CHAPTER 32

863 46 5
                                    

Kusang bumalik na naman ang kamay ko sa buhok niya at hinaplos haplos yun, ang soft talaga! Kahiya naman sa buhok ko na halos hindi ko na gamitan ng shampoo.

"Sinong inaantay mo?"

Nagmulat siya ng mga mata niya at tumingin saakin. "You don't need to know, silly." eh? nagtatanong lang naman ako eh.

Nabalutan ng katahimikan ang nagdaang mga minuto at ang tanging mga huni lang ng ibon na dumadapo sa mga sanga ng kahoy ang naririnig namin pero maya maya lang ay binasag yun ng pagtunog ng bell.

"Mark.." mahinang niyugyog ko siya sa balikat niya dahil parang nakaidlip ata siya.

"Hmn?" kinusot kusot niya pa ang mata niya bago dahan-dahang tumayo. Napahinga naman ako ng maayos dahil sa umalis na siya sa kandungan ko pero...maayos naman ang paghinga ko kanina diba? Hindi naman ako nahihirapan! Napangiwi ako at mahinang umiling.

"Nagbell na.." pagpapaalala ko sa kanya.

"Yeah, get up and fix yourself." kinuha niya ang bag niya at sinukbit yun, tumayo na din ako at akmang kukunin ko na ang bag ko pero bago ko pa man yun mahawakan ay nakuha niya na ang bag ko at binitbit.

"Yung bag ko mark?" takang tanong ko habang nakaturo sa bag kong bitbit ng maugat niyang kamay.

Ngayon ko lang din napansin na Ang ganda ng kamay ni Mark, maugat tapos maputi ang hahaba pa ng mga daliri niya at tama lang ang laki, may tatlong singsing din siya na nakasuot sa kanang kamay niya. Ang ganda nun tingnan!

"I'll carry it. Let's go." nauna na siyang maglakad kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hanggang sa makalabas kami ng garden at nakaabot na kami sa hallway. Maraming mga estudyante ang naglalakad at nagmamadali dahil afternoon class na. Meron ding iba na nakatambay lang sa gilid at napapatingin saamin.

Yumuko ako dahil pakiramdam ko ako ang sinusundan nila ng tingin lalo na nung mga babaeng nakakasalubong namin at ang tingin nila parang galit sila saakin or ano, nakataas ang mga makakapal nilang kilay eh, Medyo lumayo ang agwat ko kay Mark na diretso lang na naglalakad, nang malampasan namin ang mga babae ay inangat ko ang tingin ko at saktong nakita ko sa unahan ang mga lalaking nakahikaw na nakaupo sa hagdan papuntang science room, madadaanan namin sila at saamin sila nakatingin hindi pala saakin lang! Napalunok ako, huhu, mukha silang gangster. Nakaramdam ako ng kaba kaya mabilis na sana akong didikit sa likod ni Mark pero bigla siyang huminto at nilingon ako.

"Namarih." matigas niyang saad.

"B-bakit?" malapit na kami sa mga lalaking yun na nakatingin pa din saakin, alam ko namang maganda ako eh pero ayaw ko sa mga tingin nila para silang mga gangster na panget!

"Come here." inabot niya ang kamay ko pero dahil malayo ako medyo sa kanya ay naiwan lang yun sa ire. Nang makita niyang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay muli niya akong tinawag. "Namarih..." at doon ako mabilis na tumakbo sa kanya at agad na inabot ang kamay niya hindi pa ako nakontento at sumiksik pa ako sa gilid niya. Nagsimula na naman kaming maglakad hanggang sa malampasan namin ang mga lalaking yun, nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko haharangan nila kami at gugulpihin.

"Your nervous because of them?" narinig kong usal ni Mark di kalaunang, siguro tinutukoy niya yung mga lalaki kanina.

Tumango ako, "Natatakot ako sa kanila, pakiramdam ko gugulpihin nila tayo eh." pagsusumbong ko.

Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya dahil nakatingin ako sa kanya. "They can't do that thing kahit na gusto nila." siya.

"Bakit?"

"Tauhan sila ni Duke, they won't hurt you cause I'm here." umalis na ako sa pagkakasiksik ng todo sa kanya. "May grupo din ba si duke? At tsaka bakit nila ako h-hindi masasaktan kapag naandyan ka?" takang tanong ko.

Last Section Innocent DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon