Sabado na unang araw na aattend sa Practice ang mga bagong member. May mga kaba silang nadarama. Pero mas nag-uumapaw ang excitement.
May iba ibang lugar sa simbahan na maaaring pag-ganapan ng kanilang practice. Sa loob mismo ng simbahan, sa Parish Hall, Museum, Choir loft, Adoration Chapel o kaya sa KC.
Nahuling dumating si Elle ng araw na yun at hindi alam kung saan ba ang Venue ng kanilang practice kaya kanyang tinext si Ritch.
Elle: Ate Ritch andito ako sa labas ng simbahan. asan po kayo?
Ritch: Andito kami sa may KC.
Elle: Ate hindi ko po alam kung saan yan.
Ritch: Sige pupuntahan na lang kita dyan.At matapos nun ay nagpaalam si Ritch upang sunduin si Elle mabuti na lamang ay hindi pa sila nagsisimula sa practice.
Makalipas ang ilang minuto ay nagkita na si Ritch at Elle kung kaya ay bumalik na sila sa KC. Bago mag-umpisa ay nagkumustahan muna muli ang bawat isa para iset ang mood ng bawat isa. At kasunod nito ay ang pagdarasal upang maumpisahan na ang Practice.
Maayos ang nagiging takbo ng Practice nila dahil ang bawat isa ay pamilyar na sa mga kanta na tinutugtog. Unang kakanta ang mga dating member at susundan naman ng mga bagong member.
Nakakatuwa dahil focus ang bawat isa sa practice. Makikita mo na ang bawat isa ay willing talaga na matuto. Kung mayroon mang mga malalabong parte ay inuulit upang makuha ito ng tama.
Sa Choir ay mayroong iba't-ibang classification ng boses andyan ang Soprano, Alto, Tenor at Bass. Ang Soprano at Alto ay para sa mga babae at ang Tenor at Bass naman ay para sa mga lalaki.
Matapos ang kanilang practice ay inayos ang mga bagong member kung saan nababagay ang kanilang mga boses.
Si Jervin at Mikee ay napabilang sa Bass. Si Ranzel at Clade naman ay sa Tenor. Napunta naman sa Soprano si Ritch at Yeisha. At ang panghuli ay si Elle na napabilang sa grupo ng mga Alto.
Matapos silang mai-grupo ay nagmeryenda sila. Dahil ganyan lagi ang ginagawa nila matapos ang practice ay kakain sila upang pampawi na rin ng pagod. Sabay kwentuhan at tawanan.
Hindi lamang mga pang-misa ang kanilang pina-practice. Kabilang na rin rito ang practice para sa Prayer Meeting tulad ng pagsayaw at mga kinakantang awit roon.
Si Klent ang isa sa kanilang kuya ay ang siyang tumutugtog ng organ na kung minsan naman ay sinusundan ni Clade. Si Elle, Ritch at Mikee ay napabilang sa mga dancer. Si Yeisha, Ranzel at Jervin ay sa pagkanta pa rin ang role pero minsan ay sumasayaw rin sila.
At minsan ay nagkakaroon rin sila ng mga Choir para sa kasal at patay. Naglalaro rin sila sa may parking lot ng patintero kung maagang natatapos ang kanilang Practice o kaya ay nagkaka-ayaan kumain sa labas.
Kung minsan pa nga ay sa mga bahay ng members kung magpractice ang mga ito. Para na rin makilala rin ng kanilang mga magulang ang mga nakakasama ng kanilang mga anak.
Ganyan ang nagiging takbo ng kanilang mga sabado. At dahil rito ay mas lalong napapalapit sila sa isa't-isa at pati na rin sa Diyos.