Chapter 22

9.7K 411 23
                                    


Skylar

"Let's make this quick. Ayokong nagtatagal sa lugar na ito." I used my cold voice para iparating sa mga kasama ko na seryoso ako sa aking sinasabi.

"Don't worry, Sky. Aalis din tayo agad pagkatapos ng gagawin ko sa walang hiyang yun."

Napabuntong hininga ako ng makita ang seryosong mukha ng aking pinsan. Raegan looks furiously mad. Masyado iyong halata mula sa nakakuyom nitong kamao at sa pag'tiim ng bagang nito.

"Control yourself. Huwag mong hayaang maka'agaw tayo ng atensyon dahil dyan sa galit mo." Paalala ko sa kanya.

Katulad ko, alam kong iba din kung magalit ang isang 'to. Ayokong magulo ang buong bar na ito dahil lang sa kanya. Maraming tao ang nandito ngayon upang magsaya at ang malaman ng mga ito ang sikreto namin ang syang pinakahuli na gusto kong mangyari.

"I know" Tumango ito sa akin, "I can smell him already. Umaapaw ang masangsang na amoy ng kanyang budhi. He's on the second floor." Sambit nito bago tuluyang naglakad papasok sa loob ng Havens Bar.

"You need help?" I asked her habang nakatingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor.

"Si Tori at Marcus na lang ang isasama ko sa taas. Maiwan na lamang kayong dalawa ni Stacy rito sa baba. Kayo na ang bahala sa mga magtatangkang tutulong sa hayop na iyon." Tumango ako sa kanya bago nagpunta sa harap ng bartender.

Umupo ako sa bar stool habang poker face na nakamasid sa paligid.

"One glass of martini, please." Kunot noo akong lumingon rito sa katabi ko na tinaasan lang ako ng kilay, "What?"

"Pumunta tayo rito dahil may importante tayong gagawin, Stacy. Hindi para uminom." She just rolled her eyes bago inisang lagok ang alak na nasa baso. Agad nya iyong binayaran ng maubos.

"Chill, Sky. Alam mong hindi ako madaling malasing. Tsaka kahit naman siguro makainom ako magagawa ko pa rin ng maayos ang trabaho." Pagmamayabang nito habang nakangisi sa akin.

Inirapan ko lamang ito bago ibinaling ang tingin sa paligid. Namimiss ko na ang baby ko. Kung hindi lang dahil sa lalaking pinuntahan namin ngayon kasama ko sana ang girlfriend ko habang yakap-yakap ito sa kama.

Kung ako lang ang masusunod, kanina ko pa binawian ng buhay ang Malik na iyon. He's a werewolf---a bad werewolf to be exact.

Ilang linggo matapos kung mapatay si Anadi, nalaman naming kasabwat sya ng damuhong iyon sa pagpatay ng mga inosenteng tao. Si Sloane ang unang nakaalam niyon na agad naman nitong sinabi sa buong angkan nila.

Nang malaman iyon ni Raegan ay halos magwala ito dahil sa galit. Katulad ko, ayaw na ayaw nyang may isa sa mga angkan namin ang gumagawa ng mga ganoong karumal-dumal na krimen.

After four days of tracking him down, nalaman naming dito sya nagtatago. Kaibigan nito ang may'ari ng bar na ito na nadakip na din ni Raegan kahapon and god knows kung ano ang ginawa nya sa lobong iyon. Na alam kong gagawin din nya kay Malik na siguradong mahuhuli nya ngayon.

"May dalawang asungot sa harapan." Sambit ko na agad nakuha ni Stacy.

Walang imik kaming lumapit sa dalawang lalaki na paakyat na sana ng hagdan. They are werewolves, I'm sure of that.

"Going somewhere?" Pansin kong nagulat ang mga ito pagkaharap sa amin. Ramdam ko pa ang takot at kaba na unti-unting lumukob sa kanilang pagkatao.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon