"Hala, Mark ayaw ko makapartner si Sen!!" huhu, bakit kasi ganun si Ma'am. Wala man lang siyang taste mag pair."We can't do anything Namarih." naiiyak na ako sa sinagot ni Mark pero may nangingibabaw pa na isa dun.
"What?! God no! Dapat magkapartner kami ni Sen!"
Nangingibabaw pa din bala ang matinis na nakakabasag bungo na sigaw ni Thea.
"Kung sino yung sinabi ko, yun yung kasama niyo." madiing sagot naman ng teacher dito. "And if you notice na hindi ko tinawag si Geo it's because nagka emergency daw siya." dagdag nito na ikinalingon nilang lahat sa upuan ni Geo.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ng iba pero karamihan naman ay parang wala lang.
"Sa labas niyo iyan gagawin with your partner, bawal ang gumawa ng kung ano-ano, focus on the activity. Papayagan ko kayong sa labas yan gawin para mas maisip niyo ang mga dapat gawin sa ibinigay ko, just find a good spot hindi malayo sa building niyo. I'll give you 2hours, bumalik kayo pagkatapos to represent your activity, at bawal pumunta or mangialam sa ibang grupo." mahabang paliwanag nito.
Mabilis na lumipad ang tingin ni Thea sa akin kaya dinilaan ko siya dahilan para mas lalo siyang mainis. Mwheheh. Nalipat ang tingin ko kay Sen na nakatingin sa gawi ko, lumukot at ngumuso ako sa kanya para malaman niyang ayaw ko siyang maging kapartner.
"Kung mag iinarte kayo, better to leave my class and accept your grades." hirit pa ng teacher namin.
Nagsipuntahan na yung ibang mga boys sa kapartner nila. Wala naman akong naririnig na reklamo nila pero mukhang natetense ang mga mukha nila.
"Oh God! Sen baby...." inarte ni Thea habang nakahawak sa braso ni Sen. Napangiwi ako ng may ibinulong si Sen kay Thea na bigla nitong ikinangisi. Parang baliw!
"You'll be okay Namarih?" napalingon ako kay Mark.
"Paano kong may gawin siya sakin?" nakanguso kong tanong sa kanya. "T-tsaka hindi ko alam kong paano yun gawin! P-paano kapag hindi siya umayos?!"
"I trust your ability Namarih," saad niya at tumayo. Tinapik niya pa ang balikat ko. "Ayaw mo ba talagang hiramin ang polo ko?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi na, okay na ako." nguso ko pa ding sagot.
Nakayuko ako habang nakanguso, gusto kong magdabog kasi ayaw ko na hindi siya yung kapartner ko. Ayaw ko na makasama yung si Sen kasi ang bantot niya! Hehe.
"Nguso ka ng nguso." napataas ang tingin ko.
"Eh sa ayaw ko sa kanya eh!"
"Ayaw ko din naman sa kapartner ko ah, pero wala tayong grades pag mag iinarte tayo." saad niya.
"Sino bang kapartner mo?" Tanong ko.
Matagal siya bago nakasagot. "Si Duke.."
Napatakip ako sa bibig ko. "Hala! Baka saktan ka na naman niya!"
Diba si Duke yung nananakit kay Mark kasi hindi umalis si Sen dito sa Section nila, kaya inassign ni Sen na si Duke ang magpaparusa kay Mark araw araw dahil sa pagstay nito sa Section nila. Pero hindi ko lang alam kong totoo bang araw araw ang pagparusa ni Duke kay Mark kasi parang wala naman siyang pasa or kahit ano sa katawan niya. Pero noong una ko siyang makasama maglakad pagkatapos siyang suntukin ni Duke dahil sa grades niya ay napansin kong iika-ika siya medyo maglakad.
Siguro pinalo siya ni Duke 'nun.
"It's okay, i learn how to fight now." Nakangiting sagot niya.
"Wag kang mag-alala kapag sinaktan ka niya tawagin mo lang ako ah!" agad ko siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
Last Section Innocent Demon
Random𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on sa sinabi ni Dean...