CHAPTER 17

865 36 9
                                    

Hartley's point of view:


"That's it!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw nung costumer na nasa likod ko lang na table nakapwesto. Mabuti nga lang at nailapag ko na yung order ng costumer na nasa harap ko ngayon bago ako magulat. Naku at baka magkaroon pa ako ng problema pag nag kataon. 


Pabalik na ako sa kusina nang may makatabig sa akin. Eto yung lalaking sumigaw bigla kanina. "Oops. Sorry, miss Hartley." paumanhin nito bago nagmamadaling umalis ng shop.


Hm. Okay forgiven. Nag sorry siya eh kaya sige okay lang. Mukhang hindi naman niya sinasa-


....teka


Just now... did he just... say my name? 


Lumabas ako agad at hinanap siya pero hindi ko na ito mahagilap kaya sigurado ay naka alis na ito ng tuluyan. Bakit parang napapadalas ata ngayon ang may nae-encounter akong kilala ako pero hindi ko sila matandaan? Hindi kaya.... malapit na ako??



Sa palagay ko ang mga taong iyon ay may koneksyon sa nakaraan ko. Sila siguro yung mga tao sa buhay ko na kasamang nabura sa mga alaala ko. Marahil talagang malapit na ako sa sagot para mahanap ang papa nila Haizer?!


"Okay!" ginaganahan na ako ngayon. Kahit papaano ay nakakaramdam na ako ngayon muli ng pag asa.


Hinding hindi ako susuko.


"Mama!" 


eh? Haizer?


Lumingon lingon ako sa buong shop para hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nahanap ko naman sila agad. Ang mga baby ko!

-

Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay. Inihatid kami kanina ng boyfriend ni Klea na si Richard hanggang sa 7/11 na malapit lang sa bahay namin dahil bumili pa kami ng pagkain. Napagdesisyonan nalang namin ang maglakad para makauwi na si Richard.


Hindi pa nga ito sang ayon kanina at sinabing hihintayin niya pa si Klea para ihatid pauwi. E kaso etong si Klea nagdesisyong mag overnight sa amin nang sabihin ko kanina na may ikukwento ako sa kaniya bukas.


"Ay hindi beh. Hindi na ako patutulugin sa sinabi mo. Kaya ngayon ko na yan pakikinggan. Umuwi ka na love. Ingat sa byahe. I love you." wala nang nagawa pa si Richard at umuwi na.


"So? Anong plano mo? Gumala dito sa buong Manila para mahanap yang asawa mo?" tanong ni Klea. 


"HIndi syempre. "

"Ahh. Akala ko naman.."


"Maybe, gagala para may makahanap o makakilala sa akin?" sinamaan naman niya ako ng tingin. Eto talagang babaitang ito bigla bigla nalang sumeseryoso pag hindi gusto yung isinasagot sa kaniya. "Bakit?"

The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon