05

14 3 0
                                    

Patuloy lang sa pag-lalakad si Kaxanli na may pag-iingat at alerto sa kanyang paligid.

Isa paring delikadong lugar ang gubat ng Gandalf dahil mayroong nagkalat na mababangis na nilalang sa paligid nito.

Pasalamat si Kaxanli dahil mukhang malapit na siya sa nayon dahil natatanaw na niya ang mga kabahayan ngunit alam niyan mahaba-haba pa rin ang kanyang lalakarin bago makarating.

Dahil mukhang malapit naman na siya ay napag-pasyahan muna niya na magpahinga sa ilog na nakakonekta sa Gandalf at Magnus.

Habang papalapit na siya sa ilog ay naririnig niya ang mga hiyaw galing sa isang nilalang at nang makalapit ay namataan niya ang isang ginoong sarap na sarap sa pagligo.

Hindi niya maaninag ang mukha dahil nakatalakid ito sa kanya pero nasisiguro niyang isa itong makisig at malakas na ginoo base sa mga masel nito sa katawan.

Kapansin pansin din ang tatu nitong dragon sa likod at ang ilang peklat na mistulang palatandaan na sumabak na siya sa napakaraming digmaan.

Bago pa siya mapansin ng ginoo ay minabuti nalang niyang umalis at magpatuloy. Nang makalayo-layo siya ay napagpasyahan niyang magpahinga at sumilong muna sa isang malaking puno.

"Kain muna tayo Tala upang magkaroon tayo ng lakas at upang maging handa kung may makasagupa man tayong krimenal o mabangis na nilalang" si Tala ay isang Sphynx, isang uri ng pusa na matatagpuan sa Gandalf.

Ang Gandalf ay pinamumugaran ng mga pusa na maaring maging kaagapay ng sinumang salamangkero. Ang mga sphynx ay may kakayahang magpalutang at magpagalaw ng mga bagay o telekesis. Ibat ibang uri ng pusa ay may kaakibat ding ibang abilidad.

Matapos nilang kumain ay ipinagpatuloy ulit nila ang kanilang paglalakad ngunit hindi pa sila nakakalayo ay may nakasalubong silang isang Ogre na may isang mata at may hawak na malaking pamalo.

Ang Ogre ay isang nilalang na kumakain ng Derthalian at ang madalas na anyo nila ay triple ang laki kumpara sa ordinaryong Derthalian.

"Tala humanda ka!" Wika ni Kaxanli habang hawak ang kanyang punyal sa kanang kamay na binabalutan ng kulay-rosas na majica na nagmumula sa kanyang kamay. Habang ang kaliwa ay bumubuo ng isang magic ball upang ipangtira sa ogre.

Pinatamaan niya ng tatlong magkakasunod na magic ball ang Ogre kaya napa-atras ito ngunit hindi iyon sapat para matumba ang nilalang. Dahil sa pagsabog ay nakalikha ito ng usok kaya ginawang pagkakataon ito ni Kaxanli na makapunta sa likod ng Ogre.

Nagpalutang si Tala ng mga bato na nasa daan at pinatama ito sa Ogre at para narin manatili sa direksyon niya ang atensyon ng Ogre.

Akmang sasaksakin na ni Kaxanli ang Ogre ay sakto namang nawala ang usok at mabilis ito na napaligon sa kanya.

Ngunit sa di inaasahang tagpo ay kasabay ng pag-ikot ang paghampas ng kanyang malaking kahoy.

Hindi ito namalayan ni Kaxanli kaya natamaan siya at tumilapon papunta sa isang malaking puno. Nang tumama si Kaxanli sa puno ay nagtamo siya ng napakaraming sugat at galos.

Dahil sa lakas ng pagkakapalo sa kanya ay hindi rin kinaya ng katawan niya kaya siya ay napasuka ng dugo.

Tinanggap na ni Kaxanli ang kapalaran niya sa kamay ng isang Ogre ngunit hindi niya inaasahan ang isang napakainit na apoy na dumaan sa gilid niya at tumama sa Ogre kaya nasunog ito.

Tatayo na sana siya ngunit dahil sa natamo niyang sugat ay hindi ito kinaya nang kanyang katawan. Unti-unting nandilim ang kanyang paningin kaya na napapikit nalamang siya.

Bago pa man siya lamunin ng dilim ay naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ng isang nilalang. Pinilit niyang inulat ang kanyang mga mata ngunit dahil sa pagod at natamong pinsala ay hindi niya nagawa.

Nagising si Kaxanli sa isang di pamilyar na tahanan kasama si Tala sa kanyang tabi. Pansin niya na unti unting nanunumbalik ang kanyang lakas dahil sa salamangkang ginamit sa kanya. Hindi pa man kompletong naghilom ang kanyang mga sugat ngunit masasabi niya na nabawasan na ito kumpara sa dami ng natamo niya nang tumama siya sa isang malaking puno.

Nagulat siya nang merong isang nilalang na pumasok sa silid. Gulat hindi dahil sa isa siyang matandang babae ngunit dahil sa wangis nito. Magkapareho sila ng kulay ng buhok na kulay-rosas bagamat magkaiba sila ng kulay ng mata ngunit masasabi niya na ngayon palang siya nakakita ng isang nilalang na may kulay-rosas na buhok.

"Kumusta na ang iyo pakiramdam iho?"

🏰🏰🏰

Hubad barong naliligong masaya ang barbaro sa lawa ng Magus kasama ang kaniyang alagang dragon na si Fuego.

Hindi matanggal sa isip niya ang hula sa kanya ni Tandang Haliya na labis na nagpapasaya at nagpapasabik sa kanya.

Suot niya rin sa kanyang leeg ang kwintas na may bato ng amatista ng kanyang marikit .

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagligo ay nakarinig siya ng sunod sunod na pagsabog kayat hindi na siya nakapagsuot ng pangitaas at dali-daling lumisan upang puntahan ang lugar na pinanggagalingan nito.

Pagdating ng barbaro sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog ay namataan niya ang isang nilalang na may kasagupang Ogre ngunit laking gulat niya ng maaninag niya na ang kanyang marikit ang kalaban nito.

Agad niyang pinaulanan ng kanyang Hell flame ang Ogre kaya nagtamo ito ng sunog sa balat. Ngunit hindi ito sapat upang tuloyang mamatay kaya di ito nagpatinag at mas lalo lang nagalit.

Inilabas ng barbaro ang kanyang Double Hellflame Dragon Sword at mabilis niyang sinugod ang Ogre. Sinalubong siya nito ng isang malakas na paghampas ng kanyang pamalo ngunit dahil sa bilis ay naiwasan niya ito.

Sinaksak niya ito sa dibdib gamit ang kaliwang sandata at sabay pugot sa ulo nito gamit ang kanang sandata.

Minabuti niyang bilisan ang pagtapos sa laban dahil kinakailangang magamot ng kanyang marikit sa lalong madaling panahon.

Agad niya itong binuhat at dinala sa bahay ni Tandang Haliya upang ipagamot ito.

"Inang Haliya nagmamaka-awa po ako na tulungan mo siya at gamotin" wika bg Barbaro

"Huwag kang mag-alala iho dahil gagawin ko ang lahat upang maisalba siya"

"Maraming salamat mahal na Haliya, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob"

"Walang ano man man iho at masaya ako na makatulong saiyo"

"Paumanhin mahal na Haliya ako'y lilisan na dahil sa isang napakahalagang bagay at alam kong hindi pa ito ang takdang oras upang magkakilala kami"

"Naiintindihan ko iho kaya mag-iingat ka"

🏰🏰🏰

"Kumusta na ang iyo pakiramdam iho?"

Hindi makasagot si Kaxanli dahil inaalala niya ang nilalang na nagligtas sa kanya at ang tanging palatabdaan lang niya mula sa makisig na ginoo ay ang tatu nitong dragon sa likod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Mundo ng DerthaliaWhere stories live. Discover now