CHAPTER 16

989 38 5
                                    

"What?"


I don't know what this guy wants and i don't want to know it otherwise. Especially if it doesn't concern our work papatayin ko talaga agad ang tawag.


I heard him chuckles, "I just want to hear your vo-"


I turn my phone off.


Back to work!


Kung nagtataka man kayo kung anong trabaho ang ibinigay sakin kaya ako narito iyon ay pag tingin sa kalagayan ni Hartley. Yung kilala ko kasi na dapat siyang nandito e masyadong torpe.


~FLASHBACK~

"What? Bakit hindi ikaw ang pumunta? Sakto hindi naman tambak ang schedule mo ngayong araw."

"I... can't"

~END OF FLASHBACK~


Right.


He's a coward when it comes to his love. Can't believe that the arrogant, ruthless, strict and scary boss I know, e taob pagdating sa babaeng mahal niya. Napairap na lamang ako.


Paano pa kaya kung natuloy yung appointment meeting niya na dito pa niya napiling ganapin? Napairap ako sa ere. Sigurado hindi yun makakapag concentrate sa trabaho, lalo na kapag makita niya bawat minuto si miss Hartley.


I sighed. Anyways, the meeting was cancelled. Ini reschedule ito next week sa isang restaurant, sila na kasi ang pinapili ni chief ng lugar for their meeting.


Lumabas na ako ng banyo at bumalik sa table ko. My phone vibrates, again. Sinagot ko ito agad.


"What now?"


"Masyado ka namang matampuhin. Paalala ko daw sayo na mag report ka every 10 minutes. Bat di ka na daw nag uupdate tanong niya." Umirap na naman ako.


"Nag banyo lang ako. Tsaka..." tiningnan ko ang relo ko. "34 seconds lang akong di nakapag reply? Come on. Madalang nga lang siya lumabas para magserve. Madalas siyang sa kusina nagtratrabaho."


"Hm. Okay. Narinig na niya."


"Good."


"Well, 156 minutes ka na ring di nagrereply sakin. Di mo ba ako mi-"


Pinatay ko na ang tawag.


Nilingon ko ang counter at nakita muli ang pag labas ni miss Hartley. Hindi ko parin mapigilan ang mamangha sa sipag at tyaga niya. Kahit gaano pa siya kapagod ay hindi niya inaalis ang matamis na ngiti sa kaniyang labi sa tuwing humaharap siya sa mga tao. She really is amazing!


Compared to the miss Hartley we used to know 7 years before. Hindi siya gaano nagtratrabaho dahil sa mahina at madali siyang mapagod. Malaki ang kaniyang pag babago ngayon. Pero ang pagiging mabait ang mahinhin niya ay naroon parin.


Wala paring maisip ang lahat kung bakit siya nawala ng matagal. Hindi talaga namin malalaman hanggat hindi siya mismo ang tatanungin namin. Pero dahil pati siya ay hindi na makaalala imposible na naming malaman pa ang dahilan. Hindi nga rin kami maalala kaya mahihirapan din kami na kausapin siya.


Lalo ngayon na may mga taong nasa tabi niya.


Kanina ko pa napapansin yung isang lalakeng katrabaho niya, he's been looking at her and staring at her whenever he has the chance kahit pa nasa trabaho ito. I guess, it's a good thing na ako ang nandito at hindi si Zach. Baka hindi ito makakapag focus sa trabaho dahil talagang tatadtarin siya ni Zach sa mga ibabato niyang sama ng tingin dito. Iniisip ko palang ay hindi ko na maiwasan ang mapailing.


Nevertheless, everyone around her was kind. They approach her nicely and I think like her too. That's good to her. Makakahinga ako ng maluwag.


Well, I'm still worried dun sa isa. Parang hindi maganda na nasa paligid siya ni Hartley. Hindi sa masamang tao ito, i can see naman na mabuting tao at walang masamang intensyon ang nararamdaman niya kay Hartley. How do I know? I shrugged.


Instinct?


Well, if he's a bad guy and will harm miss Hartley then I could just hunt him down with the boys without thinking twice.


Thats how important miss Hartley to us.


Everyone adores her and respect her. Siya ang palaging nakakapag bati sa aming magkakaibigan kapag nag aaway away kaming lahat. She's good at words. Alam niya ang sasabihin mapa advice man o sermon. Kumbaga parang siya ang ate naming lahat. Dahil mas matanda siya sa amin ng tatlong taon.


Nakilala namin siya nung ipakilala siya bilang girlfriend ni Zach, we we're second year college that time and she was already in 4th year. Nung una ay hindi namin siya pinapansin dahil akala namin hindi seryoso sa kaniya si Zach. Because we know Zach, and he was never serious in his every relationship he had since highschool. And then one time, nag aya siya bigla ng inuman. Akala namin pupunta kami ng bar or club, but no. Sa bahay niya kami pinapunta at doon uminom. He was ranting! Nagtampo kuno sakaniya si miss Hartley dahil nagselos ito nang makitang may yumakap sa kaniya na babae. Hindi na daw siya nirereplyan kaya ayon nag aya ng inuman.


Alam naman namin na dadating ang panahon na makakahanap siya ng katapat niya but we never expect na si miss Hartley na pala yun!


Hm?


....wait.


I suddenly slammed the table without thinking, "That's it!"

The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon