Chapter 9

10K 439 46
                                    

Isabelle

Kanina pa ako nakatingin kay nerd na busy sa kakatingin sa labas ng bintana habang nakasuot ng headset. Parang may gusto akong sabihin pero hindi ko alam kung ano iyon.

Pumasok na sya sa klase ngayong araw. Actually, nagulat talaga ako kanina nang makita sya pagkapasok ko sa classroom. I don't know what's happening to me but I'm happy na makita sya ngayon. Mukhang okay na naman sya at wala na syang galos sa mukha.

"Huwag mo masyadong titigan besh baka matunaw" Natatawang bulong ni Sabrina sa akin. Masama ko itong nilingon pero tumawa lang ang bruha.

"What are you talking about? At sino naman ang tinititigan ko, aber?" Inis kong tanong sa kanya pero ang lokaret ngumisi lang sa akin at ininguso ang pwesto ni nerd.

"Sus! Para namang hindi namin yun nakita" 

"Can you please shut up? Baka mamaya marinig ka ni nerd at isipin nya talagang tinititigan ko sya" Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil katabi lang naman namin ang upuan ni nerd.

"Okay po. Magpapanggap na lang ako na hindi ko iyon nakita"

Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang isang 'to matagal ko na syang itinakwil.

Nakasimangot akong lumingon ulit sa pwesto ni nerd na sana pala hindi ko na lamang ginawa. Nakatingin na kasi ito sa akin ngayon habang nakangisi. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Sakto namang pumasok na ang guro namin kaya nabaling doon ang atensyon naming lahat lalo na ang mga kaklase kong biglang nagsipagtahimik ng makita si Miss Parker. Paano ba naman ang taray ng mukha nito at sa totoo lang nakakatakot talaga ang aura ng babaeng 'to.

"Mayroon akong ipapagawa sa inyo. So listen carefully." Ma'awtoridad na sabi nito kaya lahat ng atensyon namin ay nakatuon sa kanya maliban lang dito sa katabi ko na mukha atang walang paki'alam sa paligid.

"I wanted you to make a video that related to our mother earth. Ang ibig sabihin lang non gagawa kayo ng video featuring our environment and you also need to explain it. I wanted a real video. Yung hindi copy paste na nanggagaling sa internet. Kapag nalaman kong kinopya nyo lang yun then magpaalam na kayo sa subject na ito. Nagkakaintindihan ba tayo class?" Pansin kong napalunok ng laway ang iba kong kaklase dahil sa lamig ng boses nito.

"Yes, Miss!"

"Good. Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo. Anyway, kayo na ang bahala kung saang lugar kayo kukuha ng video. You're already in college kaya wag kayong tatanga-tanga, and one more thing. I wanted you to do it with your partner at ang katabi nyo ang magiging partner nyo sa project na ito. Monday ang deadline para sa project na iyan. That means, may apat na araw pa kayo para gawin iyon kasama na doon ang weekend since wala kayong klase bukas at sa Friday because of holidays." Pagpapatuloy nito kaya halos hindi na mapakali ang mga kaklase ko kung sino ang magiging partner nila.

"Kailangan po ba talaga ang katabi namin ang magiging partner namin for this subject, Miss?" Maarteng tanong ng kaklase naming si Fiona.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kailangan ko pa bang ulitin sa pagmumukha mo?" Pagtataray nito habang magkasalubong ang mga kilay.

"Kung ano ang sinabi ko iyon na ang masusunod. Pagusapan nyo na ng partner nyo kung ano ang dapat nyong gawin. May meeting pa ang mga professor ng Business Administration kaya hintayin nyo na lang ang susunod nyong subject" Dagdag nito bago lumabas ng classroom.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon