Chapter 3: Building a Friendship

17 1 0
                                    

When everybody got home. Each of them check their partners kung nakauwi na rin ba ang mga ito. Sinisigurado na ligtas ang bawat isa na nakauwi sa kanilang mga tahanan.

Araw-araw kung mag-usap at magkumustahan ang mga ito. Walang araw na pinalalampas ang bawat isa.  Na kahit nga hindi na nila partner ay kinukumusta na rin nila.

Unti-unti ng nawawala ang hiya ng mga ito sa kanilang mga kasama. Nabubuo na ang magandang samahan ng bawat isa. Mula sa mga dating myembro at hanggang sa mga bago. Hindi na alintana ang hiya kung mag-usap ang mga ito tila ba ganoon na sila katagal magkakakilala.

Mayroong mga naging Kuya, Ate at mga bunso sa kanilang nabuong samahan. Naging takbuhan ang bawat isa sa tuwing malungkot o di kaya'y may problema. Naging magkakapatid ang turingan ng bawat isa.

Sa araw-araw rin na pag-uusap nila ay kabilang na rito ang pagkumbinsi sa bawat isa na umattend sa mga practice at prayer meeting na darating.

Maayos ang naging takbo ng mga pangyayare sa mga ito. Nagkaroon sila ng panibagong kaibigan at pamilya. Na matatakbuhan at maasahan nila sa kahit ano mang oras. Mga kaibigan na tunay at totoo.

Minsan man ay nagiging makulit na ang iba dahil sa araw araw na pangungumusta pero ayos lang dahil nagiging kasiyahan naman ito sa iba.

Natutuwa ang bawat isa na mayroong nangungumusta sa kanila sa bawat araw. Dahil kung minsan ay nararanasan nila na para silang nag-iisa kaya nagpapasalamat sila na mayroon silang bagong mga taong nakilala na andyan lagi para sa kanila.

A friendship that came from the Lord will last forever. At kahit saan man mapunta at naroroon ang bawat isa ay nandyan pa rin ang connection sa bawat isa. Hindi man ganoon kadalas magkakasama ay naroon pa rin ang pagmamahal at saya.

At sa wakas biyernes na muli. Magkikita-kita na muli ang mga ito. Magkakausap na sa personal ang bawat isa hindi na lamang sa mga chat at text. Nagpaalalahanan ang bawat isa na aattend sila ng Practice at nagsipaalaman na rin upang magpahinga.

Behind the Curtains Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon