CHAPTER 22

133 2 0
                                    

Birthday.

Nagprisinta akong magmaneho at hindi naman tumutol si Inked man. Gusto ko pa sana siyang tanungin sa nanay niya ngunit wala na siyang imik. Malungkot siya at nakakadurog tignan ang pilit niyang ngiti habang paalis na kami sa mental hospital.

Hindi nawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ng mama niya sa akin. Lalo na ang bilin niyang mahalin ko ang kaniyang anak na hindi niya naibigay rito.

" Daff is your nickname?" I ask para hindi siya malunod sa kalungkutan.

Tumango siya at hindi nagsalita. Wala siya sa mood. It was his birthday and it's really painful to see na makaramdam ka ng pagkadurog sa kaaraqan mo. This is supposed to be a good day for him because it's his day. Pero walang saya sa kaniyang mukha.

" I won't bother if you want to play your music playlist!" Wika kong muli. Iniisip kong music can be a solution. Okay lang sa akin kung ano man ang naroon sa playlist niya.

Tahimik niyang pinindot ang radio at naglabas iyon ng mellow music na maganda sa pandinig na kahit hindi ko alam iyong kanta at kung sino ang kumanta. Favorite ko rin ang mellow music yung katang banayad lang at tagos sa puso.

" Mellow music is your favorite?" Usisa ko. Sumulyap ako sa kaniya at nakita kong nakahalukipkip siya at nakapikit. Pero alam kong gising siya dahil hindi naman malalim ang hininga niya.

" Don't stare at me while driving. Baka huling buhay na natin to, birthday ko pa naman!" Sabi niya ng nakapikit.

Bumalik ang tingin ko sa daan. May pagkapilosopo rin pala ang itong taong to kaya natawa ako ng mahina.

" Favorite ko rin!" Imporma ko.

" Okay," walang gana niyang sinabi.

" Hindi ka ba natutuwa na pareho tayo ng favorite?" Daldal ko.

" Are you friendly?" Tanong niya.

" Yes!" I confidently answer.

Tuwing nagpupunta kami sa bar ni Mia o sa may Club lagi akong nakikipag usap, nakikisalamuha at nag e-entertain. I am sociable dahil hindi naman ako pwedeng hindi umimik sa party.

" I'm Introvert so we're not alike."

Napanguso ako. " Bawal ba? Kahit na! Basta parehas tayo ng favorite music." I insist.

" Ayoko ng maingay," seryoso niyang sabi na siyang ikinatahimik ko.

Bakit ako tumahimik? Bakit hindi ko panindigan ang sinabi kong friendly ako? Hindi naman ako nagpupumilit na gustuhin niya hindi ba?

Napakagat labi ako. Ayaw niya ng maingay edi huwag!

Ayaw niya sa akin?

Tumawa siya, " Cute!"

Nasaktan ako ng sinabi niyang ayaw niya ng maingay ngunit halos tumalon na ang puso ko at magwala lahat ng paruparu sa aking tyan sa huli niyang sinabi. I blush and then I bit my lower lip to stop myself from giggling. SHETE!

Kumain kami sa may fast food. Hindi dahil sa kuripot akong tao kundi dahil sa fast food kami kumakain noon nila Lolo at Lola tuwing birthday ko. Palagi rin akong tinitreat ni Kuya sa fast food tuwing may achievement ako. And I was lucky than Inked man dahil sa lahat ng espescial na araw sa aking buhay ay especial talaga.

After naming kumain sa fast food ay namasyal kami sa may parke. I'm doing all the things I know to boost his mood. Ayaw kong magmukmok siya at makalimutan niyang birthday niya ngayong araw.

" Hindi ba sasakit yung tyan ko dyan?" Tanong niya.

Palubog na ang araw at naisipan kong dalhin siya sa may dalampasigan. Sakto namang may mama na nagtitinda ng street food.

" Ang arte mo naman! Lahat ng niluluto kinakain!" Sabi ko at tumuhok ng fishball. Isinawsaw ko iyon sa may sweet sauce at hinipan ko. " Tikman mo to!" Iniharap ko sa kaniya ang hawak ko. Bumuka naman ang bibig niya at isinubo ko sa kaniya iyon.

Napahiran ng kaunting sauce ang gilid ng kaniyang labi. Walang pag iisip ko iyong pinunasan ng aking hinlalaki at isinubo.

Napalayo ako ng tingin nang marealize ko ang ginawa ko. Namula ang aking pisngi. Shete! Anong kagagahan yan Cx!

" Masarap nga!" He then chuckle a bit.

Tumuhog ako ng isa pang fishball at isinawsaw sa may sweet sauce. Kunwari ay hindi ko siya napakingan at binalewala kung anong nangyari.

" Haaaaa....." Nailuwa ko ang fishball dahil mainit iyon. Napaso ang aking dila.

Iniabot sa akin ni Inked man ang tubig at tumatawang pinanood akong uminom doon. " Kailangan kasi may tagasubo ka, " usal niya at kumuha ng stick. Tumuhog ng squid ball at isinawsaw sa may sweet sauce at hinipan niya iyon. " Ah..." Utos niya at ginawa ko naman. Isinubo niya sa akin ang squid ball.

Kumain pa kami ng street food. Ata nang malapit nang mag agaw ang init at dilim ay hinila ko siya papuntang tabing dagat para saksihan ang kagandahan nang sunset.

" Let's take a picture!" Sabi ko at inilabas ang aking cellphone.

Tumalikod kami sa may sunset at nagselfie kami. Ilang take rin ang kinuha ko.

I chuckle seeing the cute picture of us while the sunset is behind.

" Happy birthday!" Bati ko sa kaniya pagsapit ng dilim at naisipan naming maglakad lakad sa tabing dagat habang may hawak na canned beer na binili ko sa malapit na convinience store.

" Thank you!" Sabi niya.

" Cheers!" Sabi ko at pinaguntog namin ng mahina ang lata ng iniinom namin. " What's your wish?"

Huminto kami at naupo sa may buhangin. Tumingin siya sa taas kung saan marami na ang bitwiin at yung isang buwan.

" I want to play like a kid, laugh like a kid. I didn't experience playing during my childhood." Malungkot niyang sabi. Nagpakawala siya ng malungkot na hininga na para bang may naalala. " But I think I can't do it anymore."

" Huwag ka ng malungkot. Paano ka ba magiging masaya ngayong araw?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siyang tumingin sa akin.

Tumama ang mga mata ko sa kaniyang labi. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil naakit ako roon.Hindi ko alam kung anong biglang sumanib sa akin nang sungaban ko siya ng halik na dapat hindi malalim ngunit pinalalim niya iyon.

Lasang beer ang labi  niya. Hinawakan niya ako sa aking batok upang mas mapalalim ang halikan naming dalawa. Saka lang kami bumitaw nang kapusin kami pareho ng hinininga.

" Thank you!" Bulong niya sa akin at niyakap ako.

To be continue........

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon