Chapter 2: First Meet

20 0 0
                                    

Another week passed. And it's Sunday again. First time umattend ng Prayer Meeting sila Elle, Yeisha, Jervin, Ritch, Mikee, Clade, Ranzel at iba pang dumalo sa event.

Pagdating nila sa venue ay winelcome sila ng bawat isa na naroon. Isa na roon ay ang isa sa kuya-kuyahan ng grupo na si Kuya Klent. At gayun na rin sina Tita Juliana at Tita Lizalyn na mas prefer nila tawagin na lang na Mommy.

Katulad ng dati ay mayroong naganap na sayawan, kantahan, pagkukumustahan, kainan at syempre hindi mawawala ang pagdarasal.

Matapos ang iba pang gawain ay nagkaroon ng isang Activity kung saan magkakaroon ka ng Partner. Ang katabi mo sa upuan ay iyong magiging Prayer Partner.

At natsempuhan naman na nagkatabi sa upuan ay si Elle at si Yeisha kung kaya sila ay nagkakilala, nagpalitan ng mga katanungan, nagkuhaan ng numero para makontak ang isa't-isa at pati na rin ang mga Facebook account ng bawat isa.

Sina Clade, Jervin at Ranzel naman ay mga magkakakilala na dahil nagkasama na sila sa Choir. Si Mikee naman ay schoolmate ni Elle. At si Ritch isa ang ate niya sa mga nag-aassist sa kanila.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang Prayer Meeting. Ngunit pinaiwan muna sila ng ilang saglit upang makausap. Inaya ang bawat isa sa kanila na sumali sa kanilang choir. At sinabi na mayroong practice every saturday.

Natuwa naman ang bawat isa rito at sumang-ayon na sasali sila sa choir. Matapos nito ay isa isang nagpakilala ang bawat isa.

Noong una ay hirap pang makabisado kung sino ang mga pangalan pero mayroon naman ng mga tumatak sa bawat isipan ng isa't-isa.

Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan. May mga iba na nagpapatawa katulad na lamang ng isa sa kwela na kuya nila na si Glydeon. Mayroon ring mga kumakanta tulad ni Bhon at Marian. Sumasayaw naman sila Clarice at ang iba pa.

Naging masaya ang pagkikita nila. Bawat isa ay nag-enjoy sa mga kaganapan sa araw na iyon. At tila may mga nabubuo ng samahan ang mga ito na tiyak kanilang babalik-balikan.

Behind the Curtains Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon