Natapos ang klase namin sa umaga at nagbell na din hudyat ng breaktime, naandito kami ngayon ni Mark sa garden niya pagbell kasi kanina ay mabilis pa sa alas kwatro niya akong hinila palabas at dumiretso dito sa garden narinig pa namin kanina na parang tinawag kami ng ibang kaklase namin kaya mas binilisan namin ang paglalakad.
Kanina buong klase akong nakasandal kay Mark dahil hindi na ako makarelate sa mga tinatopic ng mga teacher namin, iniisip ko yung nangyari kanina, naiisip ko kong ano yung iguguhit ko sa competition tsaka iniisip ko kong paano ako makababawi sa kanya. Hindi siya dumating kanina matapos ng nangyari, hindi din naman siya hinanap ng mga teacher tsaka ng ibang mga kaklase niya maliban nalang kay Thea na nagdadabog dabog pinapakalma nalang siya ng iba. Akala mo naman talaga prinsesa eh.
"Here, eat this." nakaupo kami ngayon sa bench dito sa garden niya, nagtaka din ako kanina ng di na kami bumili ng pagkain, wala pa naman akong baon.
"Ikaw nagluto nito?" pagtutukoy ko sa lunch box na binigay niya saakin, may laman yung adobo tsaka kanin.
"Yeah, kainin mo na yan." saad niya at sumubo ng pagkain na nasa lunch box niya, dalawa kasi yung dala niya eh yung isa daw akin.
Napangiti ako pero magmumukha sigurong peke yun, bakit ba kasi kanina pa ako malungkot. "Salamat dito ah!" sinubukan kong pasiglain ang boses ko at siguro nagawa ko naman.
Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain, ganun din ang ginawa ko pero naglanding ang mata ko sa bulsa ng bag ko. Y-yung sulat!
"Is there something wrong?" tanong ni Mark saakin dahil napahinto na pala ako sa pagkain at nanatiling nakatitig sa bag ko.
Mabilis akong umiling sa kanya. "Hehe wala naman, may naalala lang ako." sagot ko sa kanya, bahagyang tumaas ang kilay niya at nagsalita.
"Sabihin mo sakin lahat after we eat. Final." maawtoridad na saad niya, wala akong nagawa kundi ang tumango at nagpatuloy sa pagkain.
Nakalimutan ko na ang tungkol sa sulat ni binigay nung babaeng nakagreen ang buhok saakin noong bago ako makulong sa rooftop, kung hindi ako nagkakamali Clarence yung pangalan niya. Hindi ko din alam kong nasa akin pa ba yung sulat, siguro akong nabasa na yun ng ulan.
Napabuntong hininga ako ng mahina, hahanapin ko nalang si Clarence the green hair o di kaya hayaan ko nalang wala naman akong pakealam dun sa sulat "it's nice meeting you again" lang naman ata ang nakasulat doon. Edi nice to see you again too!
Natapos kaming kumain ni Mark at naligpit niya na din ang mga pinagkainan namin kahit lunch box lang naman yun, nabusog ako dahil masarap yung adobong luto ni Mark, ang sarap niya sigurong maging asawa siguradong busog tsaka tataba yung magiging asawa niya dahil magaling siyang magluto.
Nilalaro ng paa ko ang damo ng tapikin ni Mark ang paa ko gamit ang paa niya.
"Sinisira mo sila." Siya.
"Eh damo lang naman sila ah!"
Ngayon naman ay pinitik niya ang noo ko kaya mabilis akong napahawak doon at napanguso. "Grass have their own life too, remember grass is belong to those living things." saad niya saakin na para bang isang bayani ng kalikasan.
Sus, at least di ko sila grinass-cutter!
Tinaas ko nalang ang paa ko sa bench at nag indian set habang siya naman ay maayos na nakaupo habang nakalaylay ang mga paa sa damuhan.
"Now tell me everything from the start."
"From the bottom of my heart." pabirong dugtong ko pero hindi yun umubra sa kanya dahil sinamaan niya ako ng tingin.
Sumimangot ako at tumingin sa kanya na nasa akin din ang tingin.
"Ang gwapo mo Mark." naisambit ko."I know, don't try to changed the topic, Namarih." tinaasan niya na naman ako ng kilay kaya napayuko ako at nilaro-laro ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Last Section Innocent Demon
Random𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on sa sinabi ni Dean...