Chapter 20

11K 400 30
                                    


Isabelle

"Kumusta naman kayong dalawa nitong anak ko, princess Skylar?" Nakangiting tanong ni Dad sa girlfriend ko habang naghahapunan kami.

Hindi na kasi ito umalis sa aking tabi mula kaninang umaga. Ito na rin ang gumawa ng mga gagawin ko sana sa bahay. Nagulat pa nga sina Mom ng makita sya kanina.

Kakauwi lang kasi ng mga ito galing sa Australia dahil may inasikaso ang mga ito doon, pwera na lang kay kuya Shaun dahil kagagaling lang nito sa condo ng kanyang girlfriend at doon na rin ito natulog kagabi.

"We're okay Tito, and please. Just call me Skylar. Actually, may gusto sana akong sabihin sa inyo." Nag'aalangang sagot ni Sky dahilan para mapalingon ako sa kanya ngunit ngumiti lang ito sa akin.

"What is it, iha?"

"Um, gusto ko po sanang hingin ang blessing nyo. I wanted to marry your daughter." Diretsahang sagot nito dahilan para mabulunan ng iniinom na tubig ang aking ama. Habang sina kuya at mom naman ay umawang ang bibig.

I secretly bite my lower lip to suppress my smile habang namumula ang magkabila kong pisngi at tainga.

"I..didn't see it coming. But well, she's your mate at mukhang gusto naman ng anak namin ang plano mo base on her reaction. You have my blessing, Skylar Olsen." Nakangiting sagot ni Dad na mukhang ikinatuwa ng bampirang katabi ko. Pati sina mom at kuya Shaun ay nakangiting tumango sa kanya.

"Thank you, Tito. I really appreciate it."

Masuyo nitong pinagsiklop ang kamay naming dalawa na nasa ilalim ng mesa.

"No worries. Basta ba bigyan nyo agad ako ng apo."

Mas lalo lang atang namula ang aking mukha dahil sa sinabi ni Dad.

"Sure, Tito" Agad kong kinurot sa tagiliran itong katabi ko. Sira'ulo!

"Patapusin mo muna ako ng pag'aaral, no!"

Mataray ko itong inirapan ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pilya nitong pagngiti.

"Sure, baby. Makakapaghintay naman ako ng dalawang buwan eh." Pakiramdam ko mas lalo lamang namula ang aking mukha.

"St..stop it"

Yumuko ako upang hindi nila makita ang nangangamatis kong pisngi.

"Okay okay. I'm sorry." Hinalikan nito ang aking sentido habang natatawa pa sa sarili nyang kalokohan.

"I'm happy knowing that my daughter is safe with you, Skylar. Alam kong maaasahan kita." My Mom finally spoke.

"Of course, Tita. She's my mate and I'll do everything to protect her." Pinisil nito ang aking kamay habang matamis na nakangiti sa akin.

The dinner went well at paminsan-minsan ako ang ginawa nilang katuwaan lalo na kapag namumula ang aking mukha dahil sa panunukso ni Sky.

Marami pa silang napag'usapan na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin dahil nakatuon lang ang aking atensyon sa girlfriend ko na panaka-nakang ngumingiti sa mga magulang ko.

Sa totoo lang hindi pa rin mawala-wala sa aking isipan ang sinabi ni Dad kanina patungkol sa pagkakaroon nila ng apo mula sa amin ni Sky. Iniisip ko pa lang na mabubuntis ako at si nerd ang ama ay hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mukhang may magandang iniisip ang mahal ko ah. Ang ganda ng ngiti eh." Nakalapit na pala ito sa akin.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon