CHAPTER 40

28 0 0
                                    

Safe.

Humihinga pa ako! Iyan ang alam ko. Nagising ako sa ingay ng mga ibon. Sa aking paligid. Hindi ako makagalaw naghihina ako. Masakit ang aking tagiliran, at sa likod ng magkabila kong balikat.

Mabigat ang mga pinapakawalan kong hininga dahil nahihirapan ako. Hindi ko alam kung anong araw na. Natatabunan ako ng mga dahon. Pinili ko munang huwag gumalaw dahil parang hihiwalay sa akin ang pang itaas kon katawan kapag gagalaw ako.

Natulog muli ako at nagdasal na sana ay may taong dumating kaaway man yan o kakampi basta tutulungan akong makaalis dito sa gubat.

Inked man!

Mali ako ng naging desisyon. Aaminin kong nakakaramdam na ako ng pag sisisi at gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil malaking sagabal ako kina Inked man. Kung sana'y hindi ako nakealam edi sana ay sa kwarto ko ako ngayon natutulog ng payapa at gigising ng maaga para kumain ng paborito kong agahan.

Urrghhh!!!! Bakit ba laging nasa huli ang pagsisi, Bakit hindi pwedeng mauna?

Sa tulong ng payapang gubat at huni ng mga ibon, gutom at sakit ng katawan ay nakatulog muling ako.

Nagising akong muli at tanging sinag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw sa kagubatan.

Napangisi ako sa kawalang pag asa, " Wala man lang taong napadpad rito." Mahina kong sambit sa aking sarili.

I try my best to move even if it's painful. Gumapang ako ng paunti unti. Kada minuto atang lumilipas ay nakakagapang ako ng isang centimetro kaya napakabagal kong umusad.

" Mamatay na ata ako!" Daing ko.

Wala na akong lakas ni dugo ay nauubos narin sa akin. Mukhang malabo na akong sisikatan ng araw!

Nagpahinga ako nang marating ko ang isang puno. Sumandal ako roon at pumikit. Iniisip kong muling matulog ngunit hindi na ako dinalaw ng antok.

" Kaya mo bang maglakad?" Napamulat ako ng makarinig ako ng boses. Pamilyar iyon sa akin at dahil sa madilim na ay hindi ko makumpirma kung tama ako.

" Hindi ka pa patay? Kamusta si Alfredo? Linigtas niyo parin ba?" Mahina kong tanong na alam kong umabot naman sa kaniyang pandinig.

" Hindi ko alam. Tumakas ako nang araw na iyon dahil natunugan ko ang mangyayari!" Seryoso niyang sinabi.

Tumawa ako ng mahina, " Sekretaryo ka ni Alfredo pero mahina ang loob mo!" Sabi ko. Insulto iyon sa kaniya.

Naupo siya sa tabi ko at tinignan niya ako. Sinusuri kung anong tama ko, " Mahal ko ang buhay ko. Pera lang ang habol ko sa kaniya. Susuko rin ako sa pulisya susunod na araw." Sabi niya.

" Bakit ka nandito? Dito ka ba nagtatago?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, " Hinanap talaga kita rito."

" Papaano mong nalaman?" Tanong ko sa kaniya. Napakaimposible kasing may mga taong nakakaalam sa kagubatang nasa likod ng rest house ni Alfredo.

" Dito nahuhulog ang mga taong binabaril sa likod ng resthouse." Sabi niya.

Pinatalikod niya ako sa kaniya at napasigaw ako ng hawakan niya ang tagiliran kong may tama.

" Tatangalin ko ang bala sa katawan mo para hindi ka tuluyang manghina!" Wika niya at may punyal siyang inilabas galing sa kaniyang bulsa.

" Baka mamatay ako riyan!" Sabi ko dahil baka tuluyan niya ako.

" Ayaw mong maniwala sa akin? Kahit magdasal ka nalang!" Sabi niya at pinunit ang suot kong damit.

" Anong araw na ngayon? Ilang araw na ako rito?" Tanong ko.

Sinabi niya ang petsa ngayon at, " Tatlong araw ka nang narito."

Hindi na ako nakaangal dahil wala naman na akong lakas. May dala siyang flashlight at parang doctor niya akong inoperahan. Tinangal ang tatlong bala sa aking katawan.

Nanghina ako nang natapos siya. Naubos ang mga natitirang lakas ko sa kakasigaw dahil sa sakit ng paghiwa niya sa aking balat. Ginamit niyang benda ang pinunit niyang damit ko. At  Ibinigay niya sa akin ang kaniyang pang itaas na damit.

He carry me at his back. At habang nakaangakas ako sa kaniyang likod ay nakatulog ako.

Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ko sa lupa. Ipinalibot ko ang mga mata ko at nasa may bukid na kami. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala limang oras palayo sa syudad.

" May mga magsasaka rito at paniguradong makikita ka nila pagsapit ng araw. Huwag mong kakalimutang huminga para mabuhay ka," sabi niya at tipid na ngumiti. " Aalis na ako. Siguraduhin mong magkikita pa tayo kapag nakalaya na ako."

" Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa siya kilala at hindi ko siya kinilala noong mga panahong nagkikita kami kapag kasama ko si Alfredo.

" Hulyo, " sabi niya at tumalikod na sa akin. " Hulyo Ramirez...."

Hulyo Ramirez?

Hindi ko kinalimutang huminga gaya ng sinabi ng sekretaryo ni Alfredo na si Hulyo. Kahit mukhang biro iyon ay iyon lang ang tanging magagawa ko para mabuhay at sikatan pa ng araw. Wala pa akong kain at wala ni tubig. Paghinga lang talaga at tulog ang makakatulong sa akin.

" Buhay pa to." Napamulat ako ng tingin ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa aking pulso at tinig ng isang matandang lalaki.

" Ayos ka lang miss?" Nag aalalang tanong naman ng isang matandang babae.

Unti unti kong naririnig ang ingay ng mga nasa sampung tao.

" Galing nanaman ba iyan sa rest house sa bundok. Napakawalang hiya talaga nong nakatira roon. Mabuti nalang at nakarating ka rito. " Sabi naman ng isang ginang.

Nanonood lang ako sa kanila at hindi ko kayang magsalita dahil mahina na ako.

" Mabuti pa at dalhin ka namin sa bahay. " Wika ng matandang lalaki.

Lumipas ang ilang araw at nasa bahay ako nina Aling Nena at ginoong Ernesto. Magaling na ako at plano kong umalis sa bansa. Nahihiya akong bumalik sa amin dahil sa nagawa ko.

Nagpapasalamat akong hindi nawala sa aking bulsa ang wallet ko. Pero yung cellphone ko ay wala na. May black card si Alfredo doon at sinabing galawin ko iyon kapag kailangan ko.

" Nagtungo ka raw sa bayan," wika ni Ginoong Ernesto.

Kakarating ko lang bitbit ang isang maliit na maleta kung saan nakalagay ang lahat ng pera sa card ni Alfredo. Sinimot ko na lahat iyon saka ko itinapon.

" Para sa inyo po," bigay ko sa kalaharing milyon.

" Napakalaki naman neto. Hindi ko ito matatangap!" Tangi ni Mang Ernesto, but I insist.

Pati ang mga kapit bahay ay binugyan ko rin ng hindi naman ganoong kalakihang halaga.

" Aalis na po ako ng bansa. At iyan po ang bayad ko sa lahat ng ginawa niyo sa akin. Maraming salamat po." Sabi ko.

Yes. This is the right thing to do. Hindi na ito mali. Kailangan ko ang mag ibang bansa dahil kailangan kong kalimutan ang mga kapalpakan ko. Tutal ay alam ko naman na ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Babalik nalang ako kapag naisip ko pa.

" I'll be safe!" Sabi ko sa aking sarili. Nakasakay na ako ng eroplano dala ang pera na sapat na sa tingin ko para mabuhay mag isa.

I'm safe!

To be continue.........

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon