CHAPTER 48

26 0 0
                                    

Home.

Nang magising ako kinaumagahan ay  ngtungo ako sa kusina. NArito parin ako sa bahay ni Inked man at iniisip ko ngayon ako aalis rito.

Hindi kasi ako sanay na malamig sa akin si Inked man. Sa lahat ng pinagsamahan namin ay ganito lang itatrato niya sa akin after kong umalis. Though, I'm expecting this cold treatment but I'm not expecting na mas malala sa expectation ko ang inaasta niya.

Is it enough for me to say sorry? Kahit alam kong wala naman akong nagawang mali? 

Bumuntong hininga ako at nag suot ng apron. Kahit hindi ako sigurado kung makakbawi ako sa paraan ng pagluluto at least may ginagawa ako para paamuin siya.

I cook breakfast for myself and for him. The typical breakfast, fried egg, fried bacon, hotdogs and fried rice. Then I write down a notes saying;

' Kumain ka na, Good morning!'

Nagtatalo pa ang isip at kaluluwa ko kung lalagyan ko ba iyon ng heart o smiley face o simpleng punctuation mark nalang. O di naman kaya ay sana hindi nalang ako nagsulat ng notes.

Ewan ko ba kung napaaga lang ako ng gising o wala talaga si Inked man dito sa bahay niya? Wala pa kasi ni anino niya ang nakita ko. Kaya naman kinain ko na ang parte ko sa breakfast at hindi na ako nag atubiling magbihis pa dahil wala naman akong damit.

Wala akong dalang pera pero ang kapal ng mukha kong pumara ng taxi at mgpahatid sa ancestral house namin.

" Manong paantay nalang po saglit iyong bayad ko." pakiusap ko kay manong driver, at nagmadali akong bumaba.

Nanlaki pa ang mga mata sa akin ni Kuya BOnoy nang pagbuksa niya ako ng gate. MAging si Nanay Dolores na lalabas sana para magtpon ng basura ay tila nagulat rin nang makita ako.

" MAy pera po ba kayo dyan? Pambayad ko lang po sana ng taxi." Kung hindi pa ako nagsalita hindi na sila magigising sa pagkatameme sa akin.

Naabot sa akin ng limang daan si Nanay Dolores na agad ko namang kinuha. NAgmadali akong ibayad ang limang daan sa taxi at hindi na kinuha pa ang sukli.

Nang pumasok muli ako sa may gate namin ay sinalubong na ako ng yakap ni NAnay Dolores. MAhigpit na yakap iyon na tila ayaw na niya akong pakawalan.

" Buhay ka! Salamat sa Diyos at buhay ang alaga ko!" Sabi ni Nanay Dolores at napaiyak pa habang kayakap ako.

" Caroline Xin? Hija? Buhay ka nga!" wika naman ni Manang Anda na kalalabas lang ng bahay. Tumakbo kaagad siya sa gawi namin at yumakap rin sa akin ng mahigpit.

Hahanapin ko sana si Kuya ngunit nakita ko na siya sa main door. Tinawagan ata siya ni Kuya Bonoy o instinct niya ang nagsabing narito na ako.

" Kuya!" pagtawag ko kay Kuya nang maghiwalay na kami ng yakap nina Manang Anda, at nanay Dolores.

NAgsalubong kami ng yakap ni Kuya. NIyakap niya ako ng mas mahigpit kaysa sa yakap nila manang sa akin.

" I'm sorry... I'm sorry..." Iyon kaagad ang sinabi niya sa akin at naramdaman ko kung gaano kabigat ang mga salitang iyon. Umiyak siya at nadala niya ako sa kaniyang emoyson.

" Kuya...." Iyon lang ang nasabi ko dahil iniisip ko pa kung anong bagay ang dapat niyang ihingi sa akin ng kapatawaran. Hindi ba dapat ako ang humingi ngtawad sa kaniya dahil hindi ako nakinig sa kaniya at ni hindi ako nagpaalam sa kaniya.

" Dad is dead.......... I'm sorry!" Imporma niya.

Nanghina rin ako at hindi nakagalaw. Pinagninilayan ang mga narinig. Ganito rin ang naramdaman ko noong nalaman kong patay na si Natasha.

He's dead!

Wala sa plano ko ang pagkamatay ng tatay ko. Gusto kong makita sana siyang pagsisihan ang mga kasalanan niya at the same time kilalanin niya rin ako bilang anak niya. Gusto ko siyang pagsilbihan bilang anak sa loob sana ng selda ngunit tila hindi ko na iyon magagawa.

MAgkaiba ang kaparaanan namin ni Inked man kung papaano namin makakamit ang hustisya. Magkaiba kami ng depinasyon ng hustisya.

" Papaano siya namatay kuya?" tanong ko kay Kuya.

Nasa may sementeryo kami ngayon ni Kuya. Nagpasama kaagad ako sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang balita. Kaharap namin ang lapida ng tatay namin.

' Alfredo Abella'

" Dahil ba sa plano niyo?" muli kong tanong nang hindi ako nakarinig ng kaniyang kasagutan. 

Natahimik si Kuya ng ilang segundo. NAng tignan ko siya ay umiwas siya sa akin ng tingin.

LUmunok muna siya bago nagsalita, " Nagpakamatay siya sa........harapan namin." Tila nahihirapan siyang sabihin iyon. Humihina ang kaniyang pagkaasabi habang paisa isang binibigkas ang mga salita. " Ayaw niyang sumuko sa amin. kinumbinsi ko siya at sinabi ko ang kagustuhan mong mabuhay siya........ ngunit mas pinili niyang kitilin ang sarili niyang buhay. Sinabi niyang sasamahan ka raw niya..."

Natigil ako. Ibig sabihin ay pinili niyang mamatay kesa sumuko. At sinabi niyang sasamahan niya ako. Para saan? Ibig sabihin ba non noong araw ring iyon nang nalaman niyang gusto ko siyang isuko at naging traydor ako sa kaniya ay wala siyang pagsisising ipinapatay niya ako sa kaniyang mga tauhan.

Napatawa ako ng mapait, " Buti naman at iniisip niyang samahan ako sa kabilang buhay!" baka sa kaling sa kabilang buhay ay hindi na niya ako itatangi. Na sa kabilang buhay ay hindi na niya ako kailangang pagsinungalingan at baka sa kabilang buhay ay ipagmamalaki niya ako kahit hindi niya ako kailangan.

Malungkot ako nang umuwi na kami. Ni hindi na ako kumibo. Hindi ko lubos akalain na mabigat palang mga bagay ang naiwan ko rito.

Nagtungo ako sa aking kwarto. Naligo muna ako at nagbihis bago ako patalon na nahiga sa aking kama. Iyong amoy at pamilyar na comfort ng aking kwarto ang siyang yumakap sa akin.

Naging mabigat ang damdamin ko at kusa nalang tumulo ang aking mga luha.

This is my home!

Dito ako nakatira, sa mundong maraming mabibigat na yumatapak sa aking damdamin. Ito ang buhay na meron ako. Ito ang buhay na kailangan kong harapin.

Yes I'm home! I'm really home!

To be continue......................

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon