CHAPTER 22

553 23 4
                                    

Hartley's Point Of View:


Nagising ako sa mga bungisngis na naririnig ko sa tapat ng aking mukha. Nang imulat ko ang mga mata ko, sila Haizley agad ang bumungad sa harap ko.


I smiled. Aba, nauna pa silang nagising sa akin ngayon.


Hinalikan nila akong tatlo sa pisngi, "Good morning, mama!"


"Mama, baon po namin?"Haizen


"Hm? Baon?" teka anong araw n- sht!


Napabalikwas ako ng bangon nang maalala kong may pasok nga pala sila ngayon! Hala, anong oras na? Nilingon ko ang orasan.


"Naku! Malapit na ang flag ceremony niyo. Dali, ligo na mga baby!"


"No worries, Mama!" Haizen


"Nakaligo na po kami, hihihi." Haizley


"Pero breakfast po, Mama." Haizer


Tsaka ko lang naman napansin na naka suot na silang tatlo ng uniform, pati bag nila ay nasa likod na nila. Sigh. Buti na lang at nakaligo na sila.


"Ilapag niyo muna yang mga bag niyo." Mabilis akong tumakbo sa kusina para magluto ng agahan.


Nagprito ako ng hotdogs at isiniksik ito sa tinapay para almusal nila, gumawa na rin ako ng para ibaon nila at kainin sa recess. Wala nang oras para magluto pa ng kanin.


"Thank you, Mama!"


"Sige na, kain na kayo para maihatid ko na kayo."


Hayyy, late na naman akong nagising.


Lumapit ako sa pinto ng aking kwarto para silipin si mr. Zach. Wala pa siyang malay, mukhang mahimbing ang tulog dahil sa matinding pagod.


Bumalik ako sa sala para makisalo sa tatlo sa pagkain.


"Ma, bakit po kayo natulog sa sala?" Haizer


"Oo nga po, may kwarto naman po kayo." Haizley


"Sana po sa room na lang namin kayo natulog, Mama." Haizen


Ang totoo niyang plano ko naman talagang sa kwarto nalang nila matulog kagabi, kaso sa sala na ako nakaidlip habang inililigpit ang mga ginamit kong pang gamot kay mr. Zach. Sana okay na siya.


"Finish!"


"O siya, lets go!" sambit ko na binuhat ang mga bag nila.


Bago ako lumabas ng bahay nag iwan muna ako ng notes kung sakaling magising siya ng hindi pa ako nakakabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon