CHAPTER 38

28 0 0
                                    

Involve.

Nasa may negosyo muli ako ni Dad. Alam na ng lahat na ako ang anak na babae ng kanilang amo kaya hindi na mapanghinala ang tingin sa akin ng mga tao rito.

" Pwede ba kitang makausap?" Hinarangan ko anh isang babaeng waitress na tanging bikini ang suot habang nag seserve.

Lumingon lingon muna siya bago ako nag aalangang tinignan. " I-importante po ba?" She ask stuttering.

Tumango ako, " May itatanong lang sana ako."

" Ano po iyon?" Mahina niyang tanong.

" Maari bang sa ibang lugar tayo?" Suhestyon ko.

Takot ang bumalatay sa kaniyang mukha bago pumayag sa aking gusto. Pinagsuot ko muna siya ng roba bago kami bumaba patungo sa parking. Sumakay kami sa dala kong sasakyan.

" Ma'am hindi po tayo pwedeng lumayo," may pangamba sa kaniya.

I started the car and drive off, " Bakit hindi pwede?"

Hindi siya sumagot sa akin. Basta lang niya akong inilingan. Hindi ko maintindihan kong bakit bawal.

Inihinto ko ang kotse sa may tagong daan. Kung saan hindi makikita ng sinu mang dumaraan.

" Bakit mo piniling magtrabaho kay Alfredo Abella?" Unang tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at tumawa ng mahina. " Tingin mo pinili namin to?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. " What do you mean?" Mahina kong tanong dahil unti unti ko nang nafi-figure out kung papaano sila nakarating sa ganitong trabaho.

Binigyan niya ako ng nakakatakot na tingin, " Ito ang gusto mo hindi ba? Sige pagbibigyan kita. Tutal baka ito na ang huling pagkikita natin." Lumayo ang tingin niya sa akin at nagpakawala ng isang buntong hininga. " Lahat ng mga babaeng kasama ko roon at ilan sa mga lalaking nagtratrabaho roon ay mga napulot sa daan. Alam mo yun, kahit hindi ka pulubi kapag nagpalaboy laboy ka at nasaktuhan ka ng mga tauhan ni Alfredo, kahit tumakbo ka hindi ka makakatakas!" Unang kwento niya.

" Naalala ko kung papaano ako nakuha rito tatlong taon na ang nakakalipas. Nurse ako at night shift. Wala akong masakyan noon kaya taimtim akong naglalakad pauwi....." Bumuntong hininga siya at tumingin sa aking mga mata. " Huminto ang van na nangkikidnap. Akala ko nga joke lang ang mga van na nanguguha ng tao pero totoo pala," Kibit balikat niya. " Takot ang bumalot sa akin ng tutukan nila ako ng baril sa ulo at tagiliran. Mahal ko ang buhay ko at ako ang bumubuhay sa pamilya ko kaya sumama ako. Binuhay ng tatay mo ang pamilya ko kapalit ng pagsisilbi ko sa impyerno. Sinabi nilang patay na ako kaya, kung balak mo mang itakas ang kung sino man ang mga nagtratrabaho sa impyernong iyon ay huwag ka nalang magbalak. Patay na kaming lahat sa imahe ng mga pamilya namin.... At alam mo ba kung ano ang kapalit ng paglayo namin sa lugar na iyon?"

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon