Jealous

110 2 0
                                    

8:30am

"Sh*t, late na ako!" 

Nagmamadali na ako kumilos. Naligo at nagbihis na lang ako. Ayaw ko na kumain baka malate pa ako lalo. Lagot na ako sa terror kong prof.

Pagsakay ko, pinaharurot ko na agad yung kotse ko. Kahit antok na antok pa ako. Wala na akong pakialam, ang point ko lang makapunta sa school ng 9:00.

*fast forward*

Nakapunta na ako ng school. Pero 9:15 na. "P*cha, nagattendance na ata." Pero hindi pa din ako nagback out, pumasok pa din ako. Nagmamadali na ako.

"Ayan na. Malapit na ako! Naaaninag ko na yung classroom. Konting lakad nalang!" Sabi ko sa isip ko.

Pagpasok ko sa classroom. Wala akong nakitang teacher. Konti lang student na nakita ko sa classroom. Sakto andun sila aaron. Kinausap ko agad siya.

"Uy bro, ba't pawis na pawis ka?" Natatawa niyang sabi sakin.

"Asan si Ma'am?" Tanong ko sakanya. Medyo hinihingal pa ako, kaso tumakbo na ako papuntang classroom.

"Wala si Ma'am. Absent daw." Natatawa pa din siya. "Sayang effort. HAHAHA!"

Umupo na lang ako. Hays, sayang talaga effort. Matutulog nalang dapat ako para maghintay ng next subject pero bigla akong niyaya ni Aaron kumain sa labas. Medyo matagal pa naman yung next subject kaya pumayag na lang din ako.

Pagpunta namin dun. Tinanong niya ako kung ano daw ba kakainin ko.

"Di na, ikaw nalang kumain. Busog pa ako." Sabi ko sakanya.

"Sure ka?"

"Oo. Hanap na lang ako ng table."

Umalis na ako at naghanap. Nang makahanap na ako, umupo na ako. Actually, dito kami palagi kumain ni Cat sa restaurant na to'. Kaya, madalas tumitingin pa ako sa paligid. Baka nagbabasakali na makita ko siya.

I'm still hoping she'll comeback. Ilang araw na simula nung nangyari yung break up pero Hindi pa din ako nawawalan ng pagasa. Ganun naman talaga dapat diba? Dapat hindi SUMUSUKO, mahal mo eh.

"Hoy!" Sabi ni aaron. Di ko napansin, nakatulala na pala ako. Wala nanaman ako sa sarili. Ba't ganun, gusto ko na bumalik sa dating ako pero hindi ko magawa kasi may malaking parte sa buhay ko na nawala eh. Di ko alam kung pano ako magsisimula.

"Pare, ano ba meron sayo. Lately, napapansin ko parang di ka okay. Di ka na napasok. Umiyak ka last time, tapos ngayon hindi ka nakain. Ehh ang takaw takaw mo." Natataw niyang sabi.

"Okay lang ako." Mahinahon kong sabi.

"Bro, you can tell me everything. Seryoso ako pagdating sa mga problema. Kaya, sabihin mo na. Mas maganda din yung inilalabas yung problema." Bigla siyang naging seryoso. Akala ko puro biro lang siya, marunong din naman pala siya magseryoso.

"Wala na kasi kami ni Cat eh."

"Ahh kaya, brokenhearted pala. Bakit kayo nagbreak?" Tanong ni Aaron.

"I don't know. Pero sa tingin ko, Selos. Lately kasi may lalaking kumakausap sakanya. Sabi ko wag niya kausapin kasi nagseselos ako. Pero ayaw niya, kaibigan niya na daw yun."

"Bakit ka naman kasi nagseselos?"

"Kasi yung mga ginagawa namin dati, ginagawa na nila. Nakakaselos lang kasi dati kami lang gumagawa nun eh." Sadface.

"Ohh. So bakit naman ayaw mo siyang makipagkaibigan dun?"

"Iba kasi pakiramdam ko sa lalaki bro eh. Parang aagawin niya siya sakin. Takot lang talaga ako mawala siya sakin. Takot akong mahulog siya sa iba. Na baka pinapasaya niya siya, katulad ng pagpapasaya ko sakanya. Baka mahigitan niya pa ako eh. Takot akong one day, siya na gusto niyang kausap. Hindi na ako. Mahirap na kasi mawala siya eh. Ginawa ko na siyang mundo ko."

"Tsk. Dapat di mo ginanyan. Parang sinabi mo na din sakanya na wala kang tiwala sakanya.. Tignan mo nangyari, Nasakal mo tuloy." Umiiling iling siya.

"Meron naman bro, iba lang talaga tingin ko sa lalaki. Mas may itsura pa kesa sakin yun. Kaya nakakaselos talaga. Talo ako dun eh." Sabi ko sakanya.

"Tska bro, dapat hindi mo ginagawang mundo ang isang tao. Kasi paginiwan niyan, masakit talaga. Guguho talaga mundo mo." Sabi niya. Seryoso na talaga siya.

Tahimik lang ako. Nasaktan ako sa mga sinabi niya kasi alam ko totoo. Masyado akong naging mahigpit. Nasakal ko siya, kaya iniwan ako. Di niya siguro kinaya yung pagiging seloso ko. Di niya siguro naintindihan na nasasaktan ako. Nakakapagtaka lang kasi, ayaw ko lang naman siya mawala. Pero bakit iniwan niya pa din ako.

"Kung ako sayo bro, magmove on ka na lang."  Sabi niya sakin.

"Mahirap eh."

"Kaya mo yan. Kayang kaya mo. Sa una mahirap talaga pero eventually, magiging okay ka din. I focus mo lang yung sarili mo sa pagmomove on. Straight lang dapat, walang liko liko."

"Salamat. Kaibigan ka talaga." Sabi ko sakanya.

"Wala yun. What are friends for." Tumawa na ulit siya. "Sige na, bumili ka na ng pagkain. Drama mo pa eh." Sabi niya sakin.

Bibili na sana ako. Pero pagtayo ko, may nakita akong di maganda. Bumalik lahat ng sakit at galit..

Ayoko na. Gusto ko na sumuko.

----------------------------------------------

Ano nga ba yung nakita ni Sean?
Bakit bigla niya sinabing gusto niya na sumuko?
At bakit bumalik lahat ng ala ala sakanya?

To be continued..

-

HELLO! Hahaha! Very slow update. Ngayon lang ginanahan. Sana nagustuhan niyo. Wag niyo kalimutan i favorite at i add sa library. Thank you for the patience. Next update will be on friday. Thank you sa support readers. :)

Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon