mo sa isang linggo, may pupuntahan siya."

" Pero hindi kayo magkakasundo ni Caroline. Sana ay sinabi niyo nalanh na wala kayong kasama at sasamahan ko kayo!" Wika ni kuya.

" Bakit ako ang pinapalayas mo rito?" Mataray na sabi ni Tita sa anak at bumaling sa akin.

" Mom, hindi sa ganon!" Kuya try to explain.

" Hindi ako ang dapat mawala sa bahay na ito kundi iyang malas na iyan!" Turo niya sa akin. " Wala siyang karapatang tumira rito! Bahay to ng mga magulang ko!"

" Mom enough!" Nataasan ni Kuya ng  boses si Tita.

" Hindi mo na ako ginagalang dahil sa malas na iyan!" Sigaw ni Tita.

It was hurt for me to hear those words. Kahit na sanay na ako tila ba parating bago ang sakit na dulot non.

Malas!

Yumuko ako at walang paalam ko silang nilayasan sa sala. Nagtungo agad ako sa aking kwarto at naupo ako sa aking kama. Tulala ako habang nag rerehistro sa aking utak ang sinasabi ni Tita, habang tulala ako ay patuloy ang agos ng luha sa aking mga mata.

Paano kung buhay pa ang mama ko? Pag nahanap ko na ang tatay ko? Hindi na ba ako magiging malas? Hindi na ba ako magdadala ng malas?

Dali dali kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang pagpihit ng kung sino sa aking door knob.

" Ayos ka lang ba na dito tumira si Mommy? Ayaw niyang umalis." Dinig kong sabi ni Kuya, nakatalikod ako sa kaniya.

Tumango ako, " Ayos lang, bahay naman niya to."

Naglakad si kuya papunta sa akong harapan at pinakatitigan ako. Nag iwas ako ng tingin ngunit pinilit niya akong humarap sa kaniya.

" Kung hindi ayos sayo sabihin mo at maghahanap tayo ng apartment para sa ating dalawa." Suhestyon niya.

" Ayos lang ako kuya. Ako nalang ang mag hahanap kapag hindi ko nakayanan." Sabi ko at bumuntong hininga.

Niyakap ako ni Kuya at tinapik tapik sa aking likod. " I forgot to greet you," usal ni Kuya. Humiwalay siya ng yakap at may ibinigay sa aking velvet box. Isang kwintas ang laman non. " Happy birthday, Cx! " Galak niyabg bati kahit pilit iyon.

Ngumiti ako sa kaniya ng tipid. " Thank you kuya." Sabi ko at niyakap siyang muli. " Pupuntahan ko sila Lolo at Lola ngayon." Paalam ko.

" Sige, ako na munang bahala kay mommy rito." Pagpayag niya.

Agad naman akong nagbihis ng pantalon at simpleng t-shirt lang. Binalewala ko na lang si Tita nang madaanan ko siya sa may sala. Nagtungo ako sa sementeryo para dumalaw kina lolo at lola pati narin sa nanay ko.

Nangunot ang noo ko ng may nakitang bulaklak sa may puntod ng nanay ko. Naalala kong death anniversary niya ngayon. Napabuntong hininga ako sa naalala.

" Ano bang masaya sa araw na ito!" Sabi ko. " Di bale at mas masaya parin naman ang birthday ko kaysa kat Inked man!" I compare.

May nakita akong sulat sa may bulaklak sa puntod ng nanay ko. Kinuha ko iyon at binasa.

' Hi love, Today was our daughter's day! She's beautiful like you. I'm sorry for being so scared of showing up to her, but still I love our daughter.

I'm sorry again love for causing you pain, I didn't mean to. I'll be taking care of our daughter soon.

Love,
A.A '

" A.A?" Basa ko sa initials ng sumulat. " Daughter?" Nangunot ang noo ko, bumilis ang tibok ng puso ko. " My father!"

I'm sorry again love for causing you pain,

Napatakip ako ng bibig. Posibleng may kinalaman ang tatay ko sa pagkawala ng nanay ko!

' And the pain you caused to her is now my pain!' SHETE!

To be continue..........

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon