Heto at panibagong taon na, pero patuloy pa rin sa pagsiserve ang bawat isa. Mas lalong lumalim na ang kanilang samahan.
Maraming aktibidad na rin ang napagsamahan nila tulad ng Choir sa Misa, Caroling, Choir sa Simbang Gabi at Christmas Party.
Sobrang tuwa ang nadarama nila tuwing sumasapit na ang weekends dahil magkakasama-sama na naman muli sila sa simbahan. Makakapagpahinga muli sila mula sa napaka-busy na mundo.
Buwan pa lamang ng Pebrero subalit naghahanda na sila para sa parating na holy week. Maraming kanta ang kanilang pina-practice para rito. Kung titignan ay mga nasa thirty to forty songs siguro ang mga iyon, kabilang na ang mga kantang pang-solo at pang lahat.
Pagsapit ng araw ng kanilang pagkanta sa Holy Week. Hindi nila nadarama ang pagod kahit na napakarami ng kanilang kailangan kantahin. Mas mahalaga sa kanila na maayos ang kanilang pagkanta at mula pa rin sa puso. Hindi alintana ang init ng panahon. Tuloy pa rin sa pag-awit ang mga ito.
Matapos ang kanilang service ay naglipit na sila ng mga ginamit na mic, mic stand, lyrics, organ at iba pang mga bagay.
Noong matapos silang magsiligpit ng gamit ay bumaba na ang mga ito at nagsikuhaan ng litrato sa harap ng simbahan upang mayroong maging alaala sa kanilang service.
At bilang selebrasyon na rin sa napakaganda nilang pag-awit, nagkaayaan ang mga ito na kumain sa labas. At matapos niyon ay inihatid na ang bawat isa sa kanya kanyang mga bahay upang makapagpahinga.
Labis na tuwa ang nadarama ng bawat myembro lalo na ang mga bagong salta lamang. Napaka-worth it para sa kanila lahat ng pagod at oras na ginugol nila sa mga nagdaang practice nila.
Natapos muli ang ilang Linggo at mayroon na naman silang pinaghahandaan na event. Isang aktibidad muli sa simbahan.
Pero bago mangyare ang event na ito ay mayroon muling makikilala na mga tao ang mga bagong myembro ng grupo sa mga parating pa nilang mga pagsasanay at paghahanda.