Chapter 7

9.5K 449 41
                                    


Isabelle

Kumpleto kaming tatlo na naglalakad sa hallway kaya ito na naman ang mga tingin ng mga estudyante na para bang ngayon lang sila nakakita ng mga dyosa. Poor people!

Hindi pa kami nakakapasok sa course building namin nang marinig ko ang sinabi ng mga nagchichismisang estudyante.

"Kawawa naman ang nerd na iyon no?"

"Oo nga. Ano kaya ang ginawa nya kay Eunice para pag'initan sya?"

Nagpanting agad ang tainga ko ng marinig ang pinag'uusapan nila. Agad akong lumapit sa kanilang pwesto na mukhang ikinagulat pa ng mga ito.

"Sinong nerd ang pinag'uusapan nyo?" Mataray kong tanong kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Si..si Skylar po ng business administration, Miss Isabelle" Nauutal na sagot ng isa sa kanila.

Hindi ko alam pero agad akong kinabahan sa sinabi ng mga ito.

"Bakit anong nangyari?"

Hindi agad ito sumagot na syang ikina'inis ko lalo.

"Ang sabi ko ano ang nangyari sa kanya?!" Sigaw ko na ikinagulat nila.

"Um, binugbog po sya nila Miss Eunice kasama ang mga kaibigan ng boyfriend nya po" Agad akong nakaramdam ng inis at galit dahil doon.

"What?!" This time, si Sabrina na ang sumigaw.

"Nasaan sila?"

"Sa..sa likod po ng building nyo"

Agad akong tumakbo papunta sa likod ng building ng business administration ng marinig ko ang sagot nito.

Wala na akong pakialam kung naka'heels man ako o pinagtitinginan ng mga estudyante dito.

Pagdating ko sa pwesto nila ay kita ko pang nagtawanan ang mga ito habang nakahiga na sa lupa si nerd. Mas lalo pang nagpupuyos sa galit ang loob ko ng makita kong duguan ang labi nito at nakapikit ang mga mata.

"What the hell is happening here?!" Galit kong sigaw na ikinatigil nila sa pagtawa.

Nakangiti pang lumapit sa akin ang haliparot na si Eunice na para bang ang galing ng ginawa nya.

"Mabuti naman at nandito ka, Miss Isabelle. Siguradong magugustuhan mo ang ginawa namin sa nerd na iyan" Natatawang sabi nito pero agad ding napalitan ng gulat na expression ang kanyang mukha ng dumapo sa kaliwang pisngi nya ang palad ko.

"At sino ang may sabi sayo-- sa inyo na gawin nyo iyan sa kanya?!" Galit ko pa ding tanong habang gulat itong nakatingin sa akin. Agad pinuntahan ni Jasmine at Sabrina ang pwesto ni nerd.

"Pe--pero Miss Isabelle. I thought ---" Panimula nito na agad ko ding pinutol.

"Yes! I told you to bully her, but I didn't fucking said that you need to hurt her physically!" Halos lumabas na ang ugat sa aking leeg dahil sa pagsigaw ko. 

I am mad! Damn it!

"I..I'm sorry, Miss Isabelle" Nauutal pa ring sabi nito habang nakayuko katulad ng mga kasamahan nya.

Hindi ko na sinagot ang gagang ito, bagkus ay pinuntahan ko na si nerd na nakapikit parin ang mga mata hanggang ngayon.

Para akong maiiyak na ewan dahil sa hitsura nya. Putok ang gilid ng labi nito habang may dugo na umaagos mula roon. May pasa rin ang mukha at braso nito.

Damn! Damn that bitch!

"Please, dalhin natin sya sa clinic" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang yun.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon