03

12 2 0
                                    

Malungkot na dumating si Kaxanli sa kanyang sekretong lugar matapos na mabigong mahanap ang kanyang kwintas na may bato ng amatista.

"Haysss! Saan ko ba yun nawala hmmm. Isip, isip Kaxanli, mag-isip ka" wika ni Kaxanli habang nag-iisip kung saan siya ba nag-gagagawi habang nakatingin kay Tala. "Tama! Yung hunhang na ginoo! Sigurado akong siya ang nakapulot sa kwintas ko"

Inisip niya kung papaano niya mahahanap ang hunhang na ginoo at isa pa hindi nga niya alam ang pangalan, maging kung saang angkan ito galing.

Tatayo na sana siya upang bumalik na sa kaharian nang mapansin niya ang kahoy na kahon. "Mukhang nakalimutan yata kita dahil sa pag-aalala ko sa pinakamahalagang bagay sakin"

Kaagad na binuksan ni Kaxanli ang kahon at kinuha ang susi kasama ang manwal. Sinunod lang ni Kaxanli ang panutong nakasulat sa manwal.

Iwasiwas ang susi sa ere
At bikasin ang mga katagang
"Tarangkahan ng Siyam na Butuin, bumukas ka!"

Biglang nagliwanang ang kweba kung saan matatagpuan ang sekretong lugar niya. Kasabay ng pagkawala ng napaka-ningning na ilaw ang paglabas ng pigura ng isang makisig na ginoo.

Isang nilalang na may siyam na buntot, kulay -brown na may halong puting balahibo, mahabang buhok, tenga sa ulo, pangil, maskuladong katawan at higit sa lahat gwapong pagmumukha.

"Malugod na pagbati mahal na panginoon, ako po ang tagapag-alaga ng siyam na butuin. Ako si Kitsune, isang nilalang na may siyam na buntot. Ikinagagalak ko pong makilala ang bago kong panginoon" wika ni Kitsune habang nakayuko

"Ako naman si Kaxanli ngunit maari bang tawagin mo nalang ako sa aking pangalan at tanggalin ang salitang panginoon?" Turan ni Kaxanli habang hindi parin mai-alis ang pagkamangha sa kanyang nakikita

"Kung yan po ang gusto niyo. Ako po ang magiging gabay at tagapag-bantay niyo at nangangakong proprotektahan kayo sa lahat nang aking makakaya" wika ni Kitsune kasabay ng paghalik sa kamay ni Kaxanli.

Gulat man ngunit hindi ipinahalata ni Kaxanli na kinilig siya sa kilos ni Kitsune. Isang maginoo at magalang hindi katulad nang hunghang na ginoong nakabanggaan niya sa Merkado.

"Paano naman kita pababalikin Kitsune?" Tanong niya sa maginoong may siyam na buntot. "Basahin mo lang ang panuto na nakasulat sa manwal mahal na Kaxanli"

"Ipagpabukas na natin Kitsune ang ating pag-uusap dahil malapit nang dumilim"

"Kayo po ang masusunod mahal na Kaxanli"

Binasa ni Kaxanli ang manwal at binigkas ang mga kataga upang maibalik si Kitsune sa kanyang mundo.

"Tarangkahan ng Siyam na Butuin, magsara ka!" lumabas ang isang lagusan papunta sa tahanang mundo ni Kitsune.

"Hanggang sa muli, Kitsune!" Pagpapa-alam ni Kaxanli

"Hanggang sa muli, mahal na Kaxanli!" kasabay ng pagpasok ni Kitsune sa lagusan ang pagkawala nito.

"Halika na Tala at kailangan na nating umuwi at baka hinahanap na tayo ni Ama" pagtawag niya sa kanyang pusa.

Gamit ang tali ay ginawang kwintas ni Kaxanli ang susi ni Kitsune at itinago sa ilalim ng kanyang kasuotan.

🏰🏰🏰

Sa Nayon ng Magus

Matatagpuan ang maliit na Nayon ng Magus sa kagubatan sa labas ng Gandalf na pinaninirahan ng mga sinaunang salamangkero na malayong-malayo ang pamumuhay sa sebilisadong Gandalf.

Ang tradisyonal na pamumuhay ng nayon ang naghihiwalay sa kanila sa Gandalf. Mas nakatuon sila sa mga tradisyonal na gawi at pagsamba sa Diyos na si Magikos.

Malugod na tinatanggap sa Nayon ng Magus ang mga manlalakbay na tatawid sa Lawa ng Magus papuntas sa Gravis Hills.

"Fuego nakita mo ba ang magandang salamangkero kanina?" Pakikipag-usap ng ginoo sa kanyang alagang dragon na nasa tabi niya. "Sigurado akong isa siyang herma basi palang sa anyo at kilos niya"

"Mas lalo siyang gumaganda kung naiinis siya hahahaha" makabuluhang saad ng ginoo na may halong pagtawa. "Magkikita parin tayo marikit na salamangkero" wika niya nang nakangiti habang pinagmamasdan ang kwintas na may bato ng amatista.

"Magkano po ang bayad para sa isang gabi?" Tanong ginoo sa babaeng tagabantay ng pala-tuluyan.

"Limang pilak para sayo ginoo" agad na nagbayad ang ginoo at tumuloy sa kanyang silid upang magpalipas ng gabi kasama ang kanyang alagang dragon na si Fuego.

🏰🏰🏰

Kasalukuyang napupulong ang apat na miyembro ng La Famalia Majicxiou sa pribadong silid sa palasyo.

"Ang pinapagawa ko sa'yo Ysaac nagawa mo ba?" Tanong ni Haring Xeron kay Senyor Ysaac. "Opo! Mahal na Hari! Nagawa ko ang lahat ng iyong ipunag-utos"

Napagplanohan kasi nila na bitagin ang mga traydor sa Gandalf matapos makahalata ni Haring Xeron at General Necko ma palaging nabubulilyaso ang kanilang mga plano.

"Kamusta naman ang parte ng kaharian malapit sa Dark Isle?" Tanong naman ng Hari sa Heneral. "Palakas nang palakas ang pwersang itim na nagmumula sa Dark Isle. Dumarami rin ang mga kriminal na salamangkerong nagpagala-gala sa Gandalf. Isa pa may hindi ako magandang palagay sa pangalawang Heneral dahil imbis na mabawasan ang krimen ay mas lalo lang itong nadadagdagan bawat araw." Mahabang paliwanag ni Heneral Necko

Ang pangalawang Heneral na si Waldo ang nakatalaga sa pagsugpo sa krimen dito sa Gandalf. Isang pala isipan kay Heneral Necko kung bakit imbis na bumaba ay mas lalo lang tumataas ang masasamang salamangkero.

"Ipinagpapatuloy ko rin ang pagmamanman sa Academya ng Majica kung nagkakaroon ng malawakang pangangalap upang sumapi sa kasamaan" wika naman ni Maestro Zonan.

Ang Academya ng Majica ay nagbibigay ng labindalawang taong edukasyon sa kabataang salamangkero't salamangkera na nagsisimula sa edad na siyete hanggang matapos ang labindalawang taon.

"Ipagpatuloy lang natin ang masusing pag-iimbestiga upang malaman ang katotohanan at upang mapigilan ang muling pagbabalik ni Zandro"

"Maraming salamat! Maari na kayong mag-pahinga" pagtatapos ni Haring Xeron sa pagpupulong.

"Masusunod Mahal na Hari" sabay na sagot ng tatlo.



Ang Mundo ng DerthaliaWhere stories live. Discover now