Chapter 10: Moments of December

27 0 0
                                    

After how many weeks Sports fest is already done. Some of them won First Place, Second Place and Third Place.

And since it's December they are now preparing for their upcoming Christmas Party. Nagrupo sila sa dalawa para magperform sa araw ng kanilang Party. Magkakagrupo sila Elle, Yeisha, Mikee, Gellian, Rein at Clade. Sa kabilang grupo naman ay magkakasama sila Lucas, Jervin, Ritch, Clarice at Ranzel.

Pagkatapos ng kanilang Prayer Meeting ay nagkaayaan ang mga ito na magmilktea. Sa dami nila na naroon ay magkakatabi na ang mga ito sa isang upuan.

Syempre magkatabi si Elle at Lucas ano pa bang bago roon. At syempre wala ng iba sa pangyayare nag-aasaran na naman ang dalawa.

Tumayo ang isa sa kasama nila para kunin ang kanilang mga orders. Lucas ordered Strawberry Milktea while Elle ordered Dark Choco.

After iserve sa kanila ang kanilang milktea ay kanya-kanyang kwentuhan ang mga ito. Sa pinakadulo ay naroon si Elle at Lucas na nag-aasaran.

Noong nakuha na nila ang kanilang order ay biglang napatingin si Elle sa damit ni Lucas. Lucas is wearing a polo shirt with a monkey print. Napatawa na lamang si Elle dahil sa kanyang naisip at biglang inasar si Lucas.

Elle: Lucas kamukha mo yang monkey na nasa damit mo
Lucas: Mas kamukha mo kaya to
Elle: Suot mo nga edi ikaw yan
Lucas: Ikaw tong monkey picture mo to.
Elle: Edi sige. tapos ikaw baboy (because Lucas is kinda chubby)
Lucas: Basta Monkey ka
Elle: (Napatingin sa Milktea ni Lucas) I'll call you StrawBaboy. Strawberry+Baboy
Lucas: Edi ikaw Dark ChoNkey. Dark Choco+Monkey.
Elle and Lucas: Dark Chonkey and StrawBaboy (sabay silang natawa sa mga nicknames nila)

Pagkauwi nila ay agad na nag-online ang dalawa at nag-asaran na naman sa chat. Nonstop ang dalawang to sa pag-aasaran.

Noong sumunod na Sabado ay nagpractice ng kanya-kanya ang bawat grupo para sa kanilang performance. Dahil pagsapit ng Linggo ay ito na ang araw ng kanilang Christmas Party.

Nabalitaan ni Elle na wala si Lucas sa practice ng kanilang grupo kaya minessage niya ito.

Elle: Lucas wala ka raw sa practice niyo?
Lucas: Opo may contest po kasi ako kaya di ako naka-attend.
Elle: Maaga raw bukas 8 Am ang calltime.
Lucas: Nasabi na po sakin pero 7:30 po sa amin kasi magpaparactice pa po kami.
Elle: Sige magpahinga ka na pag-kauwi mo.

Matapos niyang ichat si Lucas ay tumulong na siya sa pagpiprepare ng kanilang Venue para sa kanilang Party kinabukasan. Maggagabi na rin ng sila ay matapos na mag-ayos kung kaya ay hinatid na ang iba sa kanila sa kanilang mga tahanan.

Kinabukasan excited ang bawat isa at puno ng saya. Nakasuot ng magagandang damit ang mga ito. Inumpisahan muna nila ito ng Mass at pagkatapos ay ang Performance ng bawat grupo.

Matapos iyon ay nagsikuhaan na sila ng kanilang pagkain. At ng makakuha na sila ay magkakasama silang umupo sa sahig. Nakabilog ang mga ito sa harapan habang kumakain at nagkikwentuhan.

When they are done eating. Nagproceed na sila sa exchange gift. Ito ang last part ng kanilang program. At sa huli ay nagsi-punta ang lahat sa harapan upang magpicture.

Habang umaalis na ang iba nilang kasama sila Elle at ang iba pa ay naiwan upang magligpit ng mga ginamit at mga kalat. Pagkatapos nila ay bumaba na rin ang mga ito ngunit hindi pa umuwi.

Nagkaayaan ang mga ito na magpicture sa may Ruins ito ay ang parte ng dating simbahan na nasira. Kung ano-anong post ang pinaggagagawa ng mga ito. Merong mga nakaupo sa lupa, umakyat sa mga bato, nakatingin sa itaas at sa gilid, naka-peace sign at mga nakangiti.

Hindi pa natatapos roon ang kanilang celebration dahil nagkaayaan na naman muli sila na magmilktea. Sa dami muli nila ay magkakatabi muli ang mga ito.

Habang kinukuha ang orders ng bawat isa si Elle at Lucas ay napagkasunduan nila na Wintermelon ang oorderin nilang pareho. Nagkasundo rin sa wakas ang dalawa.

Ang sumunod na aktibidad ng mga ito ay practice nila para sa choir nila ng Christmas Eve at New Year's Eve. Naging busy muli sa pag-eensayo para rito ang lahat. May mga araw rin na sabay sabay silang magsisimbang gabi at pagkatapos ay mangangaroling sila.

Pagsapit ng Christmas Eve at New Year's Eve ay masayang nagsisi-awit ang lahat. Masaya dahil sumapit na muli ang Pasko at Panibagong taon na naman muli.

Pagkatapos ng kanilang mga service sa mga araw na iyon ay inenjoy nila ang araw na ito kasama ang kanilang mga pamilya.

Muli na lamang silang magkikita pagsapit ng unang sabado at linggo ng January upang ituloy muli ang kanilang practice at kanilang Prayer Meeting.

Behind the Curtains Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon