CHAPTER 4

1.2K 40 4
                                    


Dumating ang lunch break at gutom na gutom na ako, gutom na gutom na ako kasi halos hindi man lang ako makagalaw sa upuan ko para kunin ang pagkain ko na biscuit. Ansasama kasi nila tumingin, galit ata sila kasi nisumbong ko yung si Mr. Guevarro alangan naman yung sarili ko isumbong ko eh hindi naman ako yung may gawa nun.

Sayang yung loptop ni Sir, napanghalumbaba muna ako sa upuan ko tsaka sila tiningnan, mamaya na ako lalabas papuntang cafeteria kapag ka nakaalis na silang lahat, kasalukuyan silang nag aayos ng gamit nila ganun din si Thea na tinutulungan nung mga boys.

"Bilisan niyo may pag-uusapan pa tayo." Rinig kong saad nung naka blue ang buhok. Napakamot ako sa ulo ko madaya naman at hindi ko pa sila kilala si Thea, Mr.Dejas na kung makahalakhak ay wagas at yung Mr.Guevarro palang.

"Pwede ba akong sumama nalang sa inyo hehehe," biglang saad ko na ikinatawa nilang lahat.

Baka kasi mabait pala sila at joke joke lang yung kanina kahit naman masakit pa likod ko eh.

"Ikaw—" sabay turo sakin nung nakablue yung buhok na naman. Tumango ako. "Oo, hehe pwede ba?" Napatingin ako doon kay Mr.Dejas na nakangiting nakatingin sakin habang nakasukbit yung bag niya sa isang balikat niya.

"Pwede! Pwede! Pwede!?" Napatayo ko ng tanong pero sa ngayon ay doon ako naka harap kay Mr.Dejas.

"No!" Biglang sigaw ni Thea. Hindi ko sya pinansin at tumingin doon kay Mr.Dejas sa kanila kasi sya yung hindi masama yung tingin sakin eh.

Tumaas naman ang kilay niya. "Sa akin ka nagpapa alam Miss. Namarih?" Mabilis naman akong tumango sa tanong niya.

"Oo kasi mukhang nice ka naman kesa sa kanila eh." sabay turo sa mga kasama niya na obviously ay masama ang tingin sakin.

Mahina siyang tumawa. "Sen, isasama ko sakin to HAHAHA," sabay tingin niya dun sa lalaking tumawag sakin ng p*ste.

"Hala! Ikaw si Sin!" Malakas na sabi ko na ikinatakip nilang tenga lahat.

"D*mn so loud I'm not Sin I'm Sen!" Malakas pero madiing sabi niya sakin.

"Ahh S-sen akala ko Sin eh mukha ka kasing kasalanan hehe," mas lalong sumama ang tingin niya, nilang lahat sakin lalo na si Thea pero ngumiti lang ako.

"Sasama ako!" Masayang sabi ko ulit doon kay Mr.Dejas na tumingin lang ulit kay Sen.

Sen! Mas bagay yung Sin hehe mukhang siya yung susunod na kasalanan ko ah.

Napakunot noo naman ako sa naisip ko, bakit ko naman siya magiging susunod na kasalanan?

"No, you stay here, kami na ang kukuha ng lunch mo," seryusong sabi ni Sen sakin na ikinalaki ng mata ko.

"But Sen....." angal ni thea pero pinatahimik lang siya ni Sen. Hehe peace offering niya siguro sakin yun.

Hindi naman umimik ang iba pero sa ngayon ay nakangisi sila parang tuwa-tuwa sila sa sinabi nung Sen. Kukunan niya lang naman ako lunch.

"Talaga! Sige, sige gutom na kasi ako eh," masayang sabi ko napatingin naman ako ulit doon kay Mr.Dejas na seryuso na ngayon ang mukha pero may ngiti pa din sa labi niya.

Bahagya akong ngumiti at sumeryuso, Hala hala bat parang nagmukha akong manyakis.

"Wtf are you doing?" Nakakunot noong tanong sakin nung palaging epal na walang iba kundi si blonde ang buhok.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay Sen ulit.

"Salamat ah, Dalawang sandwich, sprite, spaghetti, salad tsaka rice lang tapos adobo na din, gutom kasi ako eh," masayang sabi ko.

Last Section Innocent DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon