CHAPTER 11

2.2K 100 0
                                    

"Goodbye ms Hartley! Bye sir Darwin! Bye sir Richard! "


Kumaway naman silang tatlo sa mga kasama. Napakabait ng mga empleyado rito at manager kaya hindi masyadong nahirapan magtrabaho si Hartley nang nagsisimula pa lamang sya.


Hindi nagkakalayuan ng edad ang tatlong sina Darwin, Richard at Hartley. Kaya naman parang magbabarkada ang turingan nila sa isa't isa pag katapos ng trabaho.


"Oh pano. Una na ako. May date pa kasi kami ni babyloves ko. Babye! "


Mayabang na paalam din ni Richard na papasok ng sariling kotse paalis. Inirapan lang siya ni Darwin. Palagi kasi nitong ipinagyayabang ang pagkakaroon ng maganda na girlfriend. Tsaka inaasar na rin ang single niyang kaibigan. Si hartley naman ay kumaway pabalik sa kaniya.


"Bye sir Richard. Pakumusta nalang kay Klea." si Klea kasi ang girlfriend nito.


"Umalis ka na. " taboy naman sa kaniya ni Darwin.


"Inggit ka lang. Bleh!" tugon niya rito bago siya tuluyang makaalis.


"Hop in."


Binalingan naman agad muli ni Hartley si Darwin. At nang maalala na sasabay nga pala siya rito sa pag uwi ay tumango siya at sumunod sa kaniya. Medyo kinakabahan pa siya.


Dumating si Mark na siyang nagsara ng shop habang hinahagis hagis pataas pabalik sa kamay ang susi. "Let's go!" sabay hagis niya ng mga susi kay Darwin na madali lang niyang nasalo.


"Use your big bike, Mark. Ihahatid ko pauwi si Hartley."


"Ehh~" mag rereklamo pa sana siya pero muling nginitian ang kapatid nang may naisip. Gusto na naman mang asar. "Sige na nga~ Ayoko rin naman maging third wheel buong byahe e hahaha Ba-bye! "


Sinamaan naman ni Darwin ng tingin ang kapatid na nag peace sign na lamang habang paangkas ng kaniyang motor.


Pumasok na rin siya ng kotse at pina andar ang makina.


"Hindi ba sasabay si Mark? "


Tanong ni Hartley dahil akala niya kasama nila si Mark. Kadalasan kasing sumasabay sa pag uwi ang mag kapatid gamit ang iisang sasakyan.


Umiling siya, "No. Naka motor siyang uuwi. "


"Ah. "


Nilingon pa muna niya si Hartley.


At mayamaya ay lumapit sa kaniya para suotan siya ng seatbelt.


The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon