CHAPTER 3

3.4K 151 3
                                    

Hartley's point of view:

"Mga baby ko~ wake up. Nandito na tayo. " ginising ko na ang mga tatlo na nakatulog pareho sa byahe.



Matapos ang halos apat na oras ng byahe nakarating na rin kami sa wakas sa Maynila. Ito ang unang beses na nakarating ako rito sa Manila pero pakiramdam ko galing na ako rito. Siguro dahil hindi ko lang maalala?



Buhat buhat ko si Haizley dahil tulog parin ito. Nagising na siya kanina kaso nakipagkulitan agad sa mga kapatid kaya napagod, ayan tulog na naman.



Dumiretso kami sa hintayan o paradahan ng jeep at naghintay ng masasakyan. Nang may huminto nang jeep na sasakyan namin ay sumakay kami agad. Naexcite na naman itong dalawang batang kasama ko pag sakay namin. Maswerte nga kami dahil malaki pa ang espasyo sa loob.



"Woah." manghang mangha na sambit ni Haizen habang nakadungaw sa bintana at pinapanood ang matataas na gusaling nadadaanan namin. Nakadungaw rin sa tabi niya si Haizer na tahimik pero halata sa mga mata ang tuwa din nito. Napangiti ako sa kakyutan ng mga anak ko. Haysss



*click!

*click!



"Mama? "



"Hehe wag niyo akong pansinin. "ayaw ko lang sayangin ang pagkakataon. Kyaa! Ang cute nila!



Nakuha nila ang mga mata ng ama nila. Yun ang sa tingin ko dahil medyo itim ang mata ko eh yung sa kanila kulay amber, may lahi kaya itong mga anak ko? Yun din kasi ang sabi ng matatanda sa aming probinsya sa tuwing nakikita kaming magkakasamang apat sa labas ng bahay. Mas kamukha daw ako ni Haizley kesa sa dalawang boys, kaso yung mga mata niya hindi rin niya sa akin namana.



Naisip ko na siguro sobrang gwapo ng ama nila dahil ang ga-gwapo ng mga anak ko. Ang puti pa. Tapos cute hihi



Artista kaya yun? Mayaman kaya? O may kaya? Wala naman sakin kahit mahirap yung taong yun basta may trabaho at walang utang sa iba.



"Nasan po tayo, mama? " gising na si baby Haizley ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.



"Papunta na tayo sa bagong bahay natin baby. Tulog ka lang kung inaantok ka. Kakargahin ka nalang ni mama. " sabi ko rito na hinawakan ang kaniyang noo at inihilig sa aking dibdib.

The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon