Chapter 18

10.7K 439 34
                                    

Skylar 

I was smiling from ear to ear in the whole duration of class because of what happened earlier. Noon pa man nararamdaman ko ng may feelings na sya para sa akin kahit na ang taray nya lagi. Pero iba pa rin talaga kapag sa bibig nya mismo nanggaling.

"Stop smiling like that. Para kang may masamang balak. Nakakatakot tingnan." Mind linked sa akin ni Raegan. Ang bugnutin kong pinsan.

Nasa unahan ito naka'upo pero talagang napansin pa nito ang pagngiti ko.

"Shut up, Meyer! I'm just happy, can't you see it?" Sagot ko sa kanya sa aking isipan habang nakatitig kay Isabelle na tinaasan na naman ako ng kilay.

Ngumiti lang ako rito at kita ko na naman ang pangangamatis ng mukha nito.

"I know. I feel it! Kaya nga nakakatakot kang tingnan. Para kang baliw na pangiti-ngiti mag'isa dyan. Baka mamaya isipin ng mga kaklase natin may sira kana sa ulo." Pang'aasar nito habang ramdam ko ang pag'ngisi ng loka-loka.

"Whatever!" Hindi ko na sya pinansin. 

Ibinaling ko na lamang sa harapan ang aking atensyon. Bored akong nakatingin sa aming professor na nagtuturo nang may maamoy akong hindi kaaya'aya. Ramdam kong kuminang ang aking mga mata dahil doon. Napapikit na lamang ako at yumuko. Pansin ko ang pagtitig sa akin ni Isabelle na hindi ko muna pinagtuunan ng pansin.

'Bad vampire!' Mind linked ko kay Raegan at Tori since magkaklase kami sa subject na ito.

Kita ko ang pagseryoso ng dalawa sa harapan. Alam kong naaamoy rin nila iyon na ngayon ay papalapit na sa classroom namin.

"Come in!" Sigaw ng prof namin nang may kumatok mula sa labas ng pintuan nitong classroom.

May isang lalaki ang sumilip sa pintuan. Isa rin itong professor base sa suot nyang damit. Bata pa itong tingnan at may maamong mukha. Tsk!

I can smell him very well at hindi ko nagugustuhan ang naaamoy ko sa lalaking ito. Indikasyon na isa syang masamang bampira. Mabuti na lamang alam namin kung paano itago ang amoy namin sa kapwa naming mga bampira at lobo kaya hindi nila nalalaman na isa rin kami sa kanila.

"Mrs. Clinton, the dean wanted to talk to you." Nakangiting sabi ng lalaking ito sa medyo may katandaan na naming propesora.

"Sige Mr. Lynon, susunod na lamang ako."

Tumango ang lalaki at kita ko pa ang pasimpleng pagtingin nito sa kaklase naming si Danica bago umalis na may ngisi sa labi.

Hindi ko namalayang nabali na pala ang ballpen na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Hindi ko nagustuhan ang nabasa ko sa isipan nito. He wanted to rape her bago nya ubusin ang dugo nito.

"Ugh! That imbecile! May gana pa syang maghasik ng lagim rito." Naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko through mind linked.

"Don't worry, kami na ang bahala sa kanya mamaya. We will make sure na hindi nya maisasakatuparan ang binabalak nya sa inosente nating kaklase." Si Raegan na halata rin ang pagkainis sa boses nito

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon