Chapter 8

9.9K 459 27
                                    

Skylar

"Shit!" Sigaw ni Sloane ng tamaan ko ng katana ang kanyang braso na ikinasugat nito. Maghihilom naman agad ang sugat na iyon kaya ayos lang.

Nandito na naman kami ngayon sa basement ng kanyang bahay. Pagkatapos ng nangyari sa bahay ni Stacy ay dito na kami dumiretso and as usual, nagte'training na naman kami pero katana ang gamit namin ngayon.

Si Sloane kasi ang kadalasan kong maging partner sa pagte'training pero minsan si Raegan o di kaya'y ang iba pa naming kaibigan.

"Ugh! I hate this shit!" Inis na sigaw nitong kasama ko ng tamaan ko na naman ang kanyang braso. Hahaha

Minsan talaga ang pikon ng lalaking ito. Parehong-pareho sila ng kapatid nyang si Raegan. Napaghahalataang mainitin ang ulo.

And yes, magkapatid sina Sloane at Raegan. Angat lang ng isang taon si Sloane sa kapatid and you know what the shocking part is?

They are werewolves! Along with my friends Tori and Marcus while Stacy is a vampire like me. Pero sabihin na lang nating I'm a special one.

Isang pinuno ng mga bampira ang aking ama. Ang ibig-sabihin lang non isa akong maharlika. I'm a vampire princess, but I am also a werewolf princess since isa ring maharlika ang aking ina. She's a werewolf princess by the way, and dalawa lang silang magkapatid ng ama nina Sloane and Raegan. Si tito Magnus ngayon ang namumuno sa angkan ng mga lobo dahil ito ang nakakatanda. At oo, isa ring royal blood ang dalawa kong pinsan.

The amazing part of being a hybrid creature is that, I can transform also into a wolf form dahil nga sa may dugo akong werewolf. Pero minsan ko lang iyon ginagamit dahil kadalasan ang vampire abilities ang ginagamit ko.

Ngayon alam nyo na kung bakit ganon na lang ka'overprotective sa akin sina Stacy at Tori. Ako kasi ang susunod na mamumuno sa angkan ng mga bampira at si Sloane naman sa angkan ng mga lobo dahil halatang walang balak ang kapatid nyang si Raegan.

Pero kung ako lang ang masusunod, ayokong maging isang pinuno. Mas gugustuhin ko pang maging isang normal na bampira dahil walang responsibilidad na naka'atang sayo.

Iyon nga lang, I don't have a choice dahil nag'iisa lang akong anak nina mom and dad. Hindi katulad nila Raegan dahil dalawa silang magkapatid. Wala din namang kapatid si Dad kaya wala na talaga akong choice.

Kung magtatanong kayo kung bakit hindi magka'away ang dalawang angkan, yun ay dahil mali ang iniisip ng mga tao sa amin. Isang malaking kalokohan ang nababasa at nakikita nyong palabas sa telebisyon.

Matagal ng magkaibigan ang dalawang angkan simula pa noong kapanahunan ng aking lolo. A thousand years ago, I guess? Sila na din mismo ang nagpaparusa sa mga masasamang bampira at lobo noon.

Oo noon, dahil ngayon wala ng masasamang bampira at lobo dito sa mundo ng mga tao dahil kung meron man. Agad namin silang nati'trace at pinaparusahan.

Hindi rin kami nasusunog sa sikat ng araw at hindi kami umiinom ng dugo ng tao, katulad ng iniisip ng mga tao.

Matagal ng inihinto iyan ng aming angkan dahil sa pagkaka'alam ko ay nakipag'kasundo ang aking lolo sa mga hunters. May kasunduan ang mga ito na walang mapapahamak na mga tao sa kamay ng mga bampira kapalit ang kalayaan naming mamuhay ng tahimik. Na walang mga hunters na humahabol sa amin ganon din sa mga werewolves.

Sa totoo lang kayang-kaya naman naming patahimikin ang mga angkan ng mga hunters pero katulad ng sinasabi ng lolo ko noon. Lahat ng nilalang sa mundo ay may karapatang mamuhay ng tahimik at patas.

Ang bait nya lang diba? Sayang nga lang dahil hindi ko na sya naabutan. Sabi nina dad namatay ito sa pakikipaglaban sa mga masasamang bampira. The good thing is, hindi nasayang ang sinimulan nito dahil ngayon ay tahimik ng namumuhay ang mga tao, mga bampira at lobo. Matalik na ding magkaibigan ngayon ang angkan ng mga hunters at bampira kaya wala ng naging problema.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon