"Are you in good terms with him?"
Napailing agad ako sa tanong ni Marknell. "Hindi ah, hindi ko na siya bati. Pero alam mo ilang beses ko na siyang makasabay sa tricycle!" magiliw na saad ko habang naglalakad.
Kinawayan kami ni guard ng makita niya kaming papasok sa school kaya agad ko din naman siyang kinawayan.
"Really?" si Mark habang diretsong nakatingin lang sa unahan.
Ano kayang problema nito at parang pasan-pasan niya yung buong kalupaan at kalangitan. Sinilip ko ang mukha niya pero agad din akong napabusangot ng tiningnan niya din ako at tinaasan ng kilay.
"Sabi ko miss kita kanina eh di moko nisagot...." Mahinang saad ko bago ngumuso.
"What?" narinig kong saad niya.
Iniirapan ko na ang ibang mga nakakasalubong kong estudyante dahil pakiramdam ko na badtrip ako, kaya ayan tuloy dobleng irap ang nakukuha ko sa mga mata nilay may make up. Kung kay sen nalang kaya ako sasama total parang mabait na naman siya pero hindi pwede dahil ayaw yun ng mga kampon niya at baka ayaw niya din.
"Wala akong sinabi ah!" sagot ko sa kanya at nagcrossed-arm bago tumuloy sa paglalakad.
Nakabusangot ako ng bigla akong pinitik ni Mark sa pisnge. "Nakakasakit kana ah nakakasakit kana!" sigaw ko sa kanya tsaka ko pinadyak ng isang beses ang kaliwang paa ko dahilan para lumingon sakin ang mga dumadaan.
"Tumahimik ka ang ingay mo."
"Eh bat mo ako pinitik sa pisnge??"
"Wag kang palaging ngumuso nagmumukha kang pato." Saad niya na ikinalaki ng mata ko.
Huminto ako sa paglalakad kaya ganun din ang ginawa niya. Namewang ako bago nagsalita. "Nakabusangot ako at hindi ako nakanguso!"
"Lower your voice. Palagi ka ba talagang maingay?" nakataas kilay na saad niya.
"Hmp!" Inirapan ko siya at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
Bahala siya dyan. Di niya naman ako namiss eh ako nga miss ko siya eh. 'Partner in crime' ko pa naman siya tapos di niya man lang ako namiss.
Nakabusangot pa din ako habang naglalakad ng bigla kong maramdaman ang mabigat niyang kamay sa balikat ko.
"Oh bat mo ako niaakbayan? Close tayo close tayo??" saad ko habang nakatingala sa kanya.
"HAHAHA, bat ba ang suplada mo ngayon?" tumatawang saad niya.
Napansin kong may ibang mga estudyanteng babae ang nagpapacute or naglalagay ng buhok sa taenga nila sa tuwing nadadaanan nila si Mark, noon ko pa din to napapansin eh naging silent lang ako. Hihi.
Tinulak ko siya gamit ang siko ko pero hindi man lang siya umaalis sa pagkakaakbay saakin.
"Alis! Mabigat kamay mo!" sita ko sa kanya.
"Di ko lang sinabing miss kita nagkakaganyan kana? Bakit, sino ba yung hindi nagtext pabalik at sumagot ng mga tawag ko?" parang nagpaparinig na sabi niya.
"Eh sa hindi ako nakagamit ng selpon ko kasi natulog lang ako eh!"
"So hindi ka nagigising ganun, ang panget mo namang sleeping beauty."
Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Pakealam mo ba?!"
Mahina lang siyang tumawa bago niya ginulo ang buhok ko gamit ang isang kamay niya. Pagkatapos nun ay naramdaman kong bahagya siyang yumuko banda sa tenga ko.
"I miss you too." mahinang bulong niya.
Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya, sumalubong saakin ang nakangiti niyang mata at bibig. "Talaga?"
BINABASA MO ANG
Last Section Innocent Demon
De Todo𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on sa sinabi ni Dean...