New Beginning.

182 3 0
                                    

Phone ringing...

*Kring!*

*Kring!*

"Hello?"

"Sean! Asan ka na ba? Ilang araw ka na hindi napasok. Idro-drop ka na daw ni Sir kapag hindi ka pa pumasok!" Sabi ng blockmate ko na si Aaron. "Sige. Pupunta nalang ako." Pagkasabi ko ay binaba ko na yung phone.

Nakakatamad pala kumilos kapag brokenhearted ka. Gusto mo lang matulog ng matulog, kasi dun mo nalang siya makakasama eh. Pero, kailangan mo pa din magmove. Walang mangyayari kung hihiga ka lang diyan at iisipin mo lang siya. Life still goes on.

Nalig at Nagluto na ako. Pero fuck, kahit kumain tinatamad ako. Tinignan ko yung phone ko. November 4 na pala. Ilang araw na din pala ang nakalipas simula yung pangyayari. Tinignan ko yung messages, baka nagtext siya ngayon. Pero wala. Siguro, matagal na niya napagisipan yun.

Ganito pala kapag brokenhearted. Tahimik lang, parang walang gana yung buhay mo. Feeling mo ang hina hina mo. Feeling mo wala kang silbi. Namimiss ko na siya... Sobra.

Pagkatapos ko kumain ay sumakay na ako sa kotse papuntang school. Hindi na ako nagayos. Wala naman na akong pakialam sa sarili ko eh. Wala naman na magsasabi sakin na "ang pogi ah?" Kahit hindi naman.

Pagpasok ko sa room, wala pa yung prof namin. Kaya umupo na ako sa upuan ko sa dulo. Nakita ako ni Aaron at lumapit to sakin. "Ui kamusta men? Bakit hindi ka napasok?" Tanong niya.
"May sakit ako men, tska pumunta muna ako sa parents ko." Pagloloko ko.

Pagkasabi ko, ay dumating na yung prof. namin. "Ahh, sige men. Mamaya nalang." Bumati na ng goodmorning si sir. At nagsimula na siya magturo. Pero ako, wala. Wala akong pakialam sa sinasabi niya. Si Cat lang naman nasa isip ko eh. Ang daming tanong sa isip ko. Nakakagago, bigla nalang siya nangiiwan sa ere. Bigla nalang siya aayaw ng ganun ganun lang. Na parang wala kaming pinagsamahan. Tangina, ang sakit..

"Mr. Hernandez, okay ka lang ba diyan?" Tanong sakin ng prof namin.
Di ko napansin na napaluha na pala ako sa sobra kong pagiisip. "Excuse me po sir." Dali dali kong kinuha yung bag ko at umalis. Tumakbo ako papunta sa kotse. Pagpasok ko, sumigaw ako. Dun ko binuhos lahat ng iyak ko. Lahat ng galit. Ang sakit kasi eh, akala ko talaga siya na eh. Akala ko lang pala. Ang tanga tanga mo Sean..

Umalis na ako ng campus at bumalik sa bahay para pumunta sa kama, matulog, magisip at umiyak.

"Sana panaginip nalang lahat. Edi sana kasama pa kita ngayon."

:'(

-

Heyyy! Another update guys. Sana nagustuhan niyo. Paki spread sa mga kaibigan niyo. Please follow and share my story. True Story to mga guys. Kaya subay-sabayan niyo lang. Ayun. Thank you! Wait nalang ulit sa new update!! :)

Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon