It's now year 2016. Everyone celebrated New Year with their family. Some go to vacation but others stayed at their home.
First Sunday of January came and start na ulit ng kanilang Prayer Meeting. Pero ang iba ay nasa bakasyon pa at ang iba ay hindi nabasa ang message. Kaya halos kalahati lamang naka-attend.
Isinama ni Ranzel ang kanyang pinsan na si Miah noong araw na iyon upang umattend ng Prayer Meeting. Mabuti na lamang ay naroon si Jervin at Yeisha upang iwelcome ito.
After a week nakabalik na muli sa Practice ang lahat. Nakauwi na ang iba galing sa kanilang mga bakasyon. Bago sila mag-umpisa ay nagkumustahan muna ang lahat. Nagkwentuhan kung kamusta ang kanilang bagong taon. At nagpakilala na rin si Miah sa kanila.
Pagkatapos ng kanilang practice ay dumiretso ang mga ito sa bahay nila Lucas dahil birthday ni Lucas noong nakaraang araw. Sinurprise nila si Lucas sa kanyang kaarawan ngunit marami ang wala lalo na si Elle, dahil na rin sa kabilang bayan pa ang kanyang tirahan.
Gabi na ay naroon pa rin ang lahat nakaupo ang mga ito sa may garden at naglalaro ng charades ng biglang may nagpaputok ng fireworks sa kung saang lugar. Sama sama nilang pinanuod ito habang nakatingin sa kalangitan ng may ngiti sa mga labi.
Matapos ang dalawang linggo, nag-piprepare ang lahat para sa kanilang worship night. They decided na magpractice sa bahay nila Chemy. Magkakasama na naroon sina Klent, Ritch, Clade, Chemy, Yeisha, Ranzel, Jervin, Miah, Elle at Lucas.
Iba-ibang kanta ang kanilang mga prinactice mayroon iyong mga makabagbag damdamin na kanta at may mga masasaya. Lumipas ang ilang oras at alas-kwatro na ng hapon napagdesisyonan ng mga ito na pumunta sa simbahan upang magsimba. Dahil medyo marami sila at iisa lamang ang kanilang kotse ang iba ay nagsakay na lamang ng jeep papuntang simbahan.
Pagkarating nila ay hindi pa nag-uumpisa ang misa at marami pang bakanteng upuan. Sa isang mahabang upuan ay magkakatabi ang mga ito. Tahimik, focus at nakinig ang mga ito sa buong misa.
At pagkatapos nilang magsimba ay pumwesto ang mga ito sa harapan ng simbahan upang magpicture. Nakailang kuha rin sila ng litrato bago mapagpasyahan na umuwi.
Nang sumunod na sabado ang lahat ay busy dahil nagpiprepare sila para sa kanilang worship night. Nilalagyan ng iba't-ibang kulay na plastik ang mga ilaw para magandang tignan sa gabi. Ang iba ay busy naman na inaayos ang mga baso na may oil at candle para magsisilbi ring ilaw nila. At iba pa ay inaayos ang altar at ang mga upuan.
Pagsapit ng alas-sais ay nagsisidatingan na ang mga members. Nag-umpisa na ring dumilim ang kalangitan kaya isa-isa ng sinindihan ang mga kandila na naka-palibot sa kanila.
Ang gandang tignan ng kanilang set-up. Madarama mo talaga ang magandang pakiramdam dahil rito. At samahan pa ng mga awitin na kanilang inaawit.
Noong sumunod na buwan ay nagpiprepare naman na ang lahat para sa araw ng mga puso. May naisip na simpleng program ang mga ito. Mayroon silang papel na hugis puso na ibinibigay sa bawat isa at mayroong nakasulat rito na Bible verse. Mayroong mga nagmessage, nagsayaw at umawit.
Ngunit wala si Lucas ng mga araw na iyon. Noong unang linggo pa lamang ng Pebrero ay hindi na nakapunta si Lucas. Binati lamang ni Elle at Lucas ang bawat isa sa chat ng Happy Valentines at halos hindi na ito nagparamdam.
Madalas i-chat ni Elle si Lucas ng mga sumunod na araw ngunit minsan lamang magreply si Lucas madalas pa nga ay siniseen lamang niya ito. Kung magreply si Lucas ay 2 beses lamang sa isang linggo pero patuloy pa rin si Elle sa pangungulit rito.
At makalipas rin ang dalawang buwan ay muling nagchat si Lucas kay Elle at sinabing babalik na siya. Natuwa naman si Elle rito dahil namiss na rin niya ang kaniyang kaibigan.
At sa muling pagkikita ng dalawa ay malaking ngiti ang isinalubong ni Elle kay Lucas. Muling nagbalik sa pag-aasaran at pagkukulitan ang dalawa kasama ang kanilang mga Ate at Kuya. Umingay muli ang mundo ni Elle dahil bumalik si Lucas. Labis na saya ang kanyang nadama dahil rito.