Kasalukuyang pinamumunuan ang Gandalf ng pang 453th na Hari na si Xeron Dexter Majicxiou na panganay na anak ni Haring Uranus.
Nagkaroon ng tatlong lalaking supling si Haring Uranus, ang panganay na si Haring Xeron ang kasalukuyang Hari, si Senyor Ysaac na siyang Punong Konseho at ang bunso na si Maestro Zonan na siyang patnugot ng Academya ng Majica.
Habang si General Saturno ay biniyayaan lamang ng dalawang supling. Ang panganay na si Necko na siyang humalili kay General Saturno at si Sancho na isang herma na naninirahan sa Bashrock matapos makapangasawa ng isang Barbarian.
Kasalukuyang naghahaponan sa isang mahabang hapag ang La Familia Majicxiou ang dalawang angkan na nagmula pa kay Jackson at Karloz.
Kapansin pansin na bawat isa ay nakapangasawa ng magagandang dilag na lahat nanggaling pa sa mga prominenteng pamilya sa Gandalf at tanging si Maestro Zonan lamang ang walang kabiyak sa kanyang tabi.
"Ang pinapagawa ko sa'yo Zonan nagawa mo ba?" pagbasag ni Haring Xeron sa katahimikan
"Nagawa ko na Mahal na Hari ang iyong pinag-uutos. Natapos ko nang itala ang mga posibleng pagkublian ng bawat medalyon" naitala na ni Maestro Zonan ang lahat ng mga posibleng pagkublian ng bawat medalyon. "Ngunit hindi tayo nakasisiguro na iksakto lahat ang mga naitala ko dahil ang ibang mga lokasyon na aking naitala ay pinamumugaran ng mababangis na nilalang at maari na ang mga ito ay isang patibong lamang sa mga naghahangad kung kayat isang malaking sugal ang paghahanap sa mga medalyon"
"Mainam na iyan Zonan kaysa wala. Bukas na bukas ay magpapatawag ako ng pagpupulong sa Konseyo ng Majica upang mapag-usapan ang mga ito" si Senyor Ysaac ang nag-aaproba sa lahat ng mga plano at naipanukalang batas bilang Punong Konseho bago ito maipatupad ni Haring Xeron.
"Kailangan na nating kumilos dahil palakas nang palakas ang singaw ng itim na salamangka mula sa Dark Isle at dumarami ang mga krimenal kung kaya't kailangan nang mag-kaisa ng lahat dahil hindi lang ito laban ng mga salamangkero kundi laban ito ng buong Derthalia." Makabuluhang turan ng Hari. "Nga pala General Necko kumusta ang pagbabantay sa dalampasigan ng Gandalf?"
"Patuloy parin po sa pagbabantay ang Hukbo ng Majica kaya't naisisgurado ko na ligats pa tayo sa ngayon" sagot ni General Necko sa Hari.
"Ipag pabukas na natin ang usaping ito at damhin muna ang gabi at magpanhinga" turan ni Haring Xeron. "Mga bata huwag masyadong magpupuyat at matulog nang maaga" paalala ng hari sa sunod na henerasyon.
"Masusunod po mahal na Hari"
Naiwan sa hapag kainan ang mga prinsepe ng Gandalf.
Si Sanjoro ang pinakamatanda na anak ni Haring Xeron, 25, at ang hahalili sa Hari. Sunod ay si Renz ang panganay na anak ni Senyor Ysaac, 23. Sunod ang Kambal na anak ni General Necko na sina Nigel at Nijan, 23. Sunod ang magandang kapatid ni Sanjoro na isang herma na si Yza, 20. Sunod ang tanging anak ni Maestro Zonan at isang herma na si Kaxanli, 20. Ang huli ay si Xedie na bunsong kapatid ni Sanjoro, 12.
Si Kaxanli lamang ang tanging may dugong maharlika ang naiiba sa mga prinsepe dahil sa kulay-rosas nitong buhok, kilay, pilik-mata at light blue na mga mata. Habang ang iba ay namana ang kulay byoletang buhok at kulay blue na mata.
Hindi lang yan dahil siya lang rin sa mga prinsepe ang hindi pa nakakatanggap ng kanyang Magic Staff at pointed hat kung kayat siya ang pinaka mahina.
Dahilan kaya't palaging naikukumpara ang ganda niya kay Yza lalong lalo na ang pagiging mahina niya. Yza is the perfect persona ng isang maharlikang herma. Class, beauty and elegance.
Maraming ginoo ang nag-aasam na mabihag ang puso ni Yza. Palaging nakatago si Kaxanli sa anino ni Yza dahil siya lamang ang pinapansin at bininigyang papuri ng mga salamangkero ng Gandalf.
Ang pagiging mahina ni Kaxanli ay palaging ginagamit ng kanyang mga pinsan laban sa kanya kaya sa lahat ng mga prinsepe ay tanging si Xedie lang ang malapit sa kanya.
Lahat ng masasakit na salita ay natanggap na niya gaya nang pagbansag sa kanya ng mga salamangkero ng Gandalf na isang Isinumpa.
Sa Kaharian ng Gandalf, ang magic staff ang pumipili sa tagapangalaga nito na nagsisimula sa edad na dose.
Talo pa siya ni Xedie na natanggap na ang magic staff niya kamakailan lang.
Pag nakuha mo na ang Magic Staff mo ay tsaka ka bibigyang ng wizard hat.
Si Kaxanli na wala ni isa sa dalawa ay nakasuot lamang ng kulay-rosas na balabal. At ginugol ang sarili sa pag-aaral at pag-alam sa kasaysayan ng Derthalia.
Hindi man siya ang pinakamalakas ngunit tiyak na siya ang pinakamatalino sa lahat ng mga prinsepeng nasa hapag ngayon.
Minabuti ni Kaxanli na pumanhik na sa kanyang silid kaysa makipag diskurso sa mga walang kabuluhang bagay.
Pagkapasok sa silid ay dumiretso kaagad siya sa kanyang banyo upang maligo.
Ilang minuto munang pinagmasdan ni Kaxanli ang kanyang sarili sa salamin. Totoo ngang siya ang naiiba sa lahat ng mga prinsepe dahil sa kulay-rosas niyang buhok at light blue na mata.
Hinayaang bumagsak ni Kaxanli ang buhok niyang lagpas balikat ang haba kasabay ng magbuhos ng tubig mula sa dutsa sa kanyang ulo.
Matapos makapagbihis ni Kaxanli ay umupo siya malapit sa bintana at pinagmasdan ang buwan at mga bituin sa kalangitan.
"Mahal na Diyos ng Buwan, Diyos Lunar ano kaya ang itsura ng aking ina?" Tanong niya habang nakatitig sa buwan.
Kailanman ay hindi ikwenento ng kanyang ama ang tungkol sa kanyang Ina. Hindi rin niya alam ang anyo nito.
Ngunit nasisiguro ni Kaxanli na sa kanyang ina niya namana ang kulay ng kanyang buhok at mata.
"Mahal na Diyos Lunar kailan ko ba mattaanggap ang Magic Staff ko?" Malungkot na tanong ni Kaxanli sa Buwan.
Hindi namalayan ni Kaxanli na tumutulo na pala ang kanyang mga luha dahil sa labis na lungot at hinagpis.
Araw-araw niyang tinitiis ang pangmamaliit sa kanya ng mga taga Gandalf at parating inaalipusta at tinatawag na isinumpa.
Malimit din siyang ihalintulad kay Haring Zandro na siyang nagpapabigat lalo ng kanyang dibdib.
Sa kabila ng samo't saring patutsada ay nanatili paring mapagpatawad, mapagkumbaba at mabait si Kaxanli.
At palaging umaasa na dumating ang panahon na siya ay matanggap at ipagmalaki nang lubos ng buong Gandalf maging ang buong Derthalia.
YOU ARE READING
Ang Mundo ng Derthalia
FantasyAng Mundo ng Derthalia ay isang mundo para sa mga di pangkaraniwang mga nilalang na kung saan ay naninirahan sila ng mapayapa at matahimik. Ang kabuoang naninirahan sa Derthalia ay kilala sa tawag na mga Derthalians. Ang matahimik at mapayapang mund...