"Namarih, fixed my hair for me."
Agad akong lumingon.
"Huh?"
"Bingi kaba?"
Kaagad akong umiling sa kanya, nakasandal siya sa hamba ng kusina namin habang nakataas kilay na nakatingin saakin. Napakamot ako sa ulo ko.
"A-ah eh malaki kana! Kaya mo na yan tsaka may ginagawa ako!" aligaga kong sagot sa kanya tsaka isa isang tinuro ang mga gagamitin ko sa pagluluto.
Hindi ba siya marunong mag ayos ng buhok niya? Pinasuot ko na nga siya ng damit ng tatay ko eh hmp sana pala hindi ko nalang siya pinahiram para wala siyang maisuot, mwehehe. Ang cute niya siguro maglakad lakad dito sa bahay ng walang suot kahit isa. Uwu!
"I hate fixing my hair when it's wet."
Iritadong sagot naman nito.Huh? Paano pala pag naliligo siya? Omj! Don't tell me hindi siya naliligo!
Ay, ang dugyot mo naman par."Eh?..."
"Tsk, im using blower."
Bigla kong naipitik ang kamay ko sa hangin. "Yun naman pala eh! May blower ako sa kwarto wait lang!" Mabilis akong dumaan sa gilid niya para pumunta sa kwarto pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko dahilan para mahinto ako sa gilid niya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak saaken, ang lamig nun.
"I don't used someone's blower, baka may bacteria."
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Hoy! Walang bacteria yung blower ko no!" mabilis kong winaksi ang kamay ko tsaka pumunta sa harap niya at namewang.
"Still...i don't wanna use it."
Malalim akong napabuntong hininga bago siya tiningnan ng masama.
"Eh kung ayaw mo ng blower ko edi wag kamay ko ang ipang palit mo tsaka wag ka mag inarte ah nasa pamamahay kita." madiin kong saad sa harapan niya, pakiramdam ko sumisermon ako sa anak ko dahil bored niya lang akong tiningnan at nag crossed arm pa talaga siya akala mo naman sukong-suko na siya sa sanlibutan.
Tinuro ko ang katawan niya kaagad naman siyang napasunod doon. "At tsaka pasalamat ka nga pinasuot kita ng damit ng tatay ko eh...at tsaka wag kang rereklamo kung panget ang luto ko mamaya!"
"Stop whining. Don't worry ibabalik ko yung damit ng tat—"
"Aba dapat lang! Mahal yan noh tingnan mo yung tatak ukay-ukay.." saad ko bago tinuro ang damit ni Daddy.
"What the fuck?" hindi makapaniwalang sagot niya.
"Oh bakit, kung ayaw mo edi hubadin mo."
Parang amuse niya naman akong tiningnan. "Are you serious?" tanong nito kalaunan.
Napapikit ako. "Alam mo Sen na makasalanan kahit maglakad ka pa dyan ng walang saplot wala akong pakealam kasi alam ko namang kabody mo si SpongeBob." Kalmado kong sagot.
"How can you say that? Baka maglaway ka pag nakita mo akong nakahubad." pinatong niya ang tuwalya sa balikat niya bago tumayo ng tuwid sa harapan ko.
Bigla naman akong napaayos din ng tayo.
"You want to see it...my body?"
Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya.
"Yuck! Sayo na yang SpongeBob mong katawan! Hmp." kaagad ko siyang inirapan bago tumalikod para bumalik nalang sa ginagawa ko. Bahala siya dyan, dapat kasi umuwi na siya eh o di kaya magpasundo siya dito total mayaman naman sila diba? Hayst.
BINABASA MO ANG
Last Section Innocent Demon
De Todo𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on sa sinabi ni Dean...