CHAPTER 15

595 25 0
                                    

"Hindi ko makita si papa."


"Ako din."


"What if mali tayo ng narinig yesterday?"


"Impossible. Chief yung sinabi niya. Eh diba yung CEO stands for Chief Execution Office? Siya yun!"


"Executive yun."


"Officer hindi Office."


Bulungan ng magkakapatid habang palinga linga ang tingin sa paligid.


"Eh kayo kids? What do you want to eat? May napili na ba kayo?"


Tanong ng kanilang ninang matapos sabihin sa waitress ang kaniyang napiling pagkain. Inilapag naman ng tatlo sa lamesa ang hawak na menu at tsaka ngumiti.


"Gusto po namin ng yema cake."


"Then, yema cake." Tiningnan niya ang tatlo.


Habang hinihintay ang kanilang order ay naisipan ni Klea na kausapin ang mga bata. Napansin kasi niya ang hindi mapakali nilang inaasta ngayon.


Iniisip din niya kung bakit dito nila napili ang pumunta. Alam ba nila? Kung oo, paano?


"How did you know this place?"


"Po?" Nagkatinginan silang magkakapatid at tila nag tuturuan kung sino ang sasagot.


"Dinala na ba kayo ng mommy niyo dito? " tanong niya.


At dahil walang maisagot ang tatlo ay tumango na lamang sila.


"Really? "


"Pero hindi po niya alam na nandito po tayo. Bakit po? Nandito rin po ba si mommy?"


"Pfft. Of course baby. Dito siya nagtratrabaho e. Kaya malamang nandito siya ."


"...."


Nag katinginan ang magkakapatid dahil


NGAYON LANG NILA NALAMAN!


Sabay at pareho naman ang biglang pumasok sa isip ng tatlo. MAGME MEET BA SILANG DALAWA??


"Here's your order," dumating ang hinhintay nilang pagkain.


"YEY! Yema cake!" excited na sigaw ni Hailey nakalimutan ang tunay nilang pakay rito.


Ganon din ang dalawa. Paborito kasi ng tatlo ang yema cake.


"Well, dig in."


Masayang pinapanood ng dalaga ang tatlo na kumakain. Sa isip niya sapat nang makita niyang nag eenjoy ang mga bata. Natuwa nga siya nang mag yaya silang kumain sa labas kasama siya at hindi ang kanilang babysitter.


Napahinto siya sa pag higop ng kaniyang inumin nang hawakan ni Haizer ang kaniyang manggas. Nakangiti niya itong binalingan. Ibinaba ng bahagya ang kaniyang mukha sa tapat ng bata upang marinig ang sasabihin nito.


"Yes, baby?"


"I need to pee."


"Oh my." akma sana siyang tatayo nang mahinang hinila ni Haizer ang hawak niyang manggas ng suot ni Klea.


"Wag na po ninang. Just tell me the way," sabi nito.


Nakalimutan kong indepentent na mga pala mga batang ire.


Itinuro naman niya kung saan, "Kita mo yung papasok dun, baby? Pagpunta mo dun may makikita kang two doors."


"Okay, ninang. I know na po. Thank you po." atsaka siya bumaba ng kaniyang upuan na inalalayan pa siya ni Klea.


"Sure, baby. Don't forget to wash your hands okay?"


"Yes po tita."


MATAPOS umihi ni Haizer ay nahirapan siyang maabot ang faucet para makapag hugas, hindi niya maabot ang pihitan upang maglabas ito ng tubig.


*pshhhh


Binuksan ito ng lalakeng nakapansin sa kaniya.


"Thank you po."


Pero walang imik ang lalake at tumango lamang. Matapos niya maghugas ay tinulungan ulit siya nitong isara ito. "Thank you po ulit."


Aalis na sana si Haizer nang may kunin ito sa kaniyang bulsa at inabot sa lalake.


"Hm? Is that for.. me? No, thank-" naputol ang sasabihin ng binata nang makita ang mukha ng bata. "You..." why is he kinda familiar?


Nilapitan na ito ni Haizer at inabot ang kamay niya para ibigay ang candy. "For you po kasi ang bait niyo po. Bye po"


At tuluyan nang lumabas ang bata.


"Wai-!" hahabulin pa sana niya para tanungin nang maramdaman naman niya sa kaniyang bulsa ang pag vibrate ng kaniyang cellphone.


utak kamote's calling


"Tsk."


Huminga siya ng malalim at napahilot sa kaniyang sintido. Abala siya sa trabaho ngayon dahil sa kaniyang amo. Ano naman kaya ang kailangan nitong taong kinabibwisitan niya sa kaniya?


"What?"


The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon