Ang Mapa ng Derthalia
Ang Mundo ng Derthalia ay isang mundo para sa mga di pangkaraniwang mga nilalang na kung saan ay naninirahan sila ng mapayapa at matahimik. Ang kabuoang naninirahan sa Derthalia ay kilala sa tawag na mga Derthalians.
Ang matahimik at mapayapang mundo ng Derthalia ay nagimbal nang mag hangad ng higit na kapangyarihan at territoryo ang pangatlong hari ng Gandalf. Ang unang Derthalian na may dugo ng Bampira at ng Salamangka.
Ang pangalawang hari ng Gandalf na si Reinoldofo Albuseiff Majicxiou ay napangasawa ang pangalawang anak ng unang hari ng mga bampira na si Feircy Lou Diabolus ng Diluculum Empire.
Isang herma kung tawagin si Fiercy Lou na nangangahulugang siya ay isang lalaking kayang mag dalang tao.
Ang mga herma ay biyaya ng Diyos ng Buwan na si Lunar bilang pagkilala sa pagmamahalan nila ng Diyos ng Araw na si Solano.
Kung kayat lahat ng herma ay may balat na hugis gasuklay na buwan sa kanilang likod bilang palatandaan.
Dahil sa mala porcelanang kutis gaya ng gatas at mahabang itim na buhok gaya ng gabi ang nagpadagdag sa kagandahang taglay ni Fiercy Lou na siyang bumihag sa puso ni Haring Reinoldofo.
Biniyayaan sila ng tatlong anak. Si Zandro bilang panganay na minana ang pinaghalong elemento ng dilim mula kay Reinaherma Fiercy Lou at elemento ng salamangka mula kay Haring Reinoldofo.
Sumunod naman si Lucien na minana ang elemento ng salamangka habang ang bunso na si Syndrel na isa ring herma ay minana ang elemento ng dilim.
Isang demith, isang salamgkero at isang bampira.
Bago sumakabilang-buhay si Haring Reinoldofo upang sundan ang pinakaminamahal niyang si Fiercy Lou ay ipinasa niya ang trono sa panganay na si Zandro.
Tiyak at isang katotohanan na si Zandro ang pinakamalakas na Derthalia sa panahon nila ang siyang nag udyok sa kaniya upang maimbemto ang itim na salamangka.
Ginamit ni Haring Zandro ang itim na salamangka upang maging mas makapangyarihan at hinangad ang buong Derthalia na lumuhod sa kaniya.
Kasakiman at kasamaan ang nagdulot kay Haring Zandro na sakupin ang ibang kaharian. Nagtagumpay si Zandro na masakop ang Lawin Domain na pinaninirahan ng mga Kerubin at ang Vonduco Verde na siyang pinaninirahan naman ng mga Elves.
Pinagsama ang mga Bampira ng Diluculum Empire, mga Lobo ng Winter Wolfsbania, mga Barbarian ng Barbarus, mga Atlantian ng Atlantus Gills at mga Dwarves ng Ceongrov kasama si Lucien at ang mga nakatakas na Elves at Kerubins ay nagsimula sila ng digamaan laban kay Haring Zandro.
Nang matalo si Haring Sandro ay napagpasiyahan ng mga Derthalians na ikulong ito sa Dark Isle at ginamit ang bawat medalyon ng labindalawang kaharian upang makabuo ng isang matibay na pananggalang na ang tanging makakawasak lamang nito ay ang labindalawang medalyon.
Upang hindi muling makalabas sa dark isle si Haring Zandro ay ginamitan ng encantasyon ang mga medalyon upang bigayang kalayaan na ikubli ang kanilang mga sarili sa mata ng mga Derthalians.
Matapos ang matagumpay na pagpapatalsik kay Haring Zandro minabuti ng Konseho ng Majica na ibigay ang trono kay Lucien. Bagamat nakapangasawa na si Lucien ng isang dukhang salamangkera na si Layla at biniyayaan ng isang anak na lalaki ay pinayuhan parin siya ng Konseho ng Majica na mag-asawang muli.
Sa kadahilanang nakasaad sa batas ng Gandalf na hindi maaring ibigay ang pinakamataas na posisyon sa isang timawa o Derthalian na nay dugong maharlika at dukha.
Mahirap man ngunit tinanggap parin ito ni Layla bilang pagsunod sa batas ng Salamangka.
Napangasawa niya ang isang herma na anak ng isang maharlikang miyebro ng Konseho na si Louise at biniyayaan ng isang anak na lalaki.
Si Jackson na anak ni Louise ang hinirang na panglimang Hari ng Gandalf habang ang anak ni Layla na si Karloz ay naging pinakamataas na General.
Magmula noon ay nagmumula sa angkan ni Jackson ang hinihirang na mga Hari habang sa angkan naman ni Karloz ibinibigay ang pinakamataas na General.
Habang si naman Syndrel ay napangasawa ang isang timawang Lobo na si Jin mula sa Winter Wolfsbania.
Tumutol ang mga Derthalians lalo na si Haring Viktor ng Diluculum Empire na pinsan ni Syndrel, Alphaking Leo ng Winter Wolfsbania na pinsan ni Jin at Haring Lucien na kapatid ni Syndrel sa kadahilanang baka maulit muli ang nangyari kay Haring Zandro ngunit ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.
At pinatunayan na ang kasamaan at kasakiman ay hindi nagmumula sa pinaghalong angkan kundi nagmumula ito sa pusong may hangaring hindi mabuti.
Ibinigay ni Alphaking Leo kay Jin at Syndrel ang Bashrock na matatagpuan sa paanan ng Winter Wolfsbania at itinayo nila ang siyudad ng Bashrock kung saan pwedeng manirahan ang mga demith ng mapayapa at tahimik.
Bawat paglipas ng isang siglo ay unti-unting humihina ang pananggalang ng Dark Isle kung kayat nararamdamam sa buong Derthalia ang singaw ng itim na salamangka na nanggagaling kay Zandro.
Ang bawat natatamaan ng singaw galing sa Dark Isle ay nagkakaroon ng epekto sa mga Derthalians na magkaroon ng masasamang hangarin sa kanilang mga puso.
Pinaniniwalang magbabalik siya upang maghiganti at muling maghahasik ng lagim sa buong Derthalia. Ngayon pa na mas lalong lumakas siya dahil sa pagkaka-impit ng isang daang siglo.
Dahil sa patuloy na pagsingaw ng Dark Isle ay di malabong makabuo ulit siya ng apat na Kabalyero.
Ang apat na Kabalyero ng Kadiliman ay binubuo ng Kabalyero ng Pananakop, Kabalyero ng Digmaan, Kabalyero ng Taggutom at Kabalyero ng Kamatayan.
Lumipas ang isang daang siglo marami na ang nagbago sa Mundo ng Derthalia.
Naging mas sebilisado na ito ngunit dumami na rin ang kasamaan sa Derthalia.
Sinasabi na ngayon. Ngayong isang daang siglo ang paglaya ni Haring Zandro kung kayat kina-kailangang mahanap muli ang labindalawang medalyon na nakakubli rin ng isang daang siglo upang mapatibay muli ang pananggalang.
Sa paglipas ng panahon ay naalala pa kaya nila ang mga medalyon o kasama din itong lumipas sa ala-ala ng mga Derthalians?
---
Derthalia- Ang Mundo
Derhalians- Ang naninirahan
Herma- lalakeng pwedeng magdalang tao
Demith- kombinasyon ng dalawang angkan.
YOU ARE READING
Ang Mundo ng Derthalia
FantasyAng Mundo ng Derthalia ay isang mundo para sa mga di pangkaraniwang mga nilalang na kung saan ay naninirahan sila ng mapayapa at matahimik. Ang kabuoang naninirahan sa Derthalia ay kilala sa tawag na mga Derthalians. Ang matahimik at mapayapang mund...